Hi Ate!

67 3 0
                                    


Lahat ay nagsimula sa simpleng "Hi Ate!" mo. Akala ko nung una'y iba ang kausap mo. Iginala ko pa ang mata ko sa paligid para makasiguro, pero walang ibang tao maliban sa akin. Naisip ko na baka may kausap o ka-text ka sa phone. Tiningnan ko ang kamay mo kung tama ako, pero mali ako dahil wala kang hawak na cellphone.


Madalas akong dumadaan sa street na ito, naglalakad lang ako palagi papunta at pag-uwi sa school. Don't get me wrong, may sasakyan naman kami. Ayoko lang magpahatid at magpasundo sa driver namin dahil malapit lang ang bahay namin sa school, walking distance lang naman ito. Sa tagal ko nang naglalakad dito, kakaiba ang araw ko ngayon. Kakaiba dahil ito ang unang pagkakataon na may tumawag at pumansin sa akin.


Tiningnan kita. Ngumiti ka sa 'kin at sinabi mo pang "Ingat ka." Mukha ka namang matino. Kung tutuusin ay gwapo ka, at kung hindi ako nagkakamali parang magka-edad lang tayo.


Napa-iling ako. Kahit siguro okay naman ang itsura mo, kabaligtaran naman iyon ng inaasal mo. Tingin ko ay isa ka lang sa mga kabataang nanti-trip kapag may taong dumadaan. Kaya hindi na lang kita pinansin at dumiretso na ako sa paglalakad pauwi.




***


Nagulat ako nang mapansin kitang nakatambay sa gilid ng kalsada, diyan din kita nakita kahapon. Papasok na ako sa school. Hindi ako kinabahan sa presensya mo dahil marami akong kasabay na estudyante sa paglalakad. Diretso lang akong naglakad, hindi ko ipinahalata sayo na napansin kita.


"Hi Ate na naka-backpack na pink! Ingat ka sa pagpasok."


Natigilan ako sa paglalakad.



Sa pagkaka-alam ko, pink ang bag ko. Pinag-ti-tripan mo naman ba ako?



Nagtinginan sa akin ang mga kasabay ko sa paglalakad. Hindi kita pinansin pati na silang mga nakatingin, ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko na para bang walang nangyari.

Ilang ulit ding naulit ang ganoong eksena. Hindi ko alam kung sinasadya mo bang abangan ako o nagkataon lang na lagi kang nandiyan. Lagi kitang nakikitang nakatambay sa pwesto mo kapag papasok ako at uuwi galing school. Wala akong choice, kung may ibang daanan lang ay doon na lang ako dadaan para iwasan ka. Pero wala nang ibang way papunta at pauwi sa school kaya nanatili ako sa pagdaan sa street na pinagta-tambayan mo kahit na naiirita ako sa ginagawa mo. Isang linggo na ang nakakalipas, wala kang mintis, lagi kitang naaabutan. Patuloy ka pa rin sa pag "Hi." Patuloy lang din ako sa pagbaliwala sa pagtawag mo.





Nabahala na ako nung isang buwan at mahigit na ang tagal ng ginagawa mo sa 'kin.



Wala ka bang balak na tigilan ako?



Collections of One-Shot Stories and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon