"Bakit ba nagmamadali ka?" Inis na tanong ni Josh.
"Mauna na ako." Nakangiti kong sabi sa kaniya at mabilis ng lumabas ng gate.
Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makarating sa SSA ng mabilis. Nang makarating na ako doon ay agad aking nagpunas ng pawis, marami ng estudyante ang lumalabas ng gate, sana naman hindi pa nakakalabas si Pamie.
Naghintay pa ako doon ng ilang minuto, sana naman hindi niya ako jino-joke time, pumayag naman siya eh, gusto ko lang talaga siyang makasama kumain. Masiyado ba akong maaga para sa uwian nila o late na ako? Wala rin naman kase akong phone number niya, pati social media accounts niya hindi ko makita.
Tanungin ko na lang siya mamaya kaoag naabutan ko siya dito. Sana naman hindi ako pa late, please.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa gate dahil baka malingat ako at hindi ko na talaga sila tuluyang makita. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang mga estudyante dito eh, iba kase yung uniform ko, wala din naman akong pakialam sa kanila eh, si Pamie lang naman hinihintay ko.
Ikang sandali pa ay nakita ko na si Pamie na nakangiting naglalakad palabas ng gate, napangiti ako ng malaki bago inayos ang sarili, inamoy ko din ang sarili ko dahil baka mabaho na ako, mabuti na lang hindi pa.
Ang ganda niya talaga.
Dahan-dahan na akong lumapit sa kaniya at malapad na ngumiti. Kumaway naman siya sa akin pabalik.
"Hi," bati niya.
"Akala ko umuwi kana eh," kamot ulo kong sagot.
"Katatapos lang kase namin sa practice, sorry ha,"
"Hindi, okay lang-"
"Kanina ka pa ba naghihintay dito?" Nag-aalala niyang tanong.
"Hindi naman," dahilan ko.
"Sige for now treat ko muna, kainin mo lahat ng gusto mong kainin." Nakangiti niyang sabi at nagsimula ng maglakad.
"Teka, ako yung nangyaya sa'yo 'di ba? Dapat ako yung manlilibre," sagot ko habang hinahabol siya.
"Ano ka ba, ako na, dinayo mo pa ako dito sa school oh,"
"Siyempre, niyaya kita eh, at saka hindi ako sanay na babae yung nanlilibre sa akin," sagot ko naman sa kaniya.
May pera naman ako at kaya kong bayaran ang kakainin namin, at isa pa hindi talaga ako sanay na babae yung nagbabayad ng kakainin ko.
"Sige ganito na lang, but-who-but-who-pick na lang tayo, ano game?"
"Ayaw ko pa din," umiiling kong sagot. Napasimangot naman siya.
"Dali na?" Umiling ulit ako bilang sagot.
"Ede bayaran na lang nating dalawa yung kakainin natin." Sabi niya at nakipagsiksikan na sa mga estudyante na kumakain din. Napailing na lang ako bago sumunod sa kaniya.
Nakamakakuha na ako ng fishball at quekiam ay nilagayan ko na yun ng hot sauce. Ganon din ang ginawa ni Pamie. Susubo na sana ako kaya lang natawa yung nagtitinda.
"Nakaraan lang nag-aaway kayo dahil sa fishball tapos ngayon magkasama na kayong kumain dito haha." Nahihiya akong tumawa ng mahina at napatingin kay Pamie na namumula na ang mukha at natatawa ng bahagya.
"Nasa fishball daw po ang true love haha." Natatawang pang-aasar ng mga kumakain din doon.
"Babe, mag-agawan nga tayo sa fishball baka tayo takaga haha." natatawang sabi naman nung katabi naming babae.
"Kadiri ka beh, 'di kita type," reklamo naman kaagad nung bakla niyang kasama. Natawa na lang din kami at kumain na.
Habang kumakain kami ay nagtatawan kami, nagkukwentuhan kahit wala namang kwenta yung mga sinasabi ko ay natatawa pa rin siya, minsan binibola ko siya pero iniirapan lang ako.
YOU ARE READING
Unsolved Love - Student Series #3 ✓
Teen Fiction[COMPLETE] Pamie Natividad and Cian Dheo Almazon Ang gusto lang naman ni Pamie ay ang magkaroon ng payapang buhay sa pagtungtong niya ng college. Bata pa siya ay mayroon na siyang nagugustuhan na kaniyang kaibigan. Ngunit sa kabila ng kaniyang maam...