AFU: GDC

44 1 0
                                    

"GLAIZA DE CASTRO"

Ewan ko ba, pero sa tuwing naririnig o nababasa ko ang pangalan na 'yan parang nababaliw na ako na hindi ko maintindihan. Mas nakakakilig pa nga kapag nakikita ko sya sa screen. Oo, sa screen. Lahat na yata ng pelikula, teleserye, shortfilms, guestings nya ay napanood ko na at wala akong pinapalampas.

Oo, fan ako ni Glaiza pero hindi ko gusto na kilalananin nya ako bilang fan. Ako siguro ung tipong fan na kahit magkita kami ay hindi ako magpapa-picture at lalong hindi ko ipapahalata na ako yung fan nya na halos mamatay na sa kilig kapag may nalaman about sakanya kahit na maliit na detalye o bagay lang. Pinag-iisipan ko pa nga kung magpapanggap ako na hindi ko sya kilala kapag nagkita kami o hindi? Alam ko kasi kapag nakilala nya ako bilang professional ay mas makilala ko pa sya at mas malaki ang tyansa na maging close at magkaibigan kami.

Mayroon ako na isang fan account sa Instagram at Twitter. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang maging fan ni Glaiza, pero sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay ayoko na isipin ng mga followers ko na sakanya ako humahanga ng sobra. Kilala kasi ako bilang Campus President, Class President at With Highest Honors sa school, hindi rin ako mahilig mag-share ng mga gusto ko dahil mas naeenjoy ko ang mga ito kapag ako lang ang nakaka-alam. Mabalik tayo, ilan lang sa mga friends ko ang nakaka-alam na gusto at idol ko si Glaiza, dahil napansin ko na lowkey fame si Glaiza at hindi maiintindihan ng lahat kung ipagmamalaki ko na idol ko sya. Basta siguro gets nyo na yan HAHA

Hindi naman sa pagmamayabang, pero napaka-dami kong alam tungkol kay Glaiza, makikita nyo.

---------------END PROLOGUE-----------------

Nagising ako sa napaka lakas na alarm ko sa bedside table, kinuha ko ito at pinatay. 7:00 am pa lang ay gising na ako kahit walang pasok dahil gusto ko makita sila Mommy at Daddy bago pumasok sa office. Nag-stretching ako habang nakahiga at nababalot ng napaka kapal na puting kumot at napapaligiran ng malalaki at malalambot na unan. Madilim pa din sa kwarto ko dahil nigh lights lang ang nakabukas.

"Alexa, turn off the aircon" 'yan na lamang ang nasabi ko dahil ginaw na ginaw na ako sa lamig.

Patayo na sana ako at sakto naman na pumasok ang yaya ko sa kwarto.

"Mam, Good Morning po, gising na po kayo?"

"Opo, gising na." sagot ko

"Pinapatawag na po kayo nila Mam at Sir, paalis na po sila" sabi ni Yaya Andrea.

"Sige, ba-baba na ako ikaw na bahala dito" sagot ko sakanya habang papalabas ng pinto at tumakbo papunta sa garahe kung saan naka-park ang mga car na gagamitin nila Mommy at Daddy.

Buti ay hindi ako nahuli dahil nakita ko sila na pasakay na.

"Bye Mommy! Bye Daddy!" sabi ko kasabay ng paghalik sakanila, na tinugunan naman nila.

"Maghanap ka ng magandang beach at pwede magrent ng bahay then show it to us later sa dinner" sabi ni Daddy na ikinalaki ng mga inaantok ko pa na mga mata.

"Yes, you heard it right. Kaya find a great one sweetie" Sabi naman ni Mommy ng makita ang speechless kong mukha

"Yes po, I will" sagot ko na lang dahil hindi pa din nagproproseso ang utak ko dahil siguro sa sobrang aga o sobrang pagkabigla.

Umalis na ang car nila Mommy at Daddy, hindi pa ako pumapasok ng bahay hanggat hindi nawawala sa tanaw ng mata ko ang car nila na papalayo. At nang lumiko na ito at hindi ko na makita ay pumasok na ako muli ng bahay.

Naglakad ako padiretso sa altar para magbasa ng bible at magdasal. Matapos gawin ito ay muli akong bumalik sa kwarto na malinis at napakaliwanag na dahil iniwan ito ni Yaya Andrea na bukas ang mga kurtina.

A Fan's UnexpectationsWhere stories live. Discover now