PROLOGUE

20 3 0
                                    




Sa araw-araw na dumadaan, palagi kong naitatanong sa Panginoon kung ano nga ba ang purpose ko sa mundo? Ipinangnak lang ba ako para mag-alaga ng kapatid? sumunod sa mga utos ng aking mga magulang? pumasok sa paaralan kahit tinatamad na? maghabol ng mga grado sa mga guro? hindi ko alam.

"Ria, nagsaing ka na ba?" my Mama's asking me. Palaging ganito, kahit marami akong ginagawa na school works, I have no choice but follow them.

"Teka lang po, inaayos ko pa po yung researcher paper k--" hindi pa ako tapos magsalita ay pinutol na agad ni mama ang sasabihin ko.

"Puro ka teka, Ria. Pagod na nga kami sa trabaho at ganito pa ang palagi naming nadadatnan, pag aaral lang naman yung ginagawa mo, ha? bakit hirap na hirap k---" hindi ko na pinatapos si mama, tumayo na ako at pumunta sa kusina.

Tama nga naman, pag-aaral lang yung ginagawa ko, ba't ba hirap na hirap ako? Pag-aaral lang. Na araw-araw kong iniiyakan.

Pagkatapos ng mga nakakapagod na gawain ay saka ko lang napag desisyunan na bukas ko na lang aayusin yung research paper ko sa room. Inaantok na kasi ako, gusto ko man gawin kaso mas nananaig ang antok.

Maaga akong nagising, 4am pa lang ay gising na ako. Bilang panganay na babae, dapat daw ikaw ang kumikilos sa lahat ng gawaing bahay. paano raw ako mag-aasawa. Tsk, they didn't even asked me if gusto ko mag-asawa.

I prepared all the things that I needed sa pagpasok sa school. Tinulungan ko rin sa pag-aayos ng sarili ang kapatid kong grade 10. Well, kaya niya naman ang sarili niya but, nakasanayan ko na siguro. Kami lang naman ang magkapatid, at ayoko nang may sumunod pa.

"Ma! papasok na kami, isasabay ko na si Reyven. " sigaw ko habang kinukuha ko ang bag ko.

"teka," nilapitan niya ang kapatid ko. "Binata na talaga ang reyrey ko. mamaya aalis tayo pag-uwi mo." Ginulo niya yung buhok ni Reyven. bulong ngunit rinig na rinig ko iyon. Hindi naman big deal sa akin ang mga bagay na yan, hello! college na kaya ako! pero syempre di pa rin maiiwasan na hindi mainggit, iba kasi ang kinalakihan ko, masyadong maaga akong minulat agad nina mama at papa sa reyalidad.

Ngumiti ako na parang tanga sa kawalan. Hala, ang arte ni Ria! ang aga aga ang drama.

Hindi na kami nagtagal at umalis din kami sa bahay, maaga pa naman kaya hindi rin kami masyadong nagmamadali.

"Ate, mahirap ba magtrabaho habang nag aaral?" Reyven's asking me while we waiting jeepney. close naman kami dahil hindi naman malaki ang agwat ng edad namin.

"Try mo." I chuckled.

Kita ko ang pag-irap niya sa akin. "Hindi ka talaga nakakausap nang matino! kaya siguro di ka nagkakaroon ng boyfriend, 'no!?" saad niya at humalakhak ito. Napasimangot tuloy ako!

"Deserved!" pahabol niya pa.

Sasagot pa sana ako kaso dumating na yung jeep.

Hindi naman traffic kaya ay naihatid ko agad siya sa tapat ng school niya, mas mauuna kasi ang pinapasukan niya kaysa sa school ko.

tinignan ko ang oras sa relo ko nang huminto ang jeep sa tapat ng gate ng school. shocks!! malalate na ako!! Halos takbo na ang ginawa ko, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Si Ma'am Delos Santos kasi ang first period namin ngayon, once na late ka sa klase niya ay nakatayo ka lang hanggang matapos ang klase niya. Aba! sa ganda kong to, hindi naman ako papayag, 'no!

Nang makarating ako sa floor namin ay may mga officers ng student leader sa tapat ng pintuan ng room namin. Siguro ay may ia-announce sila. Diretso diretso akong pumasok sa room, andoon pala ang president sa harapan. Tsk. Mga wala namang kilos.

Before I FallWhere stories live. Discover now