Kabanata 26

2.2K 64 7
                                    

Dedicated to Donibursa



"Oh? Anong tinitingin tingin mo?" inis na tanong lo habang sabay kaming naglalakad sa ibang parte ng bayan kong saan maraming tao.

Talagang kumulo ang dugo ko sa sinabi nya kanina at talagang proud na proud pa ang bwesit na to.

"I'm Sorry okay? I was just kidding awhile ago." kanina pa nya ako sinusuyo ng makaalis kami doon kanina dahil muntik kuna syang tadyakan sa harap ng maraming tao.

Hinarap ko sya at namaywang ako sa harap nya.

"Ikaw nga ay umamin saakin? Sigurado ka bang hindi madami ang babae mo?" inis na tanong ko sakanya.

Natigilan sya at tinitigan ako.

"Marami syempre but sa lahat ng babaeng iyon ikaw ang ang asawa ko." pagbibigay alam nya.
Nagcross arms ako at sinamaan sya ng tingin.

"Anong edad kaba nagsimulang mambabae? At wag na wag kang magsisinungaling dahil alam kong babaero ka." banta ko sakanya.
Napakamot sya sa batok at tinatantya ang reaksyon ko.

"Paano ako sasagot e para ka ng bubuga ng apoy.." mahinang sabi nya saakin.

"Isa! Sasagot kaba o sasagot?" nauubos na talaga ang pasensya ko sakanya.

"Okay fine.. I was 15 years old when i start dating women." agad na sagot nya kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sakanya.

"15? E binatilyo ka palang ng panahong iyon a? Kaya pala hindi ka makasagot ng diretso kong ilan ang naging babae mo dahil hindi mona pala mabilang.. Bwesit ka!" galit na asik ko sakanya.

Napalunok sya at napatingin sa paligid namin dahil kami lang talaga ang nag aaway dito.

"Matagal na iyon... What can i do? I was so famous in our school and i never forced a woman before they are the one who's offering their self to me.. What more when i finished studying and handle our - - - -" malakas syang napabuntong hininga ng matitigan ako.

Napaiwas ako ng tingin, bakit ba nagtaka pa ako dito nga sa bayan ay hindi na sya nilulubayan ng tingin ng mga kababaihan ano pa kaya sa lugar na pinagmulan nya.
Kong magandang lalaki sya ngayon ay ano pa kaya noong mga nasa twenties palang sya.

"Hey please... We are on a date and we should celebrate... That was all from past.. okay?" marahang alo nya saakin kaya malakas akong napabuntong hininga.

"Pasensya na.." nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko dahil sa simpling bagay ay pinapalaki ko.
Ngumiti sya saka hinaplos ang buhok ko.

"No problem my wife.. But let's celebrate this day okay.. Kahit pagsusuntukin mo ako bukas.. It's fine." inakbayan nya ako kaya napangiti ako.

"Talaga lang."

Hinila nya ulit ako sa isang kumpulan ng mga tao na sa tingin ko ay mga mag asawa lang ang nandoon.

"Kordelya, mula noon hanggang ngayon ikaw lang at walang iba."

Narining naming nagkantyawang ang mga tao dahil sa sinabi ng isang lalaki sa asawa nya.

Napangiti ako dahil sa narinig ko.

Isa iyong stage ay na may malaking hugis puso sa pader, pinapapunta sa taas ang sa tingin ko'y kakanta. May mga gitarista sa tabi na mukang sinasabihan kong anong tugtog ba ang gagawin nila.

"Pare.. Ilista mo kami.." nilingon ko si Ross na nag aabot ng pera sa may hawak ng papel.

"Segi po."
Lumapit sya ulit saakin at nanood kaya kinulbit ko sya.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now