Chapter 1

6.4K 113 7
                                    

Becky:
Ninyo Aquino International Airport



"Ikaw na Ang bhala sa bahay. Tatawag na lng ako pagdating ko ng London."
    Tumango si Becky bago niya niyakap ang kanyang ate Ann. ayaw sana niyang mapaluha pero Hindi niya mapigilan iyon. "Mag iingat ka ate Ann



  Ikaw Rin. Niyakap din Siya nito.
Ikumusta mo na lng ako kina Tito at tita sabi nya ng magbitaw sila. "Sige na. Pumasok ka na. Baka maiwan kapa ng eroplano."


  Nag paalamanan pa uli  sila sandali at pagkatapos ay pumasok na ito sa departure Area. Siya naman ay naiwan pa ring nakatayo habang pinapanuod itong maglakad palayo. Mami-miss tlaga niya ito.noon lamang sila magkakalayo nang matagal.
   Pinsan nya ito .magkapatid Ang kanilang mga ama. Anim na taon Ang tanda nito sa kanya pero parang magkalapit lamang Ang kanilang edad.Bukod sa mag pinsan ay matalik na magkaibigan din Ang Turing nila sa isat isa.

    Malaki ang utang na loob niya rito at sa pamilya nito.ang mga ito Ang tumutulong sa kanya noong mga panahong wlang wla sya. Labinlimang taong gulang siya nang mamatay sa sakit sa puso ang papa nya.dinamdam iyon ng kanyang mama at pagkalipas lamang ng dalawang taon ay ito naman Ang namatay.kinakailangan niyang huminto sa pag aaral at maghanap Ng trabaho noon upang buhayin Ang sarili.pero tinulungan Siya ni ate Ann sa kagustuhan din Ng ama nito na si Tito Rico na noon ay nsa London .


   Nakapag patuloy at nakapagtapos Siya Ng ng pag aaral ng dahil sa mga ito. Sa edad na disinuwebe ay nakatuntong sya ng kolehiyo. Sa bahay ng pinsan nya sya nakatira.kung Ang kinuha nga lamang niyang kurso ay katulad ng pinsan nya interior designer ito baka sa kompanyang pinag tatarabahuhan na Rin nito sya nagtrabaho. Kaya lamang ay Hotel and Restaurant Management Ang kursong natapos nya.kumuha na sya ng crash course sa Culinary Arts kaya Naruto siyang mag bake



    Nagpasya itong sumunod sa mga magulang nito upang maalagaan si Tito Rico na inatake sa puso. Bagaman  Hindi Malala ang kondisyon ng kanyang tito ay nais pa ring makasiguro ng pinsan niya.plano ni ate Ann na sa London na magtrabaho.my balak siyang sumunod sa mga ito At habang Hindi pa maayos ang papers niya ay kailangan pa Rin niyang magtrabaho para sa kanyang Sarili.


   Sa isang restaurant sya nagwowork bilang pastry chef  Bago pa lamang sya dun. Sinubukan lamang niyang mag apply dun pagkatapos niyang mag resign sa isang kilalang bakeshop kung San isang taon na din nag wowork.hindi niya makasundo Ang manager niya kaya umalis Siya at naghanap Ng ibang trabaho.pinalad naman Siya dahil hiring noon Ang Sebi Restaurant na isang kilalang Restaurant. Masuwerte sya dahil malapit lamang sa kanila Ang branch niyon na pinapasukan niya kaya Hindi nya gaanong problema Ang pamashe.
   


Nang Hindi na maabot ang tanaw nya Ang kanyang pinsan ay tumalikod na sya. Naramdaman niya ang pananakit ng kanyang paa. "Aray..... Daing nya.bago Ang sapatos na suot niya kaya nag paltos ang mga para niya. Kakabili lamang niya niyon at nang Araw na iyon lang niya unang isinuot.


  Hinubad niya Ang sapatos.halos makuha Siya sa sakit. Pulang pula Ang daliri niya sa paa dahil sa paltos. Malamang na kaunti lakad pa niya ay matutuklap ang ang balat niyon lalo na sa mga daliri.


  Nakayakap na naglalakad na lamang Siya patungo sa abangan ng taxi.wla siyang pakialam kung mag mukha siyang tanga sa ginagawa niya.kung Hindi niya huhubarin ang sapatos niya ay baka Hindi na Siya makalakad pa.binitbit na lamang niya Ang mga sapatos. May nakita Siya taxi na nagbaba ng pasahero.my isang pamilyang mukhang aagawan pa Siya kaya naglakad Siya nang mabilis at pinara Ang driver ng taxi. Sa bilis ng lakad niya ay nabitawan niya Ang kapares ng sapatos at humagis iyon ilang metro Mula sa harap niya. Naitakip niya ang isang kamay sa kanyang mga mata Ng tumama Yun sa likod Ng isang nakatalikod na matangkad na babae
.

   "Patay," sambit niya. Lakas loob na naglakad Siya patungo sa napahintong babae. May nauna nang sumakay sa taxi na pinara niya. Dadamputin na sana niya Ang sapatos niya Ng pumihit paharap sa kanya babae. At kulang Ang salitang pagkamangha Ng Makita niya Ang mukha nito.


  Marami na syang nakita magagandang babae pero iba to at parang tumibok ang puso ko ng mabilis mapaartista man o Hindi pero  para sa knya. Ang isang to Ang pinakamaganda sa lahat .walang katulad ito. Pakiramdam ko sa mga sandaling un kami lng Ang tao sa  paligid..










Sana magustuhan nyo Ang story ko. Comment and vote lng po para matuloy ko to 🥰☺️

FOREVERMOREWhere stories live. Discover now