Chapter 39

293 4 0
                                    

Nagising ako nang maramdamang huminto ang sasakyan na sinasakyan namin. Madilim na sa labas pero sa tulong ng mga ilaw ay makikita pa rin ang kabuuan ng bahay namin.

Nag-park si Gunner sa parking space. Nauna siyang bumaba kaysa sa akin at nagmamadaling umikot upang pagbuksan ako ng pinto. Tinanggap ko na rin ang kamay niyang nakalahad sa akin.

“Did you had fun today?” he asked as he guided me out of his car.

Ngumiti ako sa kaniya. “I did.”

He smiled while still looking at me. “I had fun as well.”

Nagngitian kaming dalawa. Habang nakatingin ako sa mga mata niya ay kumislot ang puso ko. Hindi sa sakit kung hindi sa nakalululang pakiramdam. Mas lalo akong nahuhulog sa kaniya habang patagal nang patagal ang pagsasama namin.

Gunner's grasp tightened. Hindi naman ako nagreklamo dahil nagustuhan ko ang init na hatid sa akin ng malaki niyang kamay.

“Nabusog ka ba?” tanong niya.

Tumango na lamang ako. Holding his hand feels so fine. I just want him to hold me forever. . . to trap me with his embrace forever.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Napansin ko si Manang na nakasunod lang sa amin. Nakatitig siya at noong nagtama ang tingin namin ay ngumiti siya sa akin. Maging ang mga mata niya ay kumislap.

Gunner guided me up until we reached the master's bedroom. He turned on the lampshade dahil ayaw kong nakabukas ang chandelier sa kuwarto. Mas gusto kong lampshade lang ang nakabukas.

Nagpaalam siya sa aking maliligo lang siya. Hinayaan ko naman siya. Nagbihis na lang din ako ng pantulog habang naliligo siya sa shower room.

Hindi nagtagal at lumabas naman siya nang nakatapi lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan. Nag-iwas ako ng tingin at umaktong hindi naapektuhan sa nakabalandra niyang magandang katawan.

Nakaupo ako sa kama habang sinusuklay ang aking shoulder-length na buhok gamit ang aking kanang kamay. Naramdaman ko namang umupo si Gunner sa kabilang side ng kama upang tabihan ako.

I looked at him to scan him. He's already wearing his pair of dark blue satin nightwear. Nakatingin lang din siya sa akin. Muli akong nag-iwas ng tingin at bahagyang nakaramdam ng pagkairita. Bakit ba siya tingin nang tingin sa akin?!

“Ah, by the way. Nasa Spain na pala si Lola Adara?” I tried to confirm.

Gunner nodded. “Hindi ko nasabi sa iyo agad, but yes. She went there six years ago. We can reach her if you want to.”

Tumango lang ako sa kaniya. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin kaya nakaramdam pa rin ako ng pagkailang.

“Can I say good night to her?” maya-maya ay naitanong niya.

Sinulyapan ko lang siya at muling ibinalik ang tingin sa harapan. Hindi ko kasi kayang salubungin ang mga mata niyang parang nakikipag-usap sa akin. Ang hirap tagalan ang mga mata niyang parang naninisid ng kaluluwa.

“Her?” nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang aking noo.

“Our baby.”

Our baby. Napaawang ang labi ko sa narinig. Parang nagkantahan ang mga anghel nang sabihin niya iyon. I couldn't believe that this is actually happening. I mean, who would thought, right?

“You want a girl?” mahinang tanong ko.

Muli na naman siyang ngumiti. “Girl or boy, as long as you're the mother, I am fine with that.”

Uminit ang aking pisngi at alam kong namumula na naman ang aking mukha. Bakit ba ganito si Gunner ngayon?!

Advantage para kay Gunner ang position ko. Nakasandal lang kasi ako sa headboard ng kama. Gunner just bent down and kissed my tummy. Madrama pa ang paghalik niya dahil nakapikit lang siya. Ilang segundong nakalapat ang labi niya sa tiyan ko bago siya lumayo.

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon