Simula

7 1 0
                                    

"Truth or Dare?"

"Weeeh andaya! Mahina 'yung ikot mo! Dinadaya niyo ko eh!" Bulyaw ko sakanila.

"Luh ikaw nga rin kanina eh. Bilis na kasi!" Galit galitan ni Trish.

"Hmp! Sige na nga. Uhm ano..." Pag iisip ko. Alam ko na itatanong nila eh. Kaya 'di pwedeng truth no! "Dare!"

"Hala 'di pwedeee!" Singhal naman ni Menggay. Pinsan ko.

"Hindi. Hindi, Meng. Ako bahala." Awat ni Trish kay Meng. Ngiti ngiti pa ito. Nag bulungan pa sila!

"Uy uy ano yan? Bawal yan uy!" Awat ko sakanila at pinaghihiwalay ko ulo nila. Tinawanan lang nila ko. Luh! Madadaya 'tong mga 'to oh!

"Okay. Game na." Natatawa pa ring sabi ni Trish. Tapos nagtitinginan pa sila ni Meng.

"Okay, ang dare namin ay.." ngiti ngiting sabi nito. Mayabang ko naman siyang tinignan at nakipag kumpetensyang titigan siya para ipa mukhang kahit mag tulong pa sila, magagawa ko 'yung dare nila. Ha! Kala nila ah! Bulong bulong pa sil-

"Sabihin mo kung sino crush mo!" haaaaa?

"P-pang truth 'yan e-eh!" Kabadong apela ko.

"Pwede 'yon kaya! Dali na, sino?" Atat na sagot ni Meng. Napatingin naman ako sakanilang dalawa. Titig na titig sila sa'kin, nag aabang sa sagot ko. Napalunok ako.

"A-ano.. Si.."

"SINO?!"

"S-si Russel" Mabilis kong sagot at sinubsob ang mukha ko sa unan.

"Aahhhhh!!!!!!" Sabay na tili nilang dalawa at pinaghahampas ako!

"Omaygaaad! Hindi nga?" Pangungulit nila sabay pa hatak sa'kin. Tumangko at nag iwas ng tingin, ramdam ang pamumula. Sabay na naman silang tumili. Tsk!

"Ang oa niyo naman! Tsaka ano konti lang naman ah! Ano lang.. Ano h-half crush lang!" Bulyaw ko sakanila. Tsaka totoo kaya! Mga 50% lang ata. Paano kasi ay pogi siya tsaka balita ko ay matalino rin siya. Transferee siya last 2nd grading lang pero kahit na transferee ay nasa section 2 siya agad! Usually raw kasi pag transferee ay nasa section 6 which is last section sa school nam

"Weeeeh???"

"Ay teka. Ang alam ko crush din siya ni Pia eh." biglang sabi ni Meng. Narinig ko nga rin 'yon. Nag post pa nga raw si Pia ng picture tapos may hawak na papel na nakasulat na Russel. Fansign. Napa irap na lang ako.

"Ay oo nga pala" Sagot ni Trish. Napa nguso na lang ako. Ka away namin si Pia since grade 2. Classmate namin siya nun and she used to bully Meng one time tapos gumanti rin naman si Meng, tapos 'yong bwesit na 'yon may gana pang magsumbong at dinala pa talaga mama niya sa school. Sumbungerang palaka. Buti na lang maraming nakakita ng ginawa niya kaya imbis na siya dapat ang kawawa, siya pa itong napagalitan. Tapos simula noon ay pag nagkakasulubong kami ng mga friends niya ay umiirap pa ang nga 'to! Buti na lang at nawala ang mga 'yon sa section 1.

"Wag ka malungkot, Ry. Mas maganda ka naman doon eh." talaga! sarap kaya tusukin ng mata nun puro irap. Binangga pa nga ko nun one time kasi binigyan ako ng heart balloon ni Mav na crush niya dati.

"Talaga ano! Tsaka mas matalino ka pa dun." Dagdag pa ni Meng. Napangiti naman ako.

"Weh naniwala rin!" Asar ni Trish. Humagalpak naman ng tawa silang dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Bwesit kayo!" Pinaghahampas ko sila ng unan.

"Ry! Meng! Tawag na kayo ni Ann." Anang tita Yolly na nasa pinto ng kwarto. Nag paalam na kami kay Trish at umuwi na. Apat na bahay lang ang pagitan ng bahay namin nila Trish. Mag b-bestfriend na talaga kaming tatlo since kinder. Si Menggay naman ay pinsan ko at sa amin din tumitira kasama ng ate niya. Nasa abroad sina tita at tito kasi.

"Ano maayos na ba gamit niyo?" tanong ni mama sa amin sa hapag.

"Opo 'ta." sagot ni Meng kay mama. Samantalang tango tango lang sagot ko dahil nilalantakan pa 'tong pagkain ko. Ganoon din si ate Cess. Masarap talaga mag luto si mama kaya laging magana ang pagkain namin. Pre school teacher si mama sa isang malapit na daycare dito sa amin. Samantalang seaman naman si papa kaya kami kami lang dito sa bahay.

