CHAPTER 7

0 0 0
                                    

This Tuesday na ang championship ng basketball sa school namin kaya marami na naman tao sa school, habang naglalakad ako sa lobby ng university ay nakita ko ang mga teammate ni tristan at tinawag ako

"Ms. marquez" sigaw ng isa nyang teammate, nagulat ako kaya napatingin ako tapos nakita ko si tristan sa likod nila at sabi

"wala yon mapang-asar lang talaga sila wag mong pansinin"

At tinawag ako ni tristan "Yumi" at sagot ko
"yes" lingon ko sakanya "pwede ba humingi ng favor sana?" tanong nya sabay tingin saakin "at bakit close na ba tayo? At bakit ako" nagtatakang tanong ko

"hindi pa ba tayo friends nyan? binili ko lahat ng desserts mo para sa grade mo" mayabang na sagot nya "sige sabihin mo ano ba kailangan mo saakin?" napipilitang tanong ko

"pwede ka ba naming kunin as muse sa gaganaping basketball championship?" seryosong tanong
saakin,

"bakit ako?" tanong ko sa kanya

"bat naman hindi, eh ang ganda mo"  nakangiti at titig nyang sabi na para bang matutunaw na ako sa mga mapupungay nyang mga mata

"wala ka ba talagang magandang sasabihin?" naiinis kong sagot

"totoo naman eh, eto pa kasi ang dahil nga freshman ka lang dito sa university kaya gusto kong maexperience to" seryoso nyang sabi saakin

Feeling ko tuloy crush ako neto banat ng banat saakin, haba kasi ng hair ko sabi ko sa isip ko habang kinikilig sa mga sinasabi nya saakin

Dahil sa sinabi nya kaya pumayag ako na tanggapin ang pagiging muse sa team nila "sige na nga, oo na payag na ako" nakangiti kong sabi sa kanya

At hindi mo maipinta sa mukha nya kung gaano sya kasaya

"thank you Yumi, malaking bagay to para sa team at experience mo sa univ natin"

May practice bukas ang mga muse sa basketball per management, around 5-6pm ang practice ganon palang kasi kami nakokompleto lahat at marami din kaming magppractice, at pagkatapos ng practice ay nagsi-uwian na sila ako naman ay nagaayos palang ng gamit ko

Habang papunta na sa lobby ng univ ay nakita ko yung car ni tristan, baka naman may kukunin lang ng gantong oras sa univ

Nakita kong lumabas si tristan at nang makita nya ako ay agad syang kumaway sa akin "YUMI"

"hi" naman ang sagot ko sabay tanong "anong ginagawa mo ng ganitong oras tristan?"

"sinusundo ka" nagulat ako ng bigla nyang sinabi yon

"bakit naman?" nagtataka kong tanong

"syempre kinuha kita bilang muse namin kaya sagot kita kapag may nangyari sayo, wala na kaming muse non" palusot nyang sabi

"pumaparaan ka lang saakin nyan eh" pabulong kong sabi habang nakangiti

"totoo yon" sabay titig saakin kaya natahimik ako tumawa naman sya

"tara sakay ka na, wala akong gagawin sayong masama" pabiro nyang sabi at pumasok na sa kotse nya

Deretcho na nya akong hinatid sa condo ko, dahil minsan sa bahay ako umuuwi pangweek ends.

"thank you tristan" nakangiti kong sabi pagbaba ng kotse nya "your always welcome yumi ko" pabulong nyang sabi sa word na ko

"ano yon tristan?" tanong ko

"wala ingat ka see you sa university bukas goodluck bukas, galingan mo" sinabi nya habang papasok na ako ng gate namin

Kasama ka pa ba sa pagtanda?Where stories live. Discover now