TAKE 2 (1-9)

63 0 0
                                    

uthor's Note:  Hey everyone! Ito na po yung TAKE TWO: LET'S START AGAIN.  Yan po yung buong title niya. But anyway, this story's the sequel to A Place in Time: We'll end we're we started. Pwede niyo pong simulan dito yung pagbabasa.. pero since this is a sequel... it's better kung nabasa niyo siguro yung A Place in Time for a better understanding. I can assure you there'll be stuff in here that you won't be able to understand unless you've read the first one. Anyway.. thanks a whole lot!!

***INTRO***

"Terrence naman eh! Nakakainis ka na! Pinapagod mo ako masyado!" naiinis na pagkasabi ko kay Terrence pero mahina lang. 

Kahit na nakakainis si Terrence, mahal na mahal ko naman yan. Kaya nga siguro nandiyan ako parati sa tabi niya para alagaan siya. Kanina lang, parang sinasadya niya na inisin ako. Pero ngayon tignan mo nga naman at patawa-tawa pa sa mukha ko. 

"Tapos ngayon tinatawanan mo lang ako? Mapang-asar ka talaga. Pasalamat ka cute ka." sabi ko sa kanya at nakitawa na lang din ako, "Matulog ka na ah! May pasok pa ako bukas pinuyat  mo na naman ako. Maawa ka naman kay ate." 

Si Terrence, ang 3-month old baby brother ko. He was born last March the 2nd. I will never ever forget that day kasi yun yung day na naghalu-halo na yung emotions ko. 

I'm only 16, a senior in high school, and I've never been afraid to tell everybody na nagmahal na ako. Or should I say nagmamahal pa rin. The thing was, it didn't actually go well. I named my baby brother after the guy I fell in love with. Si Terrence Kelvin Quintero. 

I've never met anyone like him. Older brother siya ng bestfriend ko na si  Tjay. Short for Maria Teresa Jayne. Nung una hindi kami nag-uusap ni Terrence. We probably did know each other sa mukha lang, but other than that wala na talaga. 

But things change nga sabi nila. Naging close kami at may mga bagay-bagay na nagpalapit sa aming dalawa. I fell in love with him. And sa tinagal-tagal ko na siyang kilala, he kept a secret from me all the while. He never did tell me. Kahit yung sarili kong bestfriend hindi sinabi sa akin. Kahit ganun naman, naiintindihan ko. Si Terrence daw kasi ang may gusto nun. I was fed up by the idea na he was just an ordinary guy who happened to have an asthma gaya ng iba. 

Pero nagkamali ako. At magaling din yung ginawa niyang pagtatago sa akin nun. Kaya nga siguro nung malaman ko the first time, hindi ko talaga matanggap. Hindi ko talaga mapaniwalaan. At lalung-lalo na hindi ko talaga maiwasang hindi masaktan. 

It was the night of our Prom. Tinawagan ako ng Papa ko. Kasi yung Mama ko daw eh nagkakaroon ng pains sa abdomen niya. February kasi due ang Mama ko, so hindi mo talaga alam maya-maya na lang pwede na siyang manganak. False alarm, pero hindi na siya pinaalis ng doctor sa hospital. Mas maganda na raw na safe na siya. 

Palabas na sana ako ng hospital. Nasalubong ko nun si Tjay na umiiyak na naman. But that time, kinabahan ako. I knew it would be different that time. Nandun na kasi yung pakiramdam na alam mo, something was up. Nakagown pa siya nun, yung make-up niya eh nag-smudge na sa mukha niya. Hindi ko rin napigilan, niyakap ko na lang siya. 

Hindi na rin siguro nila kaya pang itago sa akin. Terrence told me the truth. It wasn’t a simple asthma. May congenital heart disease si Terrence kung saan may butas ang puso niya. There were times na hindi siya makahinga. All those time akala ko dahil sa asthma niya, yun pala dahil sa sakit niya. 

Hindi na siya umalis sa hospital after nun. Hindi na siya nirelease ng doctors dahil unfortunately, lumaki na yung butas sa puso niya at marami nang blood ang na-pumped sa lungs niya. Sinubukan kong samahan niya hangga’t kaya ko. Kaya lang dumating yung day na nagpumilit din siyang lumabas ng hospital kahit hindi pa pwede, at pinagbigyan na lang siya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2011 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TAKE 2 (1-9)Where stories live. Discover now