13

359 8 0
                                    

Kaliwa't kanan ang naging trabaho ko matapos pumutok ang balita tungkol nga sa hiwalayan namin ni Ion. Kinumpirma ko 'yun at halata at gulat, lungkot o kahit na anong emosyon sa mga taong nakaalam.

May nababasa akong masasakit na salita tungkol sa amin- kay Ion. Pero pilit ko siyang pinagtatanggol dahil gusto ko siyang maging payapa.

Ayokong lamunin siya ng konsensya sa nangyari sa amin. Ayokong masaktan siya dahil nagmahal siya ng katulad ko.

Kung ano-anong mga balita na ang kumalat kahit hindi naman totoo ang ibang dahilan. Nadamay lang siya sa kasikatan ko kaya siya nadamay sa gulong 'to. Halos manghina na ako sa mga kumentong tagos buto ang sakit.

Gabi-gabi akong umiiyak dahil walang makakakita at makakarinig sa akin. Sobrang payat ko na dahil sa wala akong gana.

Guto akong kausapin at damayan ng mga kaibigan ko pero sinigurado ko sa kanila na okay lang ako.

"Napahakot mo na ba 'yung ibang mga gamit?" tanong ko kay Jackie na naglilinis sa kusina.

"Opo, Ate."

Uminom ako ng tubig bago bumalik sa sala.

Isang tawag mula kay Anne ang natanggap ko.

[Hello, Sis!]

[Ano? Bakit?]

[Lalabas kami later, clubbing sama ka?]

[Titignan ko sched ko. Text na lang kita if Go ako.]

[Okay, byebye. Love yah!]

[Iww.]

Nagkwentuhan kami saglit bago matapos ang tawag. Chineck ko naman ang schedule ko at wala naman akong ganap kaya umakyat ako sa kwarto para maghanap ng susuotin ko.

Nasa walk-in closet ako at naghahanap ng pwedeng masuot, nang mahagilap ko ang jacket ni Ion na nakahanger kasama ng mga jacket ko.

Kinuha ko 'yun at nilipat sa close niya. Pagbukas ko ay sobrang linis pa rin nito.

"Nililinisan pa rin pala 'to." sabi ko sa sarili ko.

Isasara ko na sana amg closet ng may mahulog na kahon. Nagkalat ang mga gamit ni Ion sa bike. Isa-isa ko 'yung pinulot at binalik sa kahon. Tatayo na sana ako nang may isang notebook akong nakita na natatabunan ng mga nakatuping damit sa may pinakababa ng closet.

Kinuha ko 'yon at konting alikabok lang naman ang nandoon. May zipper pa ang notebook sa gilid kaya naman binuksan ko 'yun.

Diary.

Nagtaka ako kung bakit may ganito dito. Hindi naman ako mahilig sa ganito at mas lalong si Ion dahil hindi naman siya palasulat.

Binasa ko isa isa ang sulat niya.

August 16, 2023

Bakit ganon ang mga Misis? Sobrang matalak? Pero okay lang, dito lang tayo sa closet magtago bahala siya tumalak sa baba. HAHAHA.

August 26, 2023

Monthsary namin kahapon. Huhuh, busy si Misis.

It's not all about the SPARK [UNEDITED]Where stories live. Discover now