CHIA'S POV.
Shocks! Nagriring ang alarm clock ng phone ko! Anak naman ng teteng yan oh! Alas siyete na pala ng umaga! Napansin ko rin na ang daming mga unread messages na pumasok sa Messenger ko. It seems that, maaga akong nakatulog. Napagod ako malamang sa naging lakad namin nina Jamaica. Pero, mabuti na rin iyon.
Bumangon ako at agad-agad kong kinuha ang mga kailangan ko sa pagligo. Para hindi mabigla ang katawan ko, nagbuhos ako ng tubig sa paa muna bago sa ulo. It will help you from preventing yourself na pumutok ang ugat sa iyong ulo.
After shower, I went to wear my black Supreme t-shirt, jogger pants and my Vans Chukka shoes. Kinuha ko rin yung Wip Caps ko na snapback cap, at sinuot ito ng medyo tilted.
"Chia, nasa school ka na ba?" Jamaica sent me a message.
"Wala pa. Paalis pa lang ako ng flat ko." I replied.
"Huwag ka nang mamasahe. Dala ko tsekot ko, sunduin na kita dyan." she replied.
"Lifesaver ka talaga! Salamat! Sige, aantayin kita rito." I texted back. At habang nagaantay ay nagtimpla muna ako ng kape. Buti na lang may stocks pa ako ng Kopiko Brown sa cupboard ko. Nagsoundtrip na rin muna ako ng VXON habang inaantay ko si Jamaica.
(N/P: P.S. by VXON)
At nung nakapagkanaw na ako ng kape, saktong dumating si Jamaica.
"Chia, bestie, tara na!" Jamaica said, gesturing me to come inside her car. This time, she bought a Porsche 911 Carrera car. Woah. Napakaluxurious. Speechless ako sa kotse ni Jam.
"Bangis naman ng kotse mo! Sana akin na lang yang kotse mo eh!" I laughed.
"They see me rollin, now they 'hatin!" she joked. "Tara na, huwag mo nang ubusin yang kape mo!"
Sa pagmamadali ko ng paginom, napaso pa ang dila ko. Talaga itong si Jam, nagmamadali, eh alas-nuwebe pa ang pasok namin. May kotse naman at mas mabilis kaming makakapasok, kaysa sa magcommute.
"Awit sayo, napaso pa ako sa kape." I said.
"Deserve." she laughed.
"Ang sama mo!" I protested.
"Just kidding. Inom ka ng mineral water mamaya. Mayroon ako rito sa kotse." she said. Hinugot ko ang lahat ng mga appliances ko rito bago ko nilock ang pinto. Bumaba na ako sa flat, at sumakay sa kotse niya.
"Sana all may Porsche." I said.
"Magkakaroon ka rin neto. Trust me. Maybe sooner!" she said. Good encourager itong si Jamaica eh. Kaya masasabi kong tunay na kaibigan ito. After she turned on her car, we drove away.
Currently, nagaaral kami sa Greater District Annex College. Private ang school namin pero naisip ni daddy na lagyan ng public student at idugtong ang Annex High to senior high sa unniversity namin. Kayang-kayang sumabay sa mga eskwelahan sa United States ang school namin. My school is three blocks away from my flat. It's not that far for me. Pwede kong lakarin or sumakay ako ng bus na biyaheng Greater District to Sperryville, a district near the city boundary. Pero para makatipid, mas gusto kong maglakad na lang. Naaliw pa ako sa paglalakad dahil nakikita ko ang mga magagandang residential buildings ng Westphalia Street.
"Sya nga pala bestie, saan ka nakatira?" I asked.
"Taga-Doherty Village ako. Malapit na sa bandang Tangos." Jam answered.
"Layo nun dito ah! Isang oras at kalahati ang binabiyahe mo? Bakit mo naisipan na dito magaral sa Greater District College? May school naman na malapit sa Tangos." I asked again.
"Wala lang. Hindi trip nina mommy at daddy na magaral ako roon. Mas gusto nila na sa Greater District na lang ako magaral. Baka hindi nila gusto ang facilities ng school sa Tangos." she answered.
YOU ARE READING
Secret girlfriend of Famous Idol
FanfictionA Short Synopsis of this Story "In the bustling city of Promenada Sanchiaña, a simple girl with a heart full of dreams, lives a life far from the limelight. Her world takes an extraordinary turn when she crosses paths with Justin De Dios, a member o...