067

12 1 2
                                    

Liline's Point of View

3:44 pm

"You still experience short breaths? Nauseas?" Pagtatanong ni Dok kay Jordan. Pansin ko namang nanginginig na ang kamay nito kaya mararahan kong hinawakan at minasahe.

His hands now got little cold. Maging mga kuko niya, unti-unti nang namumutla.

"Yeah," pagtango nito. Hindi ko mapigilan ang paninikip ng dibdib ko dahil sa naririnig na usapan. I was about to bring up another way to end his suffering. Finding donors. Pero naunahan niya ako. "But I'm okay. Just keep monitoring me with this heart, doc. I still can."

Nagkatinginan kami ni Doc. Pareho kami ng iniisip, I guess.

Alam naming hindi na niya kaya. Pero hindi namin siya mapipilit. He might be stressed just because of our suggestions. Makakasama lang sa kanya iyon.

"Okay. Come back here next week, hmm? Tututukan ka namin." Anito. Tumango lang siya. Hindi ko man gusto ang nagiging takbo ng usapan pero wala akong magagawa. Desisyon iyon ni Jordan, at hindi ko siya kayang pigilan.

5:15 pm

"Sigurado kang ayaw mong magpa-opera?" Kabado man ako ay nag-open topic ako sa kanya nito.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang parke. Pagkatapos kasi naming magpunta ng ospital, inaya niya akong maglakad-lakad na muna.

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti, "Ayaw."

"W-why?" Napahinto ako sa paglalakad. Gano'n din siya. "Jordan..."

Dito na niya ako nilapitan at marahang niyakap, "Huwag na. Hindi ko deserve."

"Bakit mo nasasabi 'yan? Deserve mo pa rin namang mabuhay ng matagal," pagkontra ko.

He chuckled, "Sayang yung puso. That heart would be better for someone else." Saka siya nagbaba ng tingin sa 'kin, "Mas kailangan nila 'yon kaysa sa 'kin."

"Iiwan mo na lang si Noa?" Pagtatanong ko, seryosong-seryoso.

Ngumiti siya, "Noa's been always a green flag between us two. Kahit na sira ulo ako, ako pa rin ang binigyan ng atensyon nina mom at dad kasi nga ako yung may sakit. I knew that Noa's been hurt for not getting the same treatment I'm getting, lalo na't mas nakababata siya. Pero hindi siya nagalit. Now it's time for him to be on spotlight again."

"Pero—"

Pinigilan niya ako, "You know... even if our family harshly compared us, never akong nakaramdam ng galit o inggit kay Noa. Even if I feel I'm in shadows, ni minsan hindi pinaramdam ni Noa sa 'kin na mag-isa ako," saka niya dinampi ang palad ssa aking pisngi.

His hand's so cold, and shaky. Gusto kong maiyak dahil do'n.

"There are many big events in his life that were missed by mom and dad just because of me. Nung senior high siya, mom didn't attended his recognition day kasi sinugod ako sa ospital. Dad didn't attended when he competed for college, freshman siya no'n, dahil sa check-up ko." Pagku-kuwento niya, kaya hindi ko na napigilang umiyak.

He sighs, "I knew he's in pain. And I want to be his best brother as I can be. This is just what I can do."

"Sasaktan mo lang siya..." umiling ako. Umiiyak. Hindi sang-ayon sa sinabi niya.

"I'm... getting little tired too, Araminta." Dagdag niya, na nakapagpatahimik na lang sa 'kin. Do'n, wala na na akong karapatang kumontra.


7:00 pm

"Umm, hey," pagtawag sa 'kin ni Jordan paglabas naming pareho sa kotse. "Araminta?"

"Hmm?" Nilingon ko siya.

"Mind if I visit you here, sa linggo?" He asks.

Tumango ako, "Yeah. Okay lang."

Ngumiti siya, at kinaway ang kamay, "Okay. Thank you for today. See you on friday."

"See you," kumaway ako pabalik.

Saka na ako pumasok sa loob. Pagkasara ng gate, nakita kong nakatayo si mama, kaya agad akong yumakap sa kanya at umiyak.

Masyado na talagang masakit sa dibdib.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon