Scene 26

65 4 0
                                    

Scene 26: Disappearance

Flaregon's POV

Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako sa kawalan. Hindi ko alam kung paano natapos ang usapan namin ni Lian sa café at kung paano ako nakauwi dito sa apartment namin.

Wala si Luxxe nang bumalik ako. Siguro ay may binili sa labas o ano. Napa-upo lang ako dito sa sofa at inalala ang napag-usapan namin ng babae. Gusto kong isipin na mali ang mga sinabi ni Lian. Na hindi gumagawa ng ilegal sina Alexa at Veronn. Na hindi sila masasamang tao. Na hindi nila pinagtangkaan ang pamilya ni Lian para patahimikin...

Na hindi nila ako binalak na patayin.

I want to believe that it was just all a lie but I know it wasn't. It was just shocking to know the truth. To know our friends' other side of their characters. Iniisip ko tuloy kung nagkukunwari lang ba silang mababait nung mga panahon na buhay pa sila at magkakasama pa kami.

I heavily sighed.

Kung ikokonsidera ko ang mga sinabi ni Lian, tumutugma iyon sa sinasabi nila Detective Ruis na konektado ang kaso nina Samantha Echavez, Ruise Tolentino at Khloe Tan sa kaso nina Alexa at Veronn. Or maybe, on the other hand, konektado silang tatlo sa dalawang iyon.

Naalala ko ang sinabi ni Lian sa akin, that we should be more careful because she thinks that Alexa's and Veronn's parents are planning to get revenge. There's a possibility that they are the masterminds of the cases happening inside our campus.

I'm still not sure but I assume that the undecoded words we found in Alexa's pocket notebook which were also written on a piece of paper that the police found in Veronn's trashbin are the list of surnames who would they do something. That something is still unknown. So as the reason why they are doing this. But one thing I know is for sure, it's because of their wealth.

Habang nagse-search ako tungkol sa nangyari sa tatlong naunang apelyido, nalaman ko ang tungkol sa pamilya nila. Elize Balmes and Bryan Funtales were both from the wealthy family. Their parents own tons of business inside an outside the city. Habang ang tatay naman ni Julse Cantos ay isang pulitiko.

Thinking about Samantha, Ruise, and Khloe, they were the same as the three students. Mayaman at may impluwensya. Posibleng iyon ang isa sa motibo.

Pero bakit nandoon ang apelyido ko? As far as I remember, hindi ako mayaman. Patay na ang mga magulang ko at kailanman ay hindi sila nagtrabaho sa ilalim ng mga pulitiko. They didn't have influence and money. We were just an ordinary family. But thinking of their jobs before their death, I have no clue.

Madalas silang wala sa bahay dahil parehos silang may trabaho na kailanman ay hindi ko nalaman. Palagi naman akong nasa bahay ni Lola dahil walang magbabantay sa akin. May mga araw na isang linggo silang hindi umuuwi. Hindi ko naman naiisip iyon dahil nandyan si Lola para alagaan ako. I only thought that time that they were working hard to give the toys I wanted.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Niluwa n'yon si Luxxe. Agad na nagtama ang mga mata namin.

"Sa'n ka pumunta?" I asked when I noticed that he wasn't holding anything.

He avoided my eyes. "I, uh, went to the landlady's room to pay for our rent."

Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko. Binayaran niya na agad? Hindi ko pa nabibigay 'yung parte ko.

"Bukas ko pa makukuha 'yung padala ni Lola. Bukas pa kita mababayaran, okay lang ba?" tanong ko, medyo nahihiya.

Sinaraduhan niya ang pinto at naglakad papunta sa gawi ko. "Didn't I say I'm paying for our rent? No need to worry."

Crime Zone (Zone Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon