the necklace

657 0 2
                                    

ONE: Kamalasan No. 0.00000001!!!

_____..::O::.._____

AJ'S POV:

"Ara-ouch!!"

Ang sakit nun ah! Nahulog na naman ako sa kama. Masamang senyales to!!

Tuwing nahuhulog kasi ako sa kama, may hindi kanais-nais na nangyayari! :D Nakakainis naman! Lunes na Lunes pa naman!

Nung tiningnan ko yung relo, alas 6 na! Nakalimutan ko na namang i-set ang alarm clock!

"AJ, Napano ka? Ano yung lumagabong??" pumasok namang bigla si Mommy.

"Si Mommy naman, hindi na nasanay. Nahulog lang po ako sa kama."

"Ang likot mo naman kasing matulog! Hindi ka pa mahulog nun?!"

Haay.. Umagang-umaga, sermon na naman ang inabot ko! Sasabihin na naman niya yung sinasabi niya tuwing umaga.

"Alas-6 na ah! Tinanghali ka na naman ng gising!"

Sabi ko na nga ba! Yun palagi ang simula nun eh! :D

"Kung hindi ka pa nahulog sa kama, hindi ka pa magigising! Hindi ka na naman mag-aalmusal niyan! Malilipasan ka ng gutom! Tumayo ka na nga!" tinulungan niya naman ako.

"Mommy, kaya ko na po to!"

"Bilis-bilisan mo na ang pagkilos at malelate ka na naman! Idadamay mo pa ang kuya mo!"

"Bibilisan na po..." Sabi ko naman ng medyo may katamaran pa.

"Siya nga pala, isuot mo yung kwintas."

Naglakad na ako papasok sa banyo. Si Mommy eh, lumabas na ng kwarto ko.

Kailangan ko na talagang bilisan. Hindi pala pwedeng ma-late si kuya. CAT kasi yun. Isa siya sa mga naka assign sa flag raising tuwing flag ceremony. Eh ako, ayos lang para sa akin ang ma-late at hindi maka-attend ng flag ceremony na yun. I admit na hindi ako makabayan o mala-Jose Rizal!

Kinuha ko na yung towel at nagshower na ako. Marami pa kong seremonyas na gagawin..

...

Nag-uniform na ako at nag pony tail pagkatapos kong maligo. Sinuot ko na rin yung kwintas na yun.

Mahalaga kasi yun, sabi ni Mommy. Inuulit ko, sabi ni Mommy. Malay ko ba kung bakit! :P Basta binigay niya yun sa akin nung 13 years old ako.

FLASH BACK:

"Dahil 13 ka na, nasa tamang edad ka na para maalagaan mo to." May binigay naman siyang case sa akin.

Nasa bahay kami nila lola nung birthday ko. Hindi ko alam kung bakit nandun kami. Si Lolo, 2 years nang patay pero hindi ko alam kung bakit. Si Lola naman, kamamatay lang last year. Inatake kasi sa puso. Yung care taker na lang ang tao dito. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit nandito kami. Malay ko ba kay Mommy at Daddy! Yikes!! Kakakilabot naman.. :D

"Huwag mong iwawala yan."

Binuksan ko naman yung case at may kwintas na silver sa loob tapos ang pendant niya, silver rin na singsing. Mukha ngang mamahalin. Ang ganda talaga! Nagustuhan ko!!

"Mahalaga yan. Palagi mong isusuot, ha?"

"Bakit naman po? May sentimental value ba to??" ???

"Malalaman mo rin kung bakit mahalaga yan... Someday. Basta isuot mo lang palagi."

END OF FLASHBACK.

Kaya mula nun, palagi ko ng suot tong necklace na to. 2 years na pala sa akin. Ang tagal na!

Pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin nung sinabi ni Mommy na:

'Malalaman mo rin kung bakit mahalaga yan... Someday. Basta isuot mo lang palagi.'

Bakit kaya??

Hmm... Siguro--...

"Ashley Jamille Sanchez! Bumaba ka na rito nang makakain ka na."

"Pababa na po, dad. Sandali na lang."

Magmemedyas na kaya ako??

Mamaya na nga lang!! Tinatamad pa ako eh!! Hihihi... :D

Kaya ayun, nag-tsinelas na lang muna ako.

"Bilis-bilisan mo at baka mahuli tayo."

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ako sa hagdan. Kapag ginamit kasi ni Daddy ang 'ASHLEY JAMILLE', malapit na siyang mainis! Sanay na ako diyan noh! ;D Ganyan talaga yan pag umaga.

Pagbaba ko, kumakain na sila. Nagbabasa si Daddy ng newspaper habang umiinom ng kape. Pero si kuya, tapos nang kumain.

"Iba na talaga kapag matakaw..." pinaringgan ko naman ang mokong!!

Hindi naman yan pikunin kaya ang sarap asarin!! Mwahahaha... Inabuso?

"Mas mabuti na yun kaysa mala-ASHLEY kumilos!" 8) Tiningnan ako ng nakakaloko at ngumingiti-ngiti pa!

In-emphasize niya pa talaga yung first name kong yun?! Napa ??? tuloy ako.

Alam kasi ng bakulaw na yan na ayaw na ayaw kong tinatawag ako ng pangalan na yun! :P

Sino ba kasi ang nag-bigay sa akin ng pangalan na yun??! >:(

"Ba't affected ka? Ikaw ba yung matakaw?? Wahahaha..." umupo na ako nun sa tabi niya.

Nag-iba naman yung reaksyon ng mukha niya tapos biglang...

...uminom ng tubig!!

Nyahaha... Napahiya ang mahal kong kapatid!! ;D Hihihi...

"Ewan ko sa'yo! Kumain ka na nga lang at baka mahuli na tayo. Baka mameke ka na naman ng-- ... ARAY!!!" siniko ko kasi nang malakas! Kaya hindi niya tinuloy!! Hehehe...

Sasabihin sana na mamemeke ako ng pirma sa excuse letter. Kailangan kasi eh. Kapag magpapagawa naman ako ng letter, siguradong tatalakan lang ako ni Mommy!

"Kumaiin ka na. Masarap yan!!" ngumungiti-ngiti pa.

Naks! Ang galing magpalusot!

"Tigilan niyo na nga yan. Bilisan niyo na at 6:35 na." tumayo na si Mommy. Hmf! Ang KJ!

Kinain ko na yung breakfast ko, nagsipilyo, inayos yung gamit ko at kinuha ko na yung bag ko.

"Mag-ready na kayo. Paandarin ko na yung kotse."

Lumabas na si Daddy. Si Mommy naman, sumakay na. Mauuna na sana akong sumakay kaya lang, tinawag ako ni Kuya.

Sinenyasan naman niya ako ng kung ano...

???

Gusto na naman sigurong siya yung mauunang sumakay! Ang arte!! >:(

"Fine! Ikaw na nga mauna. Yun lang naman pala." bumalik naman ako.

"Ano ka ba! Hindi yun."

"Okie.. Okie.. Ako na ang mauuna."

"AJ! Teka nga lang kasi!" >:(

"Ano na naman ba?" Na-unsyami na naman ang hakbang ko.

Sus! Pambihira! Ano ba talaga, ha?? ???

May sinenyas na naman siya na kung ano sa akin.

Di ko gets!! :D

Haay... ewan! Bahala ka na nga kuya!

Maglalakad na sana ako nun kaya lang kumabit siya dun sa backpack ko at hinila ako paatras.

"Bakit ba Kuya? Ang arte mo! Malelate na tayo eh. Sige ka! Ikaw rin!" ::) tinakot ko siya para tumigil na.

Ang arte-arte kasi!! Akala ko ba ayaw niyang ma-late?? ???

"Ano ka ba naman AJ!" kinamot niya yung batok niya.

Ang iitsura ng mukha niya ay parang inis na inis na talaga. Hindi ko siya maintindihan ah!! >:(

"Ano nga yun??"

"MAY BALAK KA BANG PUMASOK NG NAKA-TSINELAS LANG?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2009 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the necklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon