ִֶָ𓂃 ࣪˖ ִֶָChapter 08་༘࿐

757 35 8
                                    

*ੈ𑁍༘⋆

Umupo ako sa pinakadulo, malapit sa bintana matapos kong marinig ang pagtunog ng bell. Ilang saglit ay dumating ang guro namin sa unang subject.

“Good morning, everyone. I am Gabriela Madrigal, your teacher in oral communication and, of course, your adviser for this school year,” pagpapakilala niya.

I could not stop myself from staring at her. She seemed so young to be the teacher. If she just wore a student uniform, no one would try to say she was a teacher.

“Ma’am!” Nabaling ang atensyon ng guro sa isa naming kaklase nang magtaas ito ng kamay.

“Yes?”

“Ilang taon na po kayo?”

“Ano sa tingin niyo?” ngising saad niya. Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko siya ng ekspresyon.

“Twenty po?”

“Twenty-two?”

“Eighteen pa yang si Ma’am!” bulalas ng isa sa mga kaklase namin, tuwang-tuwa.

“Baka nga nagpa-prank iyan. Kaklase pala natin–”

Everyone stopped when she seriously looked at that student who talked so casual in front of her. Sa mga tingin pa lang niya ay nagpapakita na ng awtoridad. Mabilis na napaupo ang lalaking iyon.

I heard her deep sigh.

“Hindi nagkakalayo ang mga edad natin. Baka nga kaedad ko lang ang ilan sa inyo but in my class, ayaw kong ituring niyo akong tropa ninyo. I won’t tolerate anyone who will disrespect me. Do you understand?”

“Yes, ma’am.”

My heart skipped a beat when she caught me staring at her. Hindi pa rin nagbago ang blangko niyang mukha hanggang alisin ang atensyon sa akin.
As expected, we introduced ourselves one by one. Hindi na ako nakinig. Hindi ko naman sila makakabisado sa unang araw pa lang ng klase.

I spent the whole time looking out the window. Napukaw lang sa harap ang atensyon ko nang marinig ang boses ni Cooper.

“I’m Brian Cooper Fuentes. Half Chinese Half Filipino. I preferred to be called by my second name. Seventeen years old, living in San Lorenzo. Dito rin ako nagtapos ng junior high sa school na ito. That’s all,” pakilala niya. Palakpakan naman ang mga kaklase namin sa simpleng pakilala lang niya. May ilang babaeng kinikilig din.

Napaawang ang labi ko nang napatingin siya sa gawi ko. Mabilis din siyang nag-iwas ng tingin. Nang ako na ang magpapakilala ay agad akong tumayo at nagtungo sa harap.

“Hello. My name is Miracle Panganiban. You can call me Rai,” pakilala ko. Tumingin ako sa guro na tila ba tinatanong kung tapos na ba ako.

“That’s all?”

Tumango naman ako.

“Okay.”

I was not sure if she was upset or simply uninterested. Before I could feel humiliated, I went back to my seat. My new classmates didn’t say anything, but they did follow me around with their eyes. I didn’t know if they were thinking about how strange I was, but I didn’t pay them attention.

Muli akong tumingin sa labas ng bintana nang makaupo ako sa pwesto ko. Ilang saglit pa ay nagsimula nang magturo ang guro.

Tahimik naman akong nakikinig habang nakatukod ang siko ko sa armchair at nilalaro ang ballpen ko. I sometimes glance at Cooper’s seat in the third row. He seemed to love learning. He could be mistaken for a nerd because of his eyeglasses. His height was also remarkable. 5’11” ata siya. Siya rin ata ang pinakamaputi sa classroom namin. Siguro ay dahil may lahi siyang Chinese. Halata naman dahil sa singkit niyang mga mata.

Miracle In Section 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon