OLDWY-9

22 6 0
                                    

"Ang nakaraan ay muling mabubuksan, ang dating binaon sa limot ay muling huhukayin, ang dating kasalanan ay muling bubuhayin"

Third Person's POV

Fildrieth's Mansion
1950, August 22

Masayang nagsalosalo ang mga tao sa mansyon ng Fildrieth dahil ngayon ay kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Ichiro Fience Fildrieth, kasama ang ilang kasapi ng negosyo at maging ang boung angkan nito.

Nakangiting nakaupo sa isang magarbong silya, si Doña Yuri Fildrieth na ina ni Ichiro kasama ang asawa nitong si Gavin Fildrieth at ang kanyang tatlong anak na sina Debrev, Ziconia at Ciendri katapat naman nito ang isang binatang si Ichiro habang masayang nakikipag usap sa kaibigan.

Sa kalagitnaan ng pag uusap ay may napansing kakaiba ang binatang si Ichiro sa loob ng gubat at dahil sa kuryusidad ay agad niya itong pinuntahan.

Palinga linga sa paligid ang binata at nagbabasakaling mahanap niya ang liwanag na nakita niya kanina ngunit wala siyang natagpuan, napagpasyahan nitong bumalik na lamang sa salo salo at isiping imahinasyon lang ang kanyang nakita.

Nang nakabalik ang binata sa mansyon ay nagulat ito sa nadatnan,lahat ng kanyang mga bisita ay walang malay, maging ang kanyang ina at mga kapatid,hindi naman niya mahagilap ang kanyang ama dahil umalis ito nang umalis siya.

"Hindi ka ngayon makakaligtas Gavin, pinatay mo ang buong pamilya ko kaya papatayin ko rin ang sayo"napatingin ang binata sa isang pintuan ng kanilang mansion na pinanggalingan ng galit na boses,kaya inilapit niya ang kanyang tainga sa pintuan upang malaman ang nangyayari sa loob.

"Maawa ka Feliciana hindi ko sinadya na saktan kayong lahat, napag utusan lamang ako"rinig ng binata ang pakiusap ng kanyang ama sa kasama nito sa loob.

"Hindi lang sakit ang pinaranas niyo sa aming mga mangkukulam, dahan dahan niyo rin kaming pinatay nung kinuha niyo ang ruby na nagbibigay kapangyahiran samin, dahil nabulag kayo sa kayaman kaya pati ang aming pagmamay ari ay ninakaw niyo, binigay namin ang tiwala namin sainyo ngunit niloko niyo kami,kaya magbabayad ka"Galit na saad ng babae, at agad na binuksan ni Ichiro ang pintuan, gulat namang napatingin sa kanya ang kanyang ama na ngayo y nakaluhod at maraming sugat sa mukha at maging sa braso.

"What are you doing here, Fience"maawtoridad na tanong ng kanyang ama, na kahit ito y nanghihina na.

"Dad, what happened?"tanong rin ng binata umiling lang ang kanyang ama at nagsusumamo na umalis na, dahil ayaw nitong madamay pa.

"Kung ganon, ay ito ang Unico iho niyo,vang binatang magmamana ng lahat at pati ang kasamaan ng kanyang ama"humalaklak sa saad ng babae.

One Last Dance With You Where stories live. Discover now