Chapter V: one hello

41 0 0
                                    

Rence POV

kanina ko pa sila nakikita na nagkakatuwaan kaya naisipan ko nang makisali.. kaya ayun lumusong na ako.. eto na lang swimming boxers ko ang susuotin ko..wala naman akong ikakahiya sa katawan ko, alaga kong mag gym...actually yung katawan ko daw ee konting hasa na lang, maganda daw kasi ang hubog so, pinagtyatyagaan ko yung gym na malapit sa bahay.

di ko naman sinasadyang mapatingin sa gawi nila Jake, ayun at malamang nang aalaska na naman yung taong yun.. binasa ko yung buhok ko, medyo mahaba na pala, patay na naman ako neto pag balik sa skul sa lunes, bawal kasi sa amin ang long hair ee..

bigla ako me narinig na tawanan na sobrang lakas at nakita ko si Loris na namumula, di naman yung pulang pula, kahit naman kasi morena siya mahahalata mo pa rin yun..ahhh basta... nagsimula ako lumangoy patungo sa kanila... at nang umangat ang ulo ko wala na si loris...

"pare, hahahahaha! buti lumusong ka." natatawa pa din si jake... alam na nang aasar pa rin ito...

"oo nga forever alone ba ang drama mo duon..dito masaya!" nakangiting sabi ni tin.

"mga teh!" biglang sabi ni sonia "si ate loris di pa umaangat sa tubig" 

napatingin ako kay sonia" huh? 

"si ate loris kasi lumubog sa tubeeg!" parang di naman nagaalala, baka naman nang gugud tym si loris...

"pre tingnan mo nga jan kanina andyan lang yun ee" sabi naman ni jake..

nagpanic ako.. si loris??? asa ilalim ng pool?

1..

2...

3..

4..

5..

6..

7..

"kanina pa yun ahh..asan yun? " nasambit ko.. habang inaaninaw ko ang tubig sa ilalim may nahagip ang mata ko na bulto ng katawan... di na ak nagdalwang isip na hawakan at hilahin ang braso ng nahagip ko..

"i got you!!" sigaw ko...

nakita ko ang pamumutla nang nakatungong si loris... "okey ka lang Loris?" hinawakan ko sya sa magkabilang balikat.. sa sobrang pilit ko na makita ang mukha niya nailapit ko siya sa akin..ano ba naman kasi ang problema bakit ayaw mag angat ng ulo...

"huy! ate loris ano nangyari sau?" tanong ng iba,, di ko na inalam kung sino ang me sabi non... basta nakita ko pa rin ang pamumutla ni loris.. nagaalala na ako...

"hey! loris nagaalala na ako" nakita ko kasi sa kaunaunahang pagkakataon ang pagiging vulnerable ni gabriela silang..este loris pala..

hanggang unti unti nagangat ang ulo si loris... maputla talaga at nararamdaman kong nanginginig ang katawan... mahabang katahimikan muna saka sabay sabing... " di ko maigalaw ang mga paa ko..."

"halika ate loris iuupo muna kita sa gilid,"nandun na pala sila jay ar at sila leo  di ko napansin yun ahh... ayaw ko pa sana bitawan si loris dahil ayaw pumayag nang isip ko na bitawan siya,di ko ng alam kung bakit ganoon , basta ang tumatakbo saa isip ko "kelangan niya ako, kelangan ko sya protektahan" pero mabilis sila jay ar..namalayan ko na lang nakaupo na si loris sa gilid nang pool at minamasahe ni Leo ang talampakan nito...

"Pulikat lang  yan ate...nabigla ee" sabi naman ni leo, ang taekwondo master nila, songer pa... nakahabol pala samin to ngayon ko lang napansin..

"masakit" tanging nasabi ni loris''

gusto ko syang lapitan kaso nakatingin sakin sila tin, hay nakoow..wag na nga lang, lumapit na lang ako kay jake at nagpaligsahan kami ng laps sa pool... pag angat ng ulo ko, nakita ko na inaalalayan na ni muja si loris, papuntang cottage namin.."ahh buti naman at nang makapagtuyo muna sya ng damit para mamahinga yung paa nia" bulong ko sa sarili ko..

"ano sinasabi mo par?" si jake, tengang ewan to ang hina na nga ng sinabi ko naulinigan pa...

"huh?? wala ahh" sabay langoy ulit pa lap sa kabilang side..

-----------------------------------------------------<3----------------------------------------------------------------

Love in the rain &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon