MEET UP(Oneshot)

105 25 88
                                    

NAPAHILAMOS ako sa mukha ko ng makitang ilang oras na at wala pa siyang reply sa'kin.

Paulit-ulit na binabasa ang text message na sinend ko sakanya at baka may mali na naman akong nasabi.

ME (TEXT MESSAGE) "I'm sorry baby, can we talk? It really happens sa rs yung ganito. Hindi mo yata naiintindihan ang ineexplain ko kahapon but it's ok, baby nakapagsinungaling rin ako sayo. I'm really sorry, let's fix this please. I don't want to lose you."

Napatiim-bagang at kinuyom ko ang kamao.

'Kailangan kong kumalma...Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.'

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.

Nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko at magpatakan ang pawis sa mukha.

Sobrang init ng pakiramdam ko at maging ang kamay ko ay nanginginig narin.

Napagdesisyonan ko na lamang na buksan ang TV para kahit papaano mahimasmasan at hindi mawala sa sarili dulot ng pagka-irita.

'Daniel please wag ngayon, kumalma ka.'

Bulong ko at sinusubukan ko parin na kontrolin ang nararamdaman, kahit na alam kong maya-maya lamang ay madadala na naman ako ng pagkagalit.

"Dead on the spot ang bente-tres anyos na babae matapos pagsasaksakin sa Tondo, Manila. Kinilala ang biktima na si Jessa Francisco na dumayo lamang sa lungsod at galing pa sa lalawigan ng Cagayan De Oro. Ayon sa mga saksi, alas-otso ng umaga nang makita ang biktima na naghihintay umano sa parking lot sa labas ng Green Mall. Sa imbestigasyon ng mga Tondo Police ay kikitain ng biktima ang nobyo na nakilala niya online---"

Pinatay ko na ang TV at malakas na binato ang remote.

Akala ko mahihimasmasan ako ngunit mas lalo akong nabugnot sa narinig ko.

Paulit-ulit kong pinagsususuntok ang gilid ng lamesa, kahit may dugo ng tumutulo sa kamao ko wala kong nararamdaman na sakit kundi pagka-ginhawa.

Hindi naman ako dati ganito.

Never akong nagsinungaling o naging redflag sa past relationship ko.

Nasanay lang talaga ko sa pinaparamdam sakin noon ng ex ko kaya siguro ngayon dala-dala ko parin at unconsciously ko na nagagawa kay Venus---sa present girlfriend ko.

Kinuha ko ulit ang selpon na nasa bulsa ko at nagsimulang magtipa ng mensahe.

ME (TEXT MESSAGE) "I'm really really sorry, baby. I want to be completely honest and transparent with you. I know I made a decision that was thoughtless and hurtful. Kinita ko si Sam para klaruhin lang talaga yung nangyari noon. She just wanted to say sorry for what she did to me and closure from our past relationship. At that time, I believed that it was necessary to find closure for myself, but I failed to consider how it would affect you and our relationship. I want to sincerely apologize for my actions and the pain they may have caused you. It was never my intention to make you feel uncomfortable or worried about our bond. I now understand that seeking closure from an ex is something that should not have been done without discussing it with you first. Please baby, I deeply regret my actions, and I am truly sorry. I love you and value our relationship more than anything, and I promise to be more mindful of my decisions. From now on, I will communicate openly with you about anything that might affect us as a couple. If you are willing to forgive me, I will do my best to make it up to you and rebuild the trust that I may have unintentionally damaged. I want nothing more than to continue growing and strengthening our love together. You mean the world to me, and I will do whatever it takes to be the partner you deserve."

MEET UP(Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon