Prologue
18 Bucket List
1. To Cuddle with You
2. Watch a Scary Movie with you
3. Hold You in the Cold
4. Kiss You on the Forehead when you're sick
5. Kiss You Goodnight
6. Go out for Ice Cream
7. Kiss You In The Rain
8. Go to Beach with You
9. Buy Matching Hoodies
10. Get matching Outfits
11. Kiss Your Lips when It's Dry
12. Go Ice Skating Together
13. Hold Your Hand in Public
14. Hear Your Voice Every Night Before Bed
15. Go Out to Dinner with You
16. Surprise with Kisses
17. Piggy Back Ride
18. ALWAYS REMEMBER THAT I LOVE YOU
"Love, what are you doing?" tanong ni Kevin nang pumasok siya sa loob ng aking kuwarto. Nakasuot na siya ng nurse na uniporme at mukhang bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya. Tumabi siya sa akin at tinignan ang isinulat ko sa notebook ko.
"Gumawa ako ng mga gusto kong gawin kasama ka."
"Mga gusto mong gawin na kasama ako?" Tumango ako. Alam kong hindi matutuwa si Kevin sa sinasabi ko ngayon. Lalo na at alam kong ayaw na nagsasabi ako na iiwan ko siya at hindi na mabibigyan pa ng pagkakataon para i-extend ang buhay ko. "I want to leave this world with a happy smile in my face. Pati na rin sa'yo."
"Miki, diba? Nag-usap na tayo? You won't die on my watch. At sabi ni Tito, responsive ka raw sa mga gamot. It's a good sign, right?" "I gave him my best smile at tumango bago inalala ang huling pag-uusap namin ni tito.
Flashback
"Tito Malvin, ilang buwan na lang ba ang itatagal ko?" seryoso kong tanong sa kanya. Inuwi muna ako sa bahay dahil sabi ni Tito Malvin, mas makakabuti na makakita naman ako ng ibang lugar bukod sa kwarto ko sa ospital.
"Miki... ano bang— "Alam ko po na hindi nagrerespond ang katawan ko sa gamot na ibinibigay niyo sa akin. Kaya huwag niyo na po balakin na magsinungaling po sa akin dahil alam ko po ang totoo."
Nanahimik si Tito Malvin at tila ba nagulat sa sinabi ko. Bumuntong-hininga siya. Tinitigan ko siya sa mata habang naghihintay pa rin ng isasagot niya sa akin. Gusto ko lang naman malaman ang totoo. Bukod sa karapatan ko 'yon ay gusto ko rin ihanda ang sarili ko... pati na rin si Kevin. "Ang totoo niyan hija, masakit man ito para sa akin pero hanggang dalawang buwan na lang ang itatagal mo..."
Hindi ko na napigilang umiyak sa sinabi niya. Napahagulgol ako nang malakas dahil sa masamang balita na sinabi sa akin ni tito. I never fear death since I was a child because of my condition. Kahit kailan, hindi ako natakot mamatay. Mas maigi pa ng ana mamatay na agada ko para wala na silang isipin. Ganoon ang mindset ko pero nagbago 'yon nang dumating na si Kevin sa buhay ko.
Hindi ko akalain na hihilingin ko sa itaas na sana mabuhay pa ako pero mukhang hanggