Kanina pa sumasakit ang ulo ni kent, gustong gusto nyang sundan ang asawa kanina at magpaliwanag dito. Pero inatake si kelly sa sakit nya, alam nya mali at hindi na tama ang ginagawa at nasasaktan nya ang asawa sa ginagawa nya.
Ng makatulog si kelly ay nagpaalam si kent sa katulong ni kelly na syang kasama nyang nagbabantay na uuwi lang sya sandali at babalik agad.
Nang makarating sya sa kanilang tahanan ay nadatnan nya ang mga magulang nya na nasa sala.
"Si carla ma gising pa ba?"
Tanong nya sa ina pagkatapos nyang humalik sa pisngi nito.
"Sa tingin mo kent pagkatapos ng nangyari kanina inaasahan mo pa talagang madatnan ang asawa mo dito?" Galit na pahayag ng ina nya, samantalang nasa isang tabi lang ang ama nya.
"Labis mo na syang sinaktan,Sana hindi mo pagsisihan ang
lahat ng ito,"
"Ma, pa please try to understand me, hindi lang nmn kayo ang nahihirapan hindi lang nmn si carla ang nasasaktan , ako din ma nasasaktan nahihirapan din ako pero wala akong magawa i have no choice"
Nanghihinang sabi ni kent, napapagod na sya hindi nya na alam kung hanggang saan ang itatag nya.
"Choice? Pinili mong masaktan ka, pinili mo ding saktan sya kaya wala kang karapatang magreklamo, akala ko ok ka na, ok na ang lahat pero umeksena lang ang malanding babaeng iyan nagkaganyan ka na nmn."
Galit na sabi ng ina.
" ma may sakit
si kelly may tani na ang buhay nya at gusto lang nya akong makasama sa huling sandali ng buhay nya at ayaw ko iyong ipagkait sa kanya dahil maski papaano ay naging kaibigan ko sya kaya sana maintindihan nyio ako."
Patuloy na paliwanag ni kent.
"Sa tingin mo kent maniniwala pa ako sa babaeng iyon, minsan kna nyang sinaktan iniwan at niloko at ikaw nmn si uto uto ay naniwala agad"
"Ma totoong may sakit sya, nasaksihan ko kng paano sya atakihin" "Talaga? kaya pala laman sya ng bar gabi gabi"
Sabi
ng ina nya na ikinagulat nya at ng makita nya ang mga larawang nilapag nito sa mesa mga larawang kuha habang umiinom si kelly nanigarilyo at sumasayaw.
"Ngayon sabihin mo sa akin kailan pa naging hospital ang bar? Akala mo hindi ko alam na umeeksena na nmn iyang babaeng iyan? Pinasundan ko sya, at iyan na ikaw na ang bahalang tumuklas kng paaano ka nag pauto sa kanya."
Gigil at galit na sabi ng ina, sabay tayo nito at akyat sa taas, ngunit bago pa ito makapasok sa master's bedroom ay may pahabol pa ito sa kanya.
"Sana hwag mahuli ang lahat sa inyo ni Carla anak dahil habang inaalala mo ang kalagayan ng iba. alalahanin mo nagdadalang tao ang asawa mo,
at dahil sa stress na binibigay mo sa kanya baka maging sanhi pa iyon pra manganib ang buhay ang mag ina mo kaya habang maaga pa at hindi pa huli ang lahat ayusin mo ang buhay mo."
At tuluyan na itong pumasok sa loob ng kwarto, tinapik sya sa balikat ng ama.
" hanapin at iuwi mo ang asawa mo dito ayaw kong tumanda na hindi ko nakakasama ang apo ko."
Sabi nito bago umakyat at sinundan ang ina, tinitigan nya ang mga larawang nasa mesa sobrang galit ang nararamdaman nya kinuha nya ang mga ito at agad lumabas ng bahay, pupuntahan nya ang taong naging punot dulo ng lahat kaguluhan ito, patawarin sya ng dyos kung masasaktan nya ito.
Nanginginig sya sa sobrang galit at hindi nya napigilang ang pagtulo ng luha kung gaano nya nasaktan ang asawa.
BINABASA MO ANG
"My Bashful Wife"
RomancePara sa katulad ni Carla na lumaking, wlang magulang at kulang sa pagmamahal ng pamilya. ay pangarap nyang magkaroon ng sariling pamilya ung matatawag nyang kanya. si kent na walang tiwala sa mga babae.. wala sa bukobularyo nya ang pag aasawa dahil...