PROLOGUE

5 0 0
                                    

DISCLAIMER: This is purely a work of  fiction. All the names, characters, places, events, and scenes are the product of the author's imagination. This story is not affiliated with the any universities and any other that is mentioned. This story is inspired by Taylor Swift's The Manuscript and loml from TTPD.

NOTE: You may encounter grammatical errors and profanities by reading through it's chapters. Please excuse those as the author might have wrote some parts that she didn't notice after. Thank you.

All credits would like to be given to those official owners.



✿✿✿


"We are able to find love in many different ways. through online, events, places, by traveling, and even with a friend of your friends. But the real question is... What if that love isn't capable of giving us something we want? the love we wish to last forever?"

"Ano ba naman 'tong mga tao na 'to?! ang aga ganito na bungad sa tl ko!"

Kaya agad ko na ni-close ang twitter, baka samain lang ako ng loob. Tinignan ko ang digital clock ko sa side table at nakita ko na 7:30 na. Naisipan ko na mag-ready na para naman magkaroon ako ng mahabang oras para makapag-prepare pa ng ibang kailangan dalhin sa event na pupuntahan ko today. After ko makaligo ay naghanap na ako ng pwede isuot.

"Ito bang white dress or coat and slacks nalang?" I tried both of them para makita ko kung ano ang bagay sa new pair of heels ko, turns out na mas bagay ang white dress kaya agad ko nang inayos ang hair at face ko.

Tumunog ang phone ko bigla. Mukhang notification sa gc namin. "Ready na siguro sila."

Llyana: Mga bakla nasa ground floor na ako!!

Kevin: Teka teh, nasa elevator na ako 😭

Rissha: Nasa parking na ako to get the car, wait niyo ako dyan HAHAHA

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at mabilis na bumaba sa ground floor ng hotel. Nasa baguio kasi kami para sa Oath Taking since RMT na kaming apat!! I've never been this proud of myself, ilang taon rin ako at 'yong tatlo nagdusa sa course namin na ito. It was worth it after all.

"Aurielle! over here!" Nakita ko agad silang tatlo na nasa sasakyan na. Basta si Kevin ang sumigaw kayang-kaya namin mahanap agad, sa lakas at tinis ba naman ng boses niya eh.

"Hi girls! ay oh, pakak ang mukha nito!" Agad na pagturo ko na mukha ni Kevin. Tumawa naman agad si Lya at Ri.

"Hay nako, para daw sa boys 'yan eh." Tumingin ako kay Kevin at naka-aura na sa gilid ang gaga. siraulo talaga!

"Anyways, medyo traffic daw 'yong road na dadaanan natin papunta sa venue. Gano'n daw talaga kapag may event doon, nakaka-traffic." sabi ni Rissha habang nagmamaneho.

Nagkwentuhan nalang kami the whole ride. Hindi rin naman kami natagalan sa traffic, almost 20 minutes lang. Ngayon ay nakapila na kaming apat para sa entrance. Buti nga ay hindi na alphabetical dahil for sure ay layo-layo kaming apat.

After a few minutes naman ay pinapasok na kaming lahat. Ang ganda ng loob at ang dami namin today. Napangiti ako thinking na ang ibang mga kasama ko dito ay RMT na rin.

"Girls, let's go straight sa nearest starbucks later. Ano g?" Pag-aya sa'min ni Rissha.

"Sure. Miss ko na Blueberry Cheescake nila, my god." Sabi ko agad. Miss ko na kasi talaga, last month pa last kain ko nun!

"Ako g rin! Shuta teh, hinahanap na ng sistema ko 'yong kape nila" Sabi naman ni Llyana. Ubod ng lakas sa kape nitong babae na 'to dati.

Napansin naming tatlo na may hindi sumagot kaya nilingon namin si Kevin. Ayon, hule na may nilalandi na pala sa other side ng table namin. Gaga talaga 'to. Hinayaan nalang namin siya kasi nag-start na rin naman 'yong ceremony.

12:50 PM

Kakatapos lang ng Oath Taking namin. Ready na mag lingkod para sa bayan, huey! We're now heading to Starbucks, may nahanap kanina sa map si Rissha na nearest sa venue namin.

"Ri, pakibilisan please gutom na ako!" saad ni Lya habang hinimas ang kanyang tyan. It was followed by Kevin na nag-nod, sign na siya rin ay gutom na.

"Wait. We're five minutes away naman from there, guys." Rissha replied at iniliko ang manibela. Bumungad rin agad sa'min 'yong logo ng cafe. Wow! medyo nalasahan ko bigla 'yong lagi kong ino-order sa menu nila.

Pagpasok namin sa cafe ay dumiretso na si Lya at Kevs sa counter para mag order, alam naman nilang dalawa kung ano 'yong favorite naman ditong apat at kami naman ni Ri ay humanap ng table. Since kami na ang naunang umupo we took our phones out para saan? Para mag post! After a few minutes naman ay sumunod na ang dalawa sa table namin, dala-dala na lahat ng orders and then nagsimula na ang kwentuhan.

Biglang humiyaw si Kevin. "Taena, Auri!" We quickly turned our heads sakanya. "I'm sorry but hindi ba si Chase 'to? He was at the venue kanina?!?!" Iniharap ni kevin 'yong phone niya para makita namin lahat. Nanlaki ang mga mata ko nuong nakita ko ang post.

Putcha, si Chase nga! I immediately grabbed Kevin's phone para titigan ng mabuti ang lalaki sa picture. Kita ko sa gawi ko 'yong tatlong nagtitinginan sa isa't-isa, paniguradong napapaisip na rin.

"Sabi sayo Ri eh, akala ko namamalik-mata lang ako kanina." Lya uttered. "Girl, hello?! Ang layo kasi ng tinuturo mo plus there was tons of faces kanina. Malay ko ba!" Ri replied.

Ito na ba siya? I haven't seen him for years... Grabe 'yong improvements niya, well he was already the perfect man to ever exist but wow! He looks so mature and mas defined na 'yong features niya. Gosh! His built too.

Binasa ko ang caption, "Visiting our 34th project for the first time. Congrats to the new RMTs!"

"Archi na si Chase..." Architect na siya. Biglang sumikip 'yong dibdib ko when the memories with him suddenly came into my mind. He really did it without me, katulad nuong sinabi ko sakanya na kakayanin niya lahat kahit wala na ako sakanya.

Nabulabog agad yung nasa isip ko nang magsalita si Kevin. "Project pala nila 'yong building kanina. Infairness, pumogi lalo 'yan siya ate ko." At biglang tumawa. "True, sana wala pang bebe 'yan eh mukhang solid sa girlies!!" Llyana added kaya kinurot siya ni Rissha.

The three noticed na hindi na ako umiimik kaya naman nag-aya na si Rissha na umuwi na at magpahinga dahil ang aga daw ng event, may scheduled gala naman daw kami after this.

I rushed to my room after bidding them a goodbye. Kinuha ko agad yung susi ng isang drawer ko na ang tagal ko nang hindi binubuksan. Pagka-bukas ay bumungad agad sa'kin ang sandamakmak na polaroid pictures at letters na nakatupi pero evident 'yong bakat ng ballpen sa likod. It was Chase and I in different poses, different places, and in different events. Ito rin 'yong letters na nasulat namin nuon patungkol sa mga pangarap and imaginations namin the time na magkasama pa kami.

"Iyel ko please? Ayaw ko ng ganito eh. Are there no reasons for you to stay? To love me anymore, baby? Please, saan ba yung may gaps sa'tin? I'll fill it again, baby. I can fix thiswe'll fix this hmm? You can't do this po, we already created our whole dream together, Iyel ko."


Next: Chapter 1 [ONE]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE MANUSCRIPT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon