Akala ko.

392 36 21
                                    


Oh my God! nakakahiya ka Diana! Bakit ka lumapit sa kanila!

Nakita kong kumaway si Erwin sa akin mula sa coffee shop na kinaroroonan nila. Nakangiti ito pati na si Diana at ang babaing kasama nila.

Sa sobrang hiya ko. Tumalikod ako at dali-dali akong lumabas ng bookstore. Palabas na ako ng bookstore ng sinalubong ako nina Diana, Erwin at ang babaing kasama ni Erwin. Hindi na pumasok sina Diana at ang babaeng kasama ni Erwin.

"Hi Jade!"

Bati sa akin ni Erwin, lumapit ito sa akin at nag kunwaring may dinudukot na naman sa kanyang dib-dib at inilagay iyon sa dib-dib ko. Sa loob ng labing-isang buwan na panliligaw at panunuyo ni Erwin sa akin ni minsan hindi niya nakalimutang ibigay ang kanyang puso sa akin.

" Anong ginagawa mo Erwin? Nakakahiya sa kasama mo."

Feeling ko namumula ang mukha ko kasi nararamdaman kong umiinit ang buong katawan ko kanina pa at mas lumala pa ito ng lumapit ito sa akin.

"Ah, halika ipapakilala kita sa pinsan ko."

Tuluyan na kaming lumabas ng bookstore at iginiya niya ako papunta sa kinaroroonan nina Diana at ng babae na sabi niya ay pinsan niya.

" Janice, ito nga pala si Jade, siya 'yung kinu-kwento ko sayo kagabi."

"Ah kaya naman pala mukhang nababaliw na itong pinsan ko noon Jade ng malaman niyang si Jovanny ang gusto mo." Nakangiting turan ng pinsan ni Erwin.

"Nabaliw na talaga pinsan, kaya nga kahit matagal pa bago mapuno ang puso ni Jade, hindi ako magsasawang ibigay sa kanya araw-araw ang puso ko."

Nagkatinginan naman sina Diana at ang pinsan ni Erwin.

"Alam mo Janice, nakaka istorbo tayo, saka ano bang klaseng mall to at ang daming langgam!"

Exaggerated namang sabi ni Diana at nag kuwari pa itong kinakagat siya ng langgam. Nag paalam sina Diana at Janice. Iniwan nila kaming dalawa ni  Erwin.

Nag libot-libot naman kami ni Erwin at ng makaramdam ng gutom ay pumasok kami sa isang pizza house. Pagkatapos naming kumain. Nagpaalam na akong uuwi, hindi naman ito pumayag na hindi ako ihatid sa bahay namin.

Pagdating namin sa bahay, tuwang tuwa naman si mama ng makitang magkasama kami ni Erwin. Ewan ko ba, bakit gustong gusto siya ni mama para sa akin dati pa. Matalik na magkaibigan kasi ang mama ko at mama ni Erwin.

Nag mano ako kay mama at ganun din si Erwin. Iniwan ko silang dalawa sa sala at pumasok na ako ng aking silid para mag bihis at pagkatapos ay bumalik din ako agad sa sala.

September 23, alas-singko ng madaling araw ng magising ako sa vibrate ng aking cellphone. Kinuha ko iyon at Tiningnan kong sino ang tumatawag sa ganong oras.

Erwin!? Nagulat pa ako ng mabasa ko sa screen ng aking cellphone ang kanyang pangalan.

"Hello? "

"Hello Jade, good morning, nagising ba kita?"

"Erwin, napatawag ka? Ang aga mo namang manligaw." Pagbibro ko sa kanya.

"Jade? Hanggang kailan kaya ako maghihintay?"

Kinabahan ako sa tanong na iyon ni Erwin. Simula noong nakita ko siya na may kasamang ibang babae. Doon ko na realized mahal ko na pala siya.
Kaya mula noon lagi ko ng hinihintay na tanungin niya ako tungkol sa panliligaw niya.

"Ano bang pinagsasabi mo sa ganitong oras Erwin?"  Pakipot pa kunwari ako. Pero sa totoo lang gusto ko na talagang sabihin na oo na!tayo na!

"Panliligaw ko sayo, alam mo namang mahal na mahal kita. Binigay ko na ang puso ko sayo wala ng natira sa akin. Handa pa akong ibigay kung ano pa ang kailangan mo para lang mahalin at sagutin mo na ako Jade."

Akala ko. One shot first tryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon