Chapter 1

4 0 0
                                    

"Tell Clarence, thank you for the gift", sabi ni mama nang makita akong pababa sa hagdan

'oo nga pala, tinapos ko na kagabi'

Clarence and I, are in a long distance relationship. We've been together almost 4 years. Ang tibay namin ano? note that, we never saw each other pa in person. Yes, we've been communicating through vc's and chat. I truly love him. No lies.

Kaya lang, tinapos ko na. Healthy naman relationship namin, sadyang naramdaman ko nalang sa sarili ko na hindi nga talaga siya. Kumbaga nafall out of love ako. Ayokong maging selfish. Mahal ko parin naman, pero unti- unti parang hindi lang sapat.

redflag nga talaga ako.

" Hoi tulala ka jan? okay ka lang? bat namamaga yang mata mo? umiyak ka?", sunod sunod na tanong ni mama ng mapansing nakatulala ako.

hindi ko lang kasi maatim, kung kaya ko nga ba? kaya ko ba? Tama ba yung naging desisyon ko?

" Wala na kami ni Clarence ma, kagabi ko lang tinapos ". seryosong sagot ko sa kanya sabay tinalikuran siya't pumauna sa kusina para kumain.

Kung pwede nga lang na huwag nang kumain, ginawa ko na pero nakakagutom, kaya wala tayong magagawa kung hindi harapin ang katotohanan na wala na talaga.

Ang sakit, pero alam ko naman na iyon ay dapat na gawin.

Habang kumakain ako, pansin ko naman ang mga nakaw tingin ni mama na halatang maraming katanungan pero hindi makatanong dahil sa seryoso kong mukha hahaha. Kasi naman, napamahal narin si mama kay Clarence, alagang- alaga ako eh. Kahit malayo gumagawa parin siya ng paraan maibigay lang yung mga cravings ko. Lagi akong chinecheck sa chat o kaya sa tawag. Kapag di naman ako makaresponse, si mama agad tinatawagan niya. Ang swerte ko ba?

'Hays'. napabuntong hininga nalang ako sa mga ala-alang mamimiss kahit di ko pa naranasan personally.

"Wag ka nang magtanong ma, okay naman na kami napag- usapan namin ng maayos kagabi". sabi ko nalang kay mama para hindi na siya magsandamakmak ng tanong.

Oo friends parin kami, haha siguro ?

'hayst'

Alam kong didistansiya siya. I mean, nakadistansiya naman talaga, haha malayo kami sa isa't isa. Pero alam kong iiba na ang aming mga mundo.















'hayst naluluha na naman ako sa naging desisyon ko'

"Kakalimutan niya kaya ako?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Embracing The Unknown Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon