*A-H-H, Ch.6

179 5 1
                                    

*A-H-H, Ch.6

~SHELBIE’s POV~

“Para saan naman yan ha ate?”

Kahit kelan talaga ang taray nitong kapatid ko. -__-

“Wala lang.” ako habang patuloy pa rin sa pag-pusod ng buhok ko. Ngayon nalang ulit kasi ako nag-pusod eh. Lagi kasi akong nakalugay kaya nahihiwagaan ata tong kapatid ko. >.>

“Bakit parang kilig na kilig ka?”

Napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya na nakadapa naman sa kama ko habang nagbabasa pero nakaharap sakin. Sana gets nyo. -__-

“Kilig ka dyan! Bakit naman?”

“Kaya nga tinatanong kita diba?”

Tss. Kanino kaya nagmana ng katarayan tong batang to?

“Ewan ko sayo Shella.” Sabay balik sa pag-pusod.

“Kay Kuya Shawn ba yan?”

Napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na sakin, “Anong sabi mo?”

Umayos naman sya ng upo at nanatiling nakatingin sakin, “Alam ko na dumating na sya ate. Sa katunayan nga nyan ako ang unang nakakita sa kanya kagabi sa labas ng gate natin eh. Pinapapasok ko nga sya kaso umayaw dahil hinihintay ka daw nya. Nasabi ko din kasi na wala ka pa eh.”

Ahh. So kung ganun mas nauna pang nalaman ni Shella na dumating na si Shawn. Well, close naman sila nun eh. Lagi kasing nililibre ni Shawn tong si Shella noon.

“Ohh. Ganun ba.”

“So ano ate? Dahil ba kay Kuya Shawn kaya ka nagpapaganda ngayon?”

“ANO?! Hoy Shella. Hindi porkit nagpusod ako eh nagpapaganda na ko noh! At hindi dahil kay Shawn! Dahil gusto ko! Yun lang yon!”

Tumayo sya at naglakad papuntang pinto pero tumingin muna sya sakin, “Sus. Defensive ka masyado ate.”

“I am not.”

“Yeah right. Pero ate,” napatingin ako sa kanya, “Si Kuya Shawn nalang ulit. Wag na si Kuya Rian. Atleast kay Kuya Shawn hindi ka masasaktan.” Pagkasabi nya nun ay umalis na sya.

Teka, ano daw? Hindi ko maabsorb. -___-

***

“Uy! Alam nyo ba?! May transferee daw! At sobrang gwapo!”

“Oo nga daw! Kyaaaaah! Naeexcite tuloy akong makita sya!”

“OMG! Ako nakita ko na sya!!! At ang gwapo! Myghaaaaad!”

“HRM daw sya guuuys! Kyaaaah!”

“Sana wala pa syang girlfriend! Sana single pa sya!”

Yan ang bumungad sakin ngayong umaga. -__-

Pinaguusapan ng mga kababaihan ang isang gwapong transferee daw. Tss. HRM? Sino kaya yun?

Naglakad nalang ako papuntang room ko. Himala at wala pa si Krane ngayon. Binati ko naman ng good morning si Sheena.

Umupo na ko sa upuan ko at napansin ko na lahat ng classmate ko na nandito ngayon ay nakatingin sakin.

Tinanong ko sila, “Uhh. Bakit?”

“Ahm. Shelbie, bagay pala sayo ang ganyang ayos. Mas nakikita ang mukha mo.” Sabi ng isang kong classmate na lalaki.

Sumang-ayon naman ang iba. Asus. Yun lang naman pala. Dahil sa buhok ko. Tss.

{Completed} A Hopeless Heart {AHH}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon