finale

948 35 8
                                    

POV:Freen/Becky
  Dalawang Araw na hindi pumapasok si Becky sa trabaho.dalawang Araw na rin niyang hindi nakikita si Freen. Alam niyang naroon ito sa Branch. Sa ikatlong Araw ay nagtungo Siya sa flavour of Sebi, dala Ang Resignation letter niya. Wala na siyang balak na magtrabaho pa roon Hindi niya kanyang Makita si Freen. Isipin pa lamang niya Ang panlolokong ginawa nito sa kanya ay nakakadama na Siya Ng matinding Galit.



Nabubuwisit na rin siya kay Nop dahil bigla ay tila naging kakampi ito ni Freen. Panay ang sabi nito sa kanya na mag usap sila.na kesyo dapat ay pakinggan niya si Freen at bigyan niya ito ng benefit of the doubt.



Lintik na benefit of the doubt Yan. Marapat pa bang bigyan niya si Freen niyon samantalang malinaw na ginamit lamang Siya nito para manalo ng singkuwenta mil? Nanakit ito ng damdamin ng ibang tao para lamang sa pera gayong napakayaman na nito. Hindi bale sana kung ibibigay nito sa kanya iyon.


Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa sa kaalamang wala si Freen sa restaurant nang dumating Siya roon. Kinuwestiyon agad siya Jc sa Hindi niya pagpasok nang walang paalam. Hindi Siya nagpaliwanag. Sa halip ay ipinasa lamang niya rito ang kanyang resignation letter.


Maghanap siya ng ibang trabaho habang naghihintay siya sa pag alis niya ng Bansa. Iyon naman talaga ang mangyayari bago pa man niya ito nakilala. Iyong trabaho na Hindi magpapaalala sa kanyang panlolokong ni Freen. Hindi na rin Siya nagtagal sa restaurant. Baka mag pang abot pa sila ni Freen at Hindi niya alam kung ano ang maari niyang gawin dito. Baka sa sobrang Galit niya at basagin niya Ang glass wall Ng restaurant nito. Subalit paglabas niya ng pinto ay nakita niyang naghihintay ito sa kanya. Nakangiti ito. Hindi niya ito pinansin.nagpatuloy Siya sa paglalakad. Nais niyang burahin ang ngiti sa mga labi nito. Kung maari lamang na maging ang mukha nito ay burahin niya. Ginawa na niya.he was smiling like he didn't fool her. At Siya naman, tila bibigay anumang oras sa mga ngiting iyon.


Traidor na puso to!


Sumunod ito sa kanya at humarang sa daraanan niya. Hi,  bati nito .

Pwede na ba tayong magusap?


Go to hell! Bulyaw niya rito. Iniwasan niya ito.


"Ayoko. Mainit don eh. Sumunod pa rin ito tumaas-baba sa Galit ang dibdib niya. Tigilan mo na ko! Binilisan niya ang paglalakad. Nakarating Siya sa bahay niya na nakasunod ito. Nagmamadali siyang pumasok sa pinto upang Hindi na ito makasunod  subalit maagap ito. Ano ba?


Trespassing ka na, ah?


Di ipahuli mo ako mamaya. Magusap mo na tayo. Ito pa Ang nagsara ng pinto. Pagkasarang pagkasara nito ay niyakap agad Siya nito. Listen to me, Becky. Kahit kamuhian mo ako pagkatapos nito ay ayos lang. Just please listen to me now. Nasa tinig nito Ang pakiusap. Wala na siyang nagawa Nang yakapin Siya nito. Kahit Anong Galit ang itanim niya sa kanyang isip ay nangungulila naman Ang puso niya sa mga yakap nito. At Kahit sobra pa ang Galit na maramdaman niya para dito ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya rito.


It is true that we had a bet. Panimula nito. Remember when we first met and I offered you my card? I wasn't expecting you would turn me down sa totoo lang. Napahiya Ako sa sarili ko. Ikaw lang ang sumopla sa akin. And then I saw you again. I found you really challenging. I told my friends about you and then we had a bet. Totoo ang narinig mo. Totoo ang lahat ng iyon. I even had my left nut at stake. Kapag natalo Ako, tatapyasin iyon Ng mga kaibigan ko.hindi alam kung matatawa Siya sa huling sinabi nito. But when I was starting to get to know the real you. I gradually fell for you, too. I really was,  Becky, you have to believe that. Totoong minahal kita. Totoo ang nararamdaman ko para sayo.


Bakit Hindi mo sinasabi sa akin na mahal mo ako? Tanong niya.



Dahil hindi ko naisip na mahalaga iyon. Ipinaramdam ko naman sayo, diba? Marahang sagot nito.



Hindi Siya umimik.lumunok Siya upang pigilan ang napipintong pagpatak Ng kanyang mga luha. Dahil natagpuan niya ang sariling naniniwala rito.
  Humingi ito Nang malalim bago ito lumayo nang bahagya at tiningnan ang kanyang mukha. I'm sorry if I hurt you in a way. I didn't mean that. But believe me, Becky. I love you. I'm sorry if I lacked in words but I love you, I honestly do. And if you still won't believe me, I am willing to do everything just to prove how much I love you.


Freen....

You are the reason why I wake up each day with a smile, Becky. You are one of the few things that make me so alive. And just by the thought of you always makes me feel better everyday.

H-hindi ko alam ang sasabihin ko, aniya bagaman punong-puno ng kaligayahan ang dibdib. Hindi Mahirap sa kanya Ang patawiran ito okay, so he made a stupid mistake. But he was there, telling everything.

Sabihin mong magpakasal ka sa akin

Ano??! Nanlaki ang mga mata niya. Marry me, babe

Bumulong ang mga luha niya dahil sa kaligayahan.magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila. May rason ang nangyari sa kanila. Kung Hindi nga naman dahil sa pustahan ng mga ito ay hindi niya madarama Ang sarap ng pagmamahal nito.

Manlibre ka muna. Nanalo ka sa pustahan lumuluhang sabi niya bagaman nakangiti na Siya.

Ang lakas Ng tawa nito. Pagkatapos ay hinagkan Siya nito sa mga labi.





tinugon niya Ang matamis na halik nito. Labis na niyang na mis-miss ang mga labi nito. Kung noon ay matamis ang bawat halik  nito. Ngayon ay tila lalo pang tumamis iyon. Kapagkuwan ay natawa Siya. Naalala niya ang unang pagtatagpo nila.

Why ?? Nangingiting Tanong nito.

Wala . Naalala ko lang ang sapatos ni Cinderella.

Tumawa ito bago Siya hinalikan muli. At gaya Ng palagi niyang nararamdaman sa tuwing maglalapat ang mga labi nila. Hayun na naman Ang eksenang napuno ng nalaglag na mga bulaklak ang puting backround na kuha sa camera.



















End!!!!
























Abangan nyo my 2nd story Ako.

















Thank you everyone
God bless always ❤️💗💕

FOREVERMOREWhere stories live. Discover now