"Wow! So you own this cafe, Jem?"
I smile and nodded. Infront of me are my former classmates from highschool. Namamasyal daw sina Mariz at Lily dito sa mall nang makita ako sa labas ng cafe kaya naisipan nila akong lapitan. My cafe was located near the mall.
Sumimsim si Lily sa kanyang iced coffee. "Parang kailan lang ay nagpapanggap ka pang mayaman! But look at you now! You don't have to pretend anymore since you really have your own business!"
My smile faded. Parang bumigat ang puso ko nang maalala ang aking nakaraan. Nakaraang puno ng kasinugalingan.
Naalala ko kung paano ako minaliit ng mga kaklase at kamag-aral ko nang malaman nila ang tunay na estado ng aking buhay. Ang mga mapanghusga nilang mga mata, ang walang preno nilang bibig, at... ang lalaking niyakap ako sa kabila ng mga nagawa king mali.
Kamusta na kaya siya? Masaya na siguro siya ngayon. Siguro ay mayroon na siyang sariling pamilya. Pinagsisihan na siguro niyang pinagtanggol niya ako noon.
"Ano ka ba, Lily!" ang matulis na boses ni Mariz ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Pasensya ka na, Jemmy, wala talagang preno ang bibig nito, e."
Kinagat ni Lily ang pang-ibaba niyang labi at nag peace sign. Natawa na lamang ako sa kanila.
Kahit anong iwas ko sa nakaraan ay hinding-hindi na talaga ako nito tatantanan. Kahit pilitin ko mana ng sirili kong limutin ang mga nangyari noon ay walang nangyayari– it still hunts me.
Pero sabi nga ni Mama, lahat ng bagay ay may dahilan at ang lahat ng kamalian ang mayroong aral na gawad sa atin.
Because of what happened then, I realized that it's hard to be poor but it's even harder to live in lies. It's good to live without hiding, without pretending.
Napatawad ko na ang sarili ko. Napatawad ko na ang nga taong nanliit at nanakit sa akin noon. I have forgiven everyone and everyone has forgiven me– except one person. The person who never left me when the world turned its back on me.
Kung bibigyan ako ni universe ng kahit sampung minuto lamang na makita siyang muli ay hindi ako magdadalawang isip na humingi ng tawad. Kahit hindi na siya magsalita, kahit hindi na niya ako tignan, kahit hindi niya ako patawarin... okay lang. Gusto ko lang talagang humingi ng tawad.
Huminga ako ng malalim upang iwaksi ang mga bumabagabag sa akin. Bumaling ako kina Lily at Mariz na kasalukuyang nagse-selfie. Bukod kase sa masarap ang mga drinks dito, Instagramable rin ang ambiance ng cafe.
"Gusto ko pa sanang makipag-kwentohan sa inyo pero limitado lang talaga ang oras ko. May tatapusin pa sana akong gawain sa counter." I explained.
Mariz nodded. "It's okay. Hindi na rin kami magtatagal dahil mayroon pa kaming hair appointment."
"Oh, well, see you soon?" I said. Natawa naman sila." Balik kayo ha!"
"Of course!" sagot ni Mariz.
"We'll go ahead," tumayo sila. "Bye, Jemmy."
"Goodbye. Take care ha."
Nang tuluyan na silang makalabas ay nagtungo na rin ako sa counter. Nilista ko lahat ng mga kakailanganin dito sa cafe. Kaunti lamang ang costumers namin ngayon dahil umaga pa naman. Most of them are having a hot coffee and a slice of cake for their breakfast.
"Nak," Mama called me from the kitchen. "Paubos na pala ang green tea."
Lumingon ako sa kanya. "Tatawagan ko nalang po si kuya at siya na ang ipapabili ko n'yan total tropa niya naman yung supplier."
YOU ARE READING
The Clandestine Agreement (Clandestine Series 1)
RomanceThe truth will set a chained bird free. Jemima, a TVL-Cookery student, live for other people's expectations. She was known for being rich and luxurios, people were praising her for that. But behind every compliments and applause she got, she's stil...