Prologue
Palinga-linga si Aimee sa paligid dahil ilang minuto na siyang iniwan ng kanyang ina sa emergency room para makakuha sila ng kwarto para sa kanya. Nilapitan naman siya ng doktor na nakangiti at sinabihan siya na kailangan siyang lagyan ng suwero.
"Pwedeng hintayin si mama?" Natatakot niyang sabi.
"Big girl ka na di ba?" Tanong sa kanya ng doktor at tumango naman siya. "Ang big girl kayang magkaroon ng suwero na walang mama na kasama."
"Masakit yan eh." Naiiyak na niyang sabi.
"Hindi naman sobrang sakit." Pagpapalakas ng loob nito sa kanya at pinahiga siya. Napansin naman ng doktor na nakatingin siya sa ballpen na may Hello Kitty na nasa bulsa ng kanyang uniporme. "Kapag nakabit na natin tong suwero mo, sa'yo na tong Hello Kitty ko." Pakikipagdeal sa kanya ng doktor.
Tumango naman si Aimee at pumayag na suweruhan at tinupad naman ng doktor ang pangako nitong ibibigay sa kanya ang Hello Kitty niyang ballpen kung magpapasuwero ito. Nilaro laro naman niya at binigyan pa siya ng papel ng mga nurse para malibang hanggang sa dumating ang kanyang mama.
Pagkarating ng kanya mama ay nagulat pa ito na nakasuwero na ito pero halata sa mukha nito na pinamamalaki niya ang anak sa tapang ng loob nitong magpasuwero. Nang madala siya sa pribadong kwarto ay dumating naman kaagad ang isang doktor na kilalang-kilala na nila.
"Anong ginawa naman ngayon ng prinsesang ito at bakit biglang nagsuka kaya nasugod sa ospital?" Nakatingin sa kanya ang doktor na may nakakalokong tingin.
"Nagpraktis lang ako, kuya, para sa foundation day." Sabi ni Aimee na may panguso parang nagpapaawa.
"Aimee, hindi ka pwedeng sobrang mapagod o kahit anong sobra. Alam mo yan, hindi ka pinipigilan na magpraktis para sa foundation day niyo pero alam mo sa sarili mo kapag hindi mo na kaya."
"Sorry, kuya." Sabi naman niya.
Napabuntong-hininga naman ang doktor dahil alam niyang mauulit ang eksenang ito dahil kilala na niya ang ugali ng pitong taong gulang na kaharap. Second degree cousin niya ito pero malapit siya rito kaya kilalang-kilala niya ito. Aimee wants to blend in with the crowd, wanting to be like normal people even though she knows she is not normal.
"Pinapatawad na kita, pero gusto ko sa susunod pupunta ka sa ospital na 'to para bisitahin ako at hindi yung ako ang bibisita sayo dahil napano ka na naman." Pangangaral nito at tumango naman si Aimee.
Walong buwan matapos niyang maospital ay napipigilan na ni Aimee ang mga bagay-bagay at natututo na rin siyang tumigil kapag sobra na. Ngayon araw ay umuwi ang kanyang papa, tuwang-tuwa naman siya dahil malapit na ang kanyang kaarawan at panigurado magtatanong ito kung anong gustong gawin nila sa araw na iyon.
"Aimee, anong gusto mong gawin sa fourteen?" Tanong ng papa niya habang kumakain sila ng hapunan.
"Kahit ano pwede po, papa?" Tanong niya kahit gusto na niyang sabihin rito ang nasa loobin niya.
"Oo naman." Simpleng sabi ng papa niya na hindi siya tinitignan sa mga mata.
"Pwede pong mag-enchanted kingdom po tayo? Sabi po sa balita pwede na po ako sa mga rides doon kasi mag-eight na ko eh."
"Sige, mag-enchanted kingdom tayo tapos maghotel na lang tayo pagkatapos bago umiwi."
"Hindi ako papasok sa school po nung araw na yun ah!" Magiliw na sabi niya na halatang ang excitement sa mukha.
"Fourteen at fifteen ka hindi papasok." Sabi ni papa niya.
Dumating ang kaarawan ni Aimee at halos hindi siya natulog ng gabing iyon kakahintay sa papa niya. Nakahanda na sa bag niya ang mga damit na dadalhin niya pati ang mga paborito niyang mga pang-ipit ay pinalagay na rin niya sa bag. Nakangiti naman ang mama ni Aimee dahil kitang-kita niya sa mukha ng anak na ito ang gusto nitong gawin sa kaarawan nila at hindi iyon maghanda ng magarbo sa araw na ito.
Napakunot ang noo ng mama ni Aimee ng dumating ang alas nuwebe ng umaga at wala pa rin ang asawa niya para papunta silang enchanted. Hindi niya pinapahalata sa anak na nag-aalala na siya kaya tinawagan niya ito at wala raw ang asawa sa opisina sabi ng sekretarya nito kaya medyo nakampante siya na uuwi ito.
"Mama, pwede po ba nating tawagan si papa? Baka po kasi nakalimutan niya yung promise niya sa akin eh." Sabi ni Aimee na halata sa mukha ang antok dahil halos hindi pa ito natutulog dahil kakahintay sa ama.
Tumingin ang mama niya sa orasan at kinabahan siya ng makita niyang mag-aalas tres na ng tanghali kaya sinabi na niya sa anak ang nalaman niya sa sekretarya nito. "Wala raw doon si papa kanina pa sabi ng sekretarya niya."
"Pwede ko po bang tanungin si ninang kasi baka alam niya kung nasaan na si papa?" Tanong ni Aimee.
Tumango naman ang mama niya dahil alam niyang masasabi ng ninang ng anak kung nasaan ang asawa niya dahil mas mataas ang posisyon nito kaysa sa asawa at ito ang nag-uutos madalas kung saan kailangan ang asawa.
Maya-maya pa ay hinalikan ni Aimee ang mama niya na may namumuong luha."Nakausap mo na ninang mo?"
Tumango naman si Aimee. "Thank you mama, sa pagpack ng things ko pero hindi na po matutuloy yung enchanted natin. Noong twelve pa raw wala doon si papa at pumunta raw ng Nueva Ecija kahit sinabi na raw po ni ninang na baka hindi siya makaabot sa birthday natin. Nagbundok po si papa kaya po wala sa office." Sabi nito sa mama niya at umalis siya sa harapan nito saka pumunta sa kwarto at nahiga.
"Control your emosyon." Bulong ni Aimee pagkahiga sa kama. "Bawal ang sobrang pain sayo. Please let me sleep na lang po para hindi ako maidala ni mama sa ospital. Ayokong iyon ang birthday gift ko sa kanya.
Aimee silently cried her pain, silently healing the wounds that her father made. This is the first time that her father broke his promise and this was not the last, and this is the start that she distance herself to her father.
Her father broke her heart.
The first man that she truly loved broke her.
The first man that broke her heart changed who she is.
BINABASA MO ANG
Emotional Rollercoaster
General FictionAng buhay ko parang rollercoaster: tataas, baba, kakaliwa, kakanan. Sa nagdaang taon ng buhay ko lahat na ata ng sakit ng buhay ay naramdaman ko na. Kakayanin ko bang ipagpatuloy kung sobrang sakit na? Kakayanin ko bang kumapit pa kung alam kong kai...