Pagkatapos kumain ay ako ang nagligpit ng mga pinagkainan samantalang si ate Cess naman ang nag urong. Salit salitan kaming tatlo sa pag uurong. Ganoon din sa ibang gawaing bahay. Umakyat na ko pagkatapos kong mag linis ng mesa at pinag desisyunang i open ang pc. Antagal ko rin kasing 'di nag f-facebook. Naabutan ko naman si Meng na gumagawa ng bracelet sa sala sa taas katabi ng computer.

"Mag o-open ka?" tanong niya. Tumango ako.

"Pa open din ako pag tapos mo ha?" Tinaasan ko lang siya ng kilay inaasar asar. "Luh ang panget nito oh. Dali na! P-pizzap ko nga picture natin nila Trish e, pang cover photo natin." Pang uuto niya sa akin. Tinarayan ko siya at tumayo.

"Ikaw na nga muna. Toothbrush lang ako." Napa Yes naman siya at umupo na sa harap ng PC. "Ako gitna ha!" kondisyon ko sakanya.

"Ryyyy!!!" 'Di pa 'ko tapos mag toothbrush nang sumigaw si Meng mula sa sala.

"Angooo?!" Sigaw ko pabalik kahit bula bula pa ang bibig.

"Dalian mo! Bilis. Tara!" nagmumumog agad ako at mabilis siyang pinuntahan.

"Bakit ba?"

"Pinizzap ka ni Mae Anne oh! Epal!" Napakunot naman ang ulo ko. Napaka epal talaga ng mga 'to. Collage 'yon ng mukha namin ni Pia na may nakalagay na Vs. sa gitna. Napairap ako. Epal talaga.

cNü mS an6ät? CnØ mS cKât?

RyLäniê Jān ÂcüñA Vs. Píå B. ₦üyØ

√ Ⱡł₭Ɇ 4 ⱤɎⱠ₳₦łɆ
√ ₵Ø₥₥Ɇ₦₮ ₣ØⱤ ₱ł₳

#vOte kyo guys
#VoT3_Pia_commenf_kau

"Bwahahaha tignan mo 'to Ry" pakita ni Meng sa akin sa comment section na ni flood comments lang ng mga friends ni Pia para siya manalo. Madaya amp! May 86 na nag likes, puro 'yon mga kaklase at mga kakilala ko sa ibang section. Tapos 'yong mga comments flood lang talaga ng friends niya. Kaya namab umabot 'yon sa 213 comments. Flood pa more!

"Dinadaya lang naman nila 'tong post eh.. Feeling sikat din 'tong mga 'to oh. Feel ko inutusan lang ni Pia 'tong si Mae Anne mag post 'no?" 'Di ko na pinakinggan ang daldal ni Meng nang may na nahagip akong nag comment.

Rus Abella
nuto?

Facebook ba 'to ni Russel? Rus ang nickname niya? Pa ngiti ako. Ang cute! Pero ano 'yong comment niya? nuto? O baka na typo siya dapat na Nuyo? Napa labi ako.

"Wait lang ah. Baba muna ko, Ry." Paalam ni Meng. Wala sa sariling tumango lang ako. Crush niya rin kaya si Pia? O baka close sila? Sabagay, classmates din kasi sila. Pero ba't may question mark kasi? BAKA ANO TO? lang 'yung ibig niyang sabihin. Napangiti ako ng malaki. Ni click ko 'yung account niya. Simpleng picture niya habang naka upo sa starbucks ata 'to 'yong profile niya, samantalang cover photo niya naman ay dalawang dog. Aso niya ata ang mga 'to. Visible lang ata sa mga friends niya sa fb 'yong post niya since wala akong makitang post niya. May mga tags sakanya na mga status pero wala namang kwenta mga 'to. Mga kaklase niya lang 'to na nag p-post ng mga hugots.

Napangiti aki lalo nang makita ang tag ng mama niya sakanya. Family pictures nila 'to. Kaya pati mama niya ay napuntahan ko na rin ang profile kaka stalk sakanya. Kung hindi lang ginagamit nila mama at ate Ces tong computer ay baka ni save ko na rin mga photos niya. Joke!

"Luh!" gulat kong usal nang nakita ko ang pangalan ni Pia rito sa post ng mama ni Russel 3 years ago na naka like siya. Mga pictures 'yon ni Russel sa Baguio kasama ng mama and papa niya pero halos mga stolen photo ni Russel. Nag scroll pa ulit ako, naka like siya sa lahat ng mga pictures nu Russel! Grrr. Nakakainis talaga 'tong palaka na 'to! Pinindot ko na lang ang account niyang profile picture si Kathryn Bernardo. Feeling!

Na laglag ang panga ko sa latest post niya.

Aip Yoj Oyun is feeling happy
ԋαԋα ʋιɳσƚҽ αϙσυԋ ɳι ƈɾυʂԋ ყιҽ
#R
#PloveR

ouch..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Half CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon