ONE. 6

15 1 0
                                    

Chapter 6 "A Part of Us"

Niyaya nga ako ni Peter mag outing sa Boracay kasama sila Moon at Cesia. Hindi ko alam kong anong nakain ng mukong at ba't bigla na lamang nagyaya mag swimming, tapos kasama pa si Moon.

"Uyy, Pet!..." tawag ko sa kanya ng maaninag siyang palakad-lakad kasama si Moon. Tirik ang araw, kalagitnaan na din kasi ng summer.

"Ba't ngayon ka lang?" bungad sakin ni Moon na pagalit nitong sabi.

"Alam mo namang na missed ko yung unang flight kaya nag booked ako ng bagong trip" sabi ko kay Moon.

"Ay sus....!"

"Ohh, ano yung nakita ko kanina ha, may pa holding hands pa kayong nalalaman"

Ngumiti lang yung dalawang kumag. Tuloy-tuloy na din kami sa pag uusap at sinabi na nila sakin ang totoo.

"Sana lang ay di na maging semento yung mga puso niyo." pagbibiro ko kina Peter at Moon.

"Dami mong alam Z e ikaw ano na?"

"Anong ano na...? "

"Ay sus kunwari ka pang walang nararamdaman, wag ako alam na alam ko kilos mo. "

Wala talaga ako maitatago kay Moon kaya sa kapipilit nito, na e kwento ko na lamang yung nangyari sa min ni Ara nung nakaraang linggo.


" Shitttt.. Bakit mo nagawa yon?"

"Hindi ko na control, bumabalik pa rin sa tuwing magkasama kami."

"Hayst, sana maging maayos na kayo"

Nag aayos ako ng gamit sa kwarto ng biglang may kumatok dito. Di ko muna binuksan iyon. Hinintay ko munang makailang katok ito bago ko binuksan.

"Ano ba naman kuya, tagal mo naman buksan malapit na ako mapanis."

"Bat di ka kasi tumawag..."

" Hay naku, kailangan pa ba?... Nga pala tawag ka na nila Ate Moon, kainan na daw tapos na din na grilled yung mga karne"

"Susunod ako, magbibihis lang.. "

" Bilisan mo, bagal"

"A'ba't ikaw na bata ka ha" sabay kiliti ko sa bewang nito. Lakas ng tawa, kababaeng tao haha.

Langhap ko ang amoy ng grilled pork at tiningnan kong saan nanggagaling iyon. Natatakam ako sa sobrang sarap ng handa kaya naman napakuha na ako ng wala sa oras, ikinabigla naman ito nila Moon, Peter at Cesia na siya namang ikinatawa ng tatlo.

"Naku sobrang sarap ng timpla ah, sino ba nag marinate nito?"

Turo sakin ng tatlo sa isang babaeng kanina pa ata nagbabaliktad ng iniihaw niya. Si Ara nga di ako nagkakamali.

Natahimik ako at agad na pinuntahan si Ara para tulungan iton.

"Ako na jan, mukang kanina ka pa e."

"Kunti na lang naman at maluluto na sila"

Nakatitig lang ako sa mukha ni Ara napapatulala na rin. "Ang ganda mo" mahina kong sabi.

𝗜𝗞𝗔𝗪 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗜𝗡Where stories live. Discover now