Chapter 50

483 8 0
                                        

“Nandito kami sa Cohen's Hospital. Pumunta na lang kayo rito. Manganganak na ang pamangkin ko—ano? Anong bakit? Tanga ka ba? Malamang buntis kaya natural na manganganak! Ewan sa iyo! Ang bobo mo, Zion!”

Idinilat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame. Mahina pa rin ang katawan ko at pagod na pagod dulot ng ilang oras na sakit na naranasan ko sa loob ng silid na ito. Iyong mga boses na iyon. Iyon ang narinig ko habang nanganganak. Alam kong nagmula iyon kay Tita Gara. Ang lakas ng bunganga niya.

“She's awake.” Dinig kong anunsyo ng kung sino.

Nang i-check ko kung kanino nanggaling ang boses na iyon ay nakita ko ang isang nakangiting doktora.

“Hello, mommy! How are you feeling?” nakangiting tanong ng isang babaeng doktor sa akin.

“Good,” paos kong tugon.

Maliit akong ngumiti bago naglikot ang aking mga mata. Sakto namang pumasok ang asawa ko bitbit ang bagong silang na sanggol na niyayakap ng isang puting tela.

Ngumiti ako nang magtama ang tingin namin ng asawa ko. Muli kong tiningnan ang baby na hawak niya. Kahit papaano ay nabawi ko ang lakas ko kung kaya ay nagawa kong buhatin ang aking anak.

“Our baby is a healthy baby boy,” he informed me while smiling brightly.

I couldn't believe na after those stress I've experienced, lumabas na healthy ang anak ko. Maybe ganoon kalakas ang kapit niya. Or maybe hindi ko hinayaan ang sarili kong tuluyang maapektuhan ang batang nasa sinapupunan ko.

“Is this really him?” paos ko pa ring tanong habang pinagmamasdan ang maliit na anghel sa aking mga bisig.

Tumango ang asawa ko. “Yes. He's handsome, right?”

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha ng aking anak. Hindi ko matukoy kung kanino siya nagmana ngunit alam kong may iilan din siyang nakuha mula sa akin. Paminsan-minsan na binubuksan ng anak ko ang mga mata nito.

Lumawak ang ngiti ko. “Kamukha mo yata ito paglaki, Gunner. He got the color of your eyes.”

Hinaplos ni Gunner ang noo ng anak namin. “I'm sure he's chinky, wife. I can feel it. I can see it.”

Hindi ako sumagot. Malalaman din naman namin iyon kapag lalaki na ito.

Napakurap ako nang maramdaman kong hinalikan ni Gunner ang ulo ko.

“Thank you, wife. Thank you for bringing this angel to me to witness this world,” sinserong aniya.

Hindi lang naman ako ang gumawa sa anak naming ito. May ambag din naman siya rito so I won't take all the credits.

“What will be his name?” si Gunner.

Habang nakatingin sa mapayapang mukha ng anak ko ay isang pangalan ang nabuo sa isipan ko.

“Zen. Zen Kaizer V. Buenavista.”

Tila nagkantahan ang mga anghel sa langit nang makita kong unti-unting ngumiti ang aming anak. He likes his name!

Gunner kissed our son's forehead. “Hello, ZK. Welcome to our world.”

“THE GREATEST gift for a father like me is to hear the sweetest vow from my lovely wife.”

We are inside the church, obviously in a wedding. Our wedding, to be exact. Parang bumalik kami sa dati. Isang magandang wedding gown ang suot ko na si Danver ang gumawa. Pinilit niya akong gawan ng gown at for free lang daw. Hindi na lamang ako tumanggi dahil bukod sa mapilit talaga siya, magtatampo raw siya kung hindi ko tatanggapin.

Tears of Trapped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon