Chapter 7

9 1 0
                                    

CHAPTER 7

 

NO WAY

 

Hindi alam ni Ryan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya? He remembered it clearly. That was three years ago. He was still 20 years old and they were all graduating students in college. At tandang-tanda niya pa na lumipad paalis ng bansa si Mackie 3 weeks after his accident. Napariwara ang buhay nito sa Pilipinas so his parents decided na umalis ito ng bansa.

Flashback

"His son?!" He exclaimed. Agad namang nag 'shhh' sign si Archie sa kanya.

 

"Kasama niya ang girlfriend niya sa aksidente. He's blaming himself. Hindi na namin alam kung paano aaluin yan. Hindi na nga yan halos lumabas nang condo niya at inom lang ng inom. Mabuti na lang napilit naming sumama ngayon."

 

"Alam niya ba na buntis ang —-"

 

"Sinabi sa kanya. They were in Tagaytay. Dun nagtapat ang babae sa kanya. Nagalit ang loko. Nagtatalo sila habang nasa sasakyan pauwi, at yun nga naaksidente." Napapailing na kwento nito sa kanya.

 

"Where's the girl now?" He asked. Napasulyap siya sa taong pinag-uusapan nila.

 

"Nasa ospital pa daw pare."

 

"Kilala ba natin ang babaeng ito?"

 

"No. He met her nung may sinuri silang lupa ng papa niya para patayuan ng hotel nila sa Laguna. The girl is from Laguna."

 

"How come you knew all these?" Ryan asked, amused. Well, Archie is Mackie's best friend.

 

"His mom called me nung naaksidente siya. Mula nang maisugod sila sa ospital ay dalawang oras pa bago siya nagising."

 

"And his mom told me to look after him. Na para bang bata yang si Concepcion." Napapailing ito.

 

Sinulyapan niya ulit si Mackie. Parang hindi ito ang Mackie na kilala niya. Ang Mackie Concepcion na kilala niya ay masayahin at pasimuno sa lahat ng kapilyuhan. Ngayon, heto ito, malungkot at ayaw kausapin kahit sino.

 

"Saang hospital nakaconfine ang babae?"

 

"Sa St. Luke's daw."

 

"Bakit hindi niya puntahan?"

 

"They won't allow him."

 

"They? Her family?"

 

"Her friends... And her adopted family."

 

Hindi alam ni Ryan kung anong nagtulak sa kanya na pumunta sa St. Luke's. Baka awa na rin sa nakitang itsura ng kaibigan. Para siyang gago nang nasa harap na siya ng information desk at hindi niya man lang kilala kung sinong hinahanap niya. Maski apelyido ay hindi niya alam. Nang dumating ang kilala niyang doktor na si Dr.Joyce Clark, ang OB-Gyne ng mama niya ay saka pa siya nakapag-asa.

A ConfusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon