"Love, saan ka pupunta?" Tanong ko kay kian dahil ito ay nag-aayos sa sarili na parang may importanteng pupuntahan.
"Ano ba lyka? pwede ba? 'wag kana nga mangialam!" Saad nito sa'kin habang nagpa-patuloy sa pag aayos.
"Love naman, nag tatanong lang naman ako. concern din ako sa'yo, baka ano pa mangyari sa'yo."
"Tsk, for once lyka hindi na ako bata para iingatan at pro-protektahan mo ng todo! 'yan na nga dahilan kung bakit namatay kapatid ko!" Sinabi n'ya sakin sa mataas na boses pero, ano pa laban ko? wala naman akong magagawa, 'di ba?
Umalis na si kian sa bahay na hindi man lang nag-paalam sa'kin. ewan ko nalang talaga, pero okay lang. mahal ko 'yon e.
Hating gabi na pero hindi pa rin dumating si kian, nasa kwarto lang ako, gising pa din. nagmamasakaling uuwi na si kian maya-maya.
Umaga na at hindi ko napansin kung anong oras na. 9:25am. wala pa rin si kian. umasa pa rin ako na uuwi s'ya kaya nag-luto nalang ako.
10:47am, sa wakas. narinig ko ang malakas na pag-katok ni kian sa pintuan.
Binuksan ko ang pintuan at binati s'ya agad.
"Hello love! Kung gutom ka nag-luto ako para sa'yo!" Sabi ko sakanya habang ngumingiti.
"Alis ka nga dyan, lyka! Ayoko sa mga niluto mo! Tsaka, pwede ba? Kahit isang araw lang 'wag kang magpa-epal d'yan! Nakakainis!" Sinabi n'ya habang naglalakad patungo sa kwarto.
Hayst, hindi ko alam kung bakit nagka-ganito si kian. hindi naman s'ya ganito noon, i miss my old kian. the old sweet, caring and loving kian i knew.
Gabi na at pumasok na ako sa kwarto, hihiga na sana ako nang biglang may sinabi si kian.
"Alis ka nga rito! Doon kana sa isang kwarto!" Sabi n'ya sa isang mahinhin na boses.
"Pero love, 'di ako makakatulog Doon. Walang mattress tsaka wala akong magagamit roon." Sabi ko sakanya habang naka-upo sa higaan.
"Ayoko nga!! Doon kana! Nakakainis kang babae ka! Alis kana!!!" Galit na galit na s'ya kaya wala na'kong choice kundi sundin 'yung sinabi n'ya.
Umalis na'ko at isinara 'yung pinto sa kwarto namin, medyo na-pagod na rin ako kaya sa sofa nalang ako natulog.
YOU ARE READING
Your Eyes said End Game
Non-Fictiondito nalang lahat ng need to knows and characters, mains; kian, angelica characters; pia daniela ellaica charmaine christine jovan kent plot; angelica a 26 year old girl who has a non-caring husband named kian. everything was normal until kian...