Kabanata 35

27 1 0
                                    

Kabanata 35

..kulong pa rin sa nakaraan..



..nitong mga nakaraan na araw, iniisip ko na totoo talaga ang tadhana..may tadhana ako at si Vincent 'yon.

Pakiramdam ko totoo nga talaga 'yon . Bakit kaya?

Palagi kong sinasabi na ako ang gagawa nang sarili kong kapalaran. Nasa kamay ko ang tadhana at ako ang mag sasabi kung sinong para sa'kin. Si Vincent ang para sa'kin.. s'ya ang lalaki para sa'kin.

..my first love, my last love and my life. Vincent.

Bibisita ang mga kaibigan ko sa bahay ko. Ayos lang dahil may pasok ngayon si Vincent. Nasa ospital s'ya ngayon at wala sa kabila.

Binuksan ko ang pinto nang may kumatok na. Andito na sila. Ngumiti ako. May mga dala silang prutas at pagkain para sa'kin. Mga inumin at regalo din na dala.

"Huy. Ano na? Pasok na." Saad ko.

Nakangiti silang lahat sa'kin. Pero ang mga mata nila nasa kabilang bahay. Puno sila nang kyurysidad sa kapitbahay ko. Kay Vincent.

"..wala s'ya d'yan..nasa ospital. May trabaho." Sabi ko.

Bumaling sila sa'kin. Dismayado. Tumikhim si lean. S'ya ang unang pumasok sa loob.

"Bakit ngayon mo lang sinabi. Wala s'ya? Ano ba 'yan~" saad ni ayessa. Inis sa akin.

Tumingin sa'kin si piccar at andrei. Inis din. Binigay nila sa'kin ang mga dala nila, bago sila pumasok sa loob. Naiwan ako sa pintuan. Hindi ako makagalaw dahil sa maraming hawak.

Huminga ako nang malalim at dinala ang mga 'yon sa sala.

Sasabihin ko sana na, feel at home lang sila pero tingin ko hindi na kailangan.

Binuksan ni andrei ang T.V kahit hindi naman sila manonood. "Wahh. Laki nang T.V ah. Ilang inches 'to?" Tanong ni andrei. Hindi ko nasagot.

"Patayin mo nga 'yan! Mag papa-tugtog nga ako nang music ,e!" Sabi ni ayessa. Inis pa rin hanggang pag pasok dito.

Hindi ko sila iniintindi. Palagi talaga silang may quarrel.

Bumaling ako kay Lean. Nag thumbs up s'ya sa'kin. Ngumiti ako. Pumunta ako sa kusina at nilabas ang mga pagkain na ginawa ko kanina. Pasta, cake at mga ulam. Tinulungan ako ni lean na dalhin 'yon.

"..galing ah..malaki 'yung bahay. Ikaw ba pumili nang interior?" Tanong ni piccar.

Tumango ako. Sinabi ko na gumawa ako nang maliit na renovation.

" 'yung alak? Nasa'n 'yung wine?" Tanong ni ayessa sa'kin.

Umupo kami sa sahig. Indian seat. Pumagitna sa'min ang salamin na lamesa. Pinatay na ni andrei ang T.V. Nag play si Ayessa nang rock music. Ang babae na 'to, parang hindi babae..

Ngumuso ako. "Maaga pa.." sagot ko.

Maaga pa para uminom.

"..anong klaseng housewarming party 'to kung 'di mag i-inom, ha?" Sa Andrei. May topak din.

"Pajama party." Sagot ni Piccar. Sarcastic. Tumawa s'ya sa sinabi.

"Tama na muna 'yon! Kain muna tayo. Nag luto si Vincent oh..." Saad ni lean sa kanila.

"Wala bang lason 'to?" Tanong ni Ayessa.

Umiling ako at mahinang tumawa. Kumain kami. Maingay ang music. Pakiramdam ko tumatalon ang lamang loob ko..

"..karaoke tayo ah! Pagkatapos kumain!" Sabi ni ayessa. Tuwang-tuwa.

Umubo ako sa kinakain. Tumango na lang ako sa kan'ya. Hindi ako sigurado sa karaoke. Baka mag reklamo ang buong complex sa ingay namin.. pero wala naman si Vincent kaya tingin ko ayos lang..

The Red Thread Of Fate [B.L] (Completed ✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon