Can You Teach Me?

82 4 0
                                    

"Wow! Ang galing naman niya."



Napangiti ako sa mga komento nila. Puro papuri at paghanga ang narinig ko mula sa kanila. Walang epekto iyon sa 'kin.

Nabago ang walang pake-alam kong sistema nang mapansin ko ang pagdako ng mata niya sa gawi ko.



Alam kong sa akin siya nakatingin. Hindi ako pwedeng magkamali.



Napalitan ng kilig ang sistema ko. Lalo pa itong nagwala nang mapansin ko na naka-ngiti siya sa 'kin.



Nginitian niya ako! Sa wakas, napansin niya rin ako.






Matagal ko na siyang gusto, first year pa lang kami nang maging kaklase ko siya. Ngayon ay nasa ika-apat na taon na namin sa high school. Hanggang ngayon ay magkaklase pa rin kami. Nakakalungkot lang dahil kahit kailan, never niya pa akong nakaka-usap. Tahimik kasi siya at snob. May ilang kaibigan din siya sa mga kaklase ko. Hindi niya lang ito masyadong kinikibuan. Na-challenge ako noon na kaibiganin siya. Tandang-tanda ko pa, unang araw ng klase noon. Napansin ko na nag-iisa lang siya sa huling row. Dahil sa pala-kaibigan ako, hindi ako nag-alinlangang tabihan siya at kausapin. Todo ngiti pa ako noon at masigla ko siyang binati. Agad na napalitan ng pagsimangot ang naka-ngiti kong labi dahil hindi siya sumagot at hindi siya tumingin sa 'kin. Pero hindi ako sumuko, pagkatapos ng araw na 'yon ilang beses ko pang sinubukang kausapin siya. Nakakalungkot mang aminin, nabigo ako. Habang tumatagal, the more na ni-re-reject niya ako, the more na nagugustuhan ko siya. Misteryoso siya. Akala ko noong una'y pagiging kaibigan niya lang ang gusto kong mangyari. Higit pa pala doon ang gusto ko.


Alam kong imposible 'yon. Hindi niya nga ata alam na nag-e-exist ako sa mundo. Masakit yun para sa 'kin. Kaya lahat ng effort ginawa ko para mapansin niya ako. Masaya ako at nagtagumpay ako sa ginawa ko.



Napaka-saya ko! Sa unang pagkakataon, napansin din ako ni Leo.



Malaki ang ngiti ko habang pababa ng stage. Kung alam ko lang na ang pagtugtog ng gitara at pagkanta ang paraan para mapansin niya ako, sana'y noon ko pa ginawa 'to. Hindi bale na, ang mahalaga ay napansin niya na rin ako. Akala ko habang-buhay na niya akong hindi tititigan. Dapat na maging masaya ako, bukod sa pagtitig ay may kasama pang ngiti mula sa kanya.

Napatigil ako sa paglalakad, napalitan din ng katahimikan ang maingay na paligid. Papalapit si Leo sa akin. Diretso siyang nakatingin sa mata ko. Sinubukan ko pang lumingon sa likod ko para siguraduhing ako nga ang pupuntahan niya. Hindi ako nagkakamali, walang kahit sino sa likod ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa kanya. Halos mapatalon ako dahil nasa harapan ko na siya at seryosong nakatingin sa akin.



"You did great Jasmine. Can you teach me? Gusto ko rin matutong mag-gitara."



Oh my! Kill me now. Una'y tinitigan at nginitian niya ako. Ngayon naman ay kinakausap niya ako. Ayoko nang magising sa panaginip na ito.

Collections of One-Shot Stories and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon