CoC

36 1 0
                                    

"Hoy! CoC ka ng CoC jan, yung mga panty mo don, di mo pa nalabhan!"

"Edi ikaw maglaba!"

Haynako. Sila mommy at daddy yon. Si mommy kasi highschool palang, naglalaro na nun. Ayun, hanggang ngayon adik parin.

Naglalaro din naman ako nun kaso ewan. Nakakatamad.

Ah oo nga pala. Ako si Karlynna Samantha Perez. Ang napakagandang anak nina Mrs. Karla Perez at Mr. Samuel Perez. You can call me Sam or Ynna.

Tsaka. Ewan ko din kay mommy, basta ang alam ko lang na magandang naidulot ng CoC sakanya, ay ang makilala ng husto si daddy. Yun ang sabi ni dad eh. Their love story started because of Clash of Clans. Bongga!

Ikwento ko sainyo yung kwinento ni dad ha.

*

Isang araw, nasa school sila Mommy at Daddy. Sa Saint Aloysius Gonzaga University.

"Dala mo ba pocket wifi mo?"-Lawrence

"Oo. Wag kang maingay! Tara dun sa college building."-Karla

"Hoy! Hoy! Hoy! Ano yan? Maglalaro nanaman kayo ng CoC no? Sumbong ko nga kayo kay ma'am."-Samuel

"Anong CoC? Ulol! Gumagawa kami ng story sa wattpad."-Karla

"Hooo. Maniwala ako sa inyo. Tsss."-Samuel

At pinabayaan na nila si daddy don. Kasi wala namang pake sina mommy at tito Lawrence kung isumbong man sila ni daddy.

Ang kj kasi ni daddy eh. Naglalaro din naman.

"Waaaaah! TH7 na ako Lawrence! Yeaaah!"

"Rush ka naman! TH6 palang ako, nauna pa kong naglaro sayo."

"Anong rush! Max na lahat ng nasa village ko no!"

Naglaro lang silang dalawa habang lunch break. Bawal ang games sa mga iPads nila, pero naniniwala si mommy sa kasabihang, MASARAP ANG BAWAL.

Kaya i-fast forward na natin sa kung paano sila naging close ni daddy.

*

"Happy Tummies. Dito nalang ako sasali. Level 4 clan na to."-Karla

Nagjoin na si mommy at binubulabog ang HappyTummies.

"Hello! Ako si Karl. 14. Ilocos."-Karla

"Hi! Welcome Karl!"-Leader

Karl ang ginamit ni mommy na pangalan para mapagkamalan siyang lalake.

"Stay or visit?"-CoLeader

"Stay na ko kapag maingay kayo."-Karla

"Hoy mga paker magsilabas kayo! Magingay kayo! Dali!"-Leader

At yun nagiingay lang sila. Pero may isang hindi nagsasalita. Si maSAMa. Si daddy yon.

"Isa lang ata di ko pa nakakausap ah. Si maSAMa?"-Karla

"Oo nga no. Hoy maSAMa! Online ka naman eh. Salamat nga pala sa Hogs."-Leader

"Hi maSAMa! Penge goblin pangloot."

"Hello. Sige lutuan kita wait."-Samuel

Hindi goblin ang natanggap ni mommy kundi dragon.

"WOW! maSAMa! Galante dragoooon! Salamat!"-Karla

"WC."-Samuel

*

Naging maganda ang pagsasama nila sa kanilang clan. At napagdesisyonan ng leader na dapat magkakakilala na silang lahat.

Binigay nila ang kanilang mga facebook accounts at dun napagtanto ni mommy na si maSAMa ay si daddy!

"Karla."-Samuel

"Tss. Oh bakit?"-Karla

"Ikaw pala yan."-Samuel

"Edi wow!"-Karla

Medyo naiinis si mommy kay daddy nang mga oras na yan kasi naalala nya yung pagsumbong sakanya ni daddy noon.

*

Matapos ang mahaba-habang tampuhan, unti-unti na palang nahuhulog si mommy kay daddy.

"Karla? Crush kita."-Samuel

"Ahh. Samuel. Alpril Fool's?"-Karla

"Hindi. Seryoso ako. Bakit? Ayaw mo parin ba sakin?"-Samuel

"Hindi. Ano kasi crush din kita?"-Karla

"Yes! May girlfriend na ako!"-Samuel

"Hoy! Asa ka! Ipaalam mo muna ako kina mama at papa!"-Karla

Pakipot pa si mommy. Sasagutin parin naman.

"Yan lang pala. Sige. Alam ko naman bahay nyo."-Samuel

"Sigeeee. Matutulog na ko. 1:00 na pala. Hahaha goodnight!"-Karla

"Sige bukas ulit. Goodnight. Sleep Well."-Samuel

Kilig na kilig daw si daddy niyan! Kahit papano pala, kinikilig parin ang mga lalake.

*

After 2 months daw, sinagot na siya ni mommy. Natagalan daw kasi hinintay pa niya ang Valentine's Day.

So yun, kinasal sila nung 23 years old na sila at gumawa ng baby. At ako na yon! Ewan ko lang kung may balak pa silang gumawa ulit ng baby.

Yun ang love story nina mommy at daddy. Nagsimula dahil sa CoC.

Tandaan nyo na kahit adik adik ang mga tao sa CoC, matututo ka paring maging Patient, Calm, Quiet, at Magmahal.

***

Whooo yeaaaah! Another one-shot! Congrats sakin!

CoCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon