Chapter 1: First Loves

88 3 39
                                    

1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1.

Kaiee's POV.

First loves hurts the most, they say.

"Please, Jack. Bitawan mo ako!" Buong lakas ko na ang ginagamit ko, makawala lang sa mahigpit na yakap ni Jack sa mga baywang ko. Ngunit kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko ay ayaw nila akong hayaan sa gusto ko.

I think for me, they are the most unforgettable.

"Kailangan kong balikan si Jacques, nagmamakaawa ako. Kailangan niya ako!" Nahihirapan man akong imulat ang mga mata ko dulot ng mga nagbabaha kong luha ay patuloy ako sa pagpupumiglas lalo na nang tumulong na ang mga nurse para mapakalma ako.

Unforgettable as they leave fragments of memories.

"You have to calm down first, Kaiee. They've already rescued Jacques, take a breathe now," subok ding pagpapakalma sa akin ni Jill kahit na maski siya ay nahihirapan din sa sitwasyon niya.

Ramdam ko ang may kalakihang mga kamay ni Jack na humahagod sa buhok ko, ang paulit-ulit niyang pagbulong sa tainga ko na 'magiging maayos din ang lahat' ay ngayon ko lang nagawang mas pakinggan.

Unti-unti. Paunti-unti ay kumalma rin ang nararamdaman ko maging ang tensyon sa buong sistema ko. Basa ang mga pisngi at nag-iinit ang sulok ng mga mata ay unti-unti akong bumagsak sa sahig habang yakap pa rin ni Jack mula sa likuran ko.

"T-Talaga?" nahihirapan kong sambit gawa ng pagiging garalgal ng aking lalamuna mula sa pagsigaw. "Natupok na nila ang apoy?"

First loves leave fragments of memories and that what makes them the most unforgettable that it hurts.

SIX YEARS AGO. . .

"Ano pong baon namin, mama?" ngiti kong salubong kay mama nang makapasok ako ng kusina at inabutan siyang inihahanda ang lunch boxes namin ni Kuya Louie.

"Chicken hotdogs," natutuwa namang tugon ni mama at iniabot kay kuya ang lunch bag niya. "Ginawa kong anim ang ulam at siksik ang kanin mo, hatian mo si Jacques," bilin niya ni mama nang iabot niya naman ang akin.

"Syempre naman!" nakataas pa ang thumb na tugon ko. Maglalakad na sana ako palabas ng kusina nang maisipan kong huminto at lingunin si mama. "Nilagyan mo naman ng love potion itong pagkain ko, hindi ba, mama? Dapat mas lalong mahulog sa akin si Jacques."

"Hindi mo na kailangan ng kung anong magic or witchcraft," pamewang ni mama at bigla akong binigyan ng kindat habang nakaturo sa akin ang parehong mga kamay niya. "The way to a person's heart is their stomach."

Natatawa ay itinuro ko rin si mama ng dalawa kong mga kamay sabay kumindat. "Sige na po, alis na kami, mama! Love you po!"

Bitbit ang lunch box na hinanda ni mama para sa aming dalawa ni Jacques ay isinukbit ko na rin sa likod ko ang backpack ko. Inayos ang mga kuwelyo ng suot kong blouse, nagsuot ng medyas at matapos ay sapatos. Pinagpagan ang suot na paldang hanggang tuhod ko ang haba.

Skipping Heartbeats (Safe Haven Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon