41

59 8 1
                                    

Luisa
09*********
06:01AM

Good morning, Luisa!

Ready ka na ba?

Pupunta ako ngayon sa grocery,
sabay na tayo

Nala
09*********
06:01AM

Bogart balik ka dito sa loob dali

Bakit? Paalis na 'ko

Baka naghihintay na si Frankie
sabay na kaming pupunta ron

Tangeks hindi papasok si Kie

Lika muna dito sa loob dalian mo

Tumae si Ice bear pakilinisan mo muna pls

Inang yan ikaw maglinis kaninong
aso ba yan?

Sayo

Ay oo nga pala hehe

Pero teka

Bakit hindi mag-ta-trabaho si Frankie?

Nilalagnat, di niya sinabi sayo?

Di pa nagrereply sa 'kin e

Nagpaulan pa kasi kayo last night
tapos ang lakas pa ng aircon nung pauwi tayo siya pa ang nagdrive

In short ikaw kasiiii

Sorry

Shet

Pabalik na 'ko jan sa loob

Luisa
09*********
08:54AM

lah sorry kagigising ko lang

'di ako pumasok ngayon,
nilalagnat ako

bukas siguro

Okay lang, saka alam kong nilalagnat ka sinabi sa 'kin ni Nala

Kumusta?

okay lang

Sinong kasama mo jan?

wala

Kumain ka na ba?

Uminom ng gamot?

di pa mamaya nalang gusto ko
pang matulog

Alam kong di mo yan gagawin

Buksan mo 'tong pinto niyo dali

huh? bakit?

Manggugulo kami ni ice bear

ice bear?

teka, teka, teka!

nandito ka?

Obvious ba?

Saka si Ice bear, corgi ko yan

gago ba't ka nandito?

gusto mong mahawa? nilalagnat
na nga ako e

Pakakainin kita

Buksan mo na dali

nung ulam?

Marami

ano ngaaa?

Adobo, chapsuey, kanin, at gamot

dami nga

wait lang po 'tay

Sige 'nak

Once a Cheater Always a Cheater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon