ISA

19 1 0
                                    


Thessaloni Moon Point of view

"Guys, alam nyo mabuti pa magbakasyon nalang tayo, dahil school break na ngayon!" Sabi ng isang kong kaibigan na si fury

"Oo nga! Magandang ideya yan!"
Pasigaw na sabi ni lizy.

"Kailan ba?" Tanong naman ni clover

"Sa sabado tayo," sagot babalik ni fury

"San ba tayo magbabakasyon?" Tanong naman ni Stacy

Nagngalumbaba si fury at tila nagiisip at, napatingin sakin si fury.

"Ikaw thess wala ka bang suggestion diyan kanina kapa tahimik diyan?" Tanong niya.

"Hmmm, alam ko na sa Baguio nalang tayo, may alam ako doon na pag i-istyan natin lahat," mahinahon na sabi ko

"Oh teka Lang! parang may kulang sa grupo natin ah," sabat ni clover

"Oo nga ano? " sabi rin ni lizy

"Sino ba ang kulang satin?" Tanong naman ni Stacy

"Stacy naman, napaka malilimutan mo talaga!" Saway sa kanya ni clover

"Ah teka, sino ba kasi!" Galit na sabi ni Stacy

Samantalang ako ay tahimik at taimtim na nakikinig sa kanila.

"Si kelnyv! Ang nanawala satin tama ba ako?" sagot ni Stacy.

"Tama si kelnyv!" Sagot ni clover

"Teka nasan nga ba si kelnyv?" Tanong ni lizy.

"Alam nyo naman si kelnyv parang kabute, tapos napakamisteryoso pa nya,"  biglang sagot ni fury

Magsasalita na sana si Stacy ng may tumawag sa kanyang cellphone.

"Guys, iwan ko muna kayo sasagutin ko lang to."

Tumango naman kaming lahat.

NATAPOS ang kwentuhan naming lahat at plano para sa pagbabakasyon namin sa Baguio.

Tiningnan ko ang picture namin magkakaibigan na nasa ibabaw ng lamesa ko dito sa kwarto.

Naalala ko noon halos ayoko makihalubilo, at wala akong kinakausap na kahit na sino nong unang pasukan.

Pero lagi akong kinakausap ni fury, samantalang ako ay hindi ko sya pinapansin. Pero unti-unti nagiging komportable na ako sa kanya, at doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Pinakilala ako ni fury kay lizy, clover, Stacy, matagal na pala silang magkakaibigang apat.

At kenlyv ay nakilala namin sa canteen dahil wala man lang syang katabi kumain non tapos, wala rin kumakausap sa kanya.

Kaya napagdesisyunan naming lima na kausapin sya.

Una ay hindi pa sya komportable sa amin pero Habang tumatagal ay nagiging komportable na sya sa amin.

Si fury isa sya sa magaling sa amin sa sport na volleyball at siya din ang pinaka-babaero samin.

Habang si lizy ay isang swimmer at siya ang mas mapera sa aming lima.

At si clover naman ay isang car racer, bata palang daw siya ay pangarap niya na talaga yon, idol niya kasi ang kuya niya na car racer din.

At si Stacy, may maliit siyang salon, pinatayo niya iyon dahil mahilig siya mag-ayos at mag-make-up, at sa tuwing may occasion man si Stacy lagi ang taga ayos namin.

At si kenlyv naman ay isang tahimik na lalake, halos bilang lang ang kaniyang mga sasabihin, pero siya ang pinaka matalino samin, mahilig
siyang magbasa ng libro at mahilig din siya sa mga lumang bagay na galing pa sa sinaunang panahon.

Pareho kami ni kenlyv, parehong gusto namin ng mga lumang bagay na galing pa sa sinaunang panahon dahil para sa akin tuwing makikita o mahahawakan ko ang mga 'yon​ ay​ feeling ko​ nasa sinaunang panahon ako.

Natigil lamang ako sa pagmumuni-muni ng tawagin ako ng mama ko

"Thess! Andiyan mga kaibigan mo sa baba!" sigaw ni mama sakin mula sa baba, kaya naman agaran akong bumaba

Pagkababa ko natanaw ko silang apat na nasa may garden namin kaya naman sumunod ako sa kanila

"Oh bakit andito kayo?" kunot noong tanong ko sakanila

"Sakit mo naman Thess, ayaw mo ba kaming nandito?" sagot ni fury at hinawakan pa ang puso niya na kunyaring nasaktan

Tumawa naman ako at ang mga kaibigan ko din, pwera nalang kay kenlyv na tahimik lang sa gilid

"Baliw kana," Sagot ko at napailing nalang

"Thess kaya talaga kami nandito dahil ngayon nalang tayo umalis," sagot ni stacy

"Ha? Diba miyerkules palang ngayon? At may pasok diba?" Takang tanong ko sakanila

"Sabi kasi ni prof, pwede nanaman daw hindi na pumasok gawa ng wala nanaman daw gagawin,"
Sabat ni clover

"kaya ano pang inaantay mo, mag-impale kana!" sigaw ni lizy, kaya naman dali dali akong umalis at nagtungo sa kwarto ko para mag-impake at nadinig ko pa ang mga tawanan nila bago ako makataas

Nakaimpake na ako at nilalagay nalang ni kenlyv ang bagahe ko sa van para maka-alis na kami, pero habang nilalagay ni kenlyv ang bagahe ko napa tingin ako sa bintana ng kwarto ko may isang babaeng naka puti, tila nakatitig samin, lumakas ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig

"Thess!" nagulat ako sa sigaw ni fury

"Ano!?!?" galit​ kong​ sigaw​

"Wala kabang balak, sumakay? Iiwanan kana namin!" kaya naman sumakay na ako at sinumulan na ni kenlyv na paandarin ang van pero bago pa kami makalagpas sa bahay namin binigyan sulyap ko muna ang bintana ng kwarto ko at nakita ko pa din ang babaeng naka puti, na ngayon ay may kasamang lalakeng naka barong at pugot ang ulo..

Umiwas nalang ako ng tingin at pumikit

Sana walang masamang mangyari....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE HAUNTED VILLAGE Where stories live. Discover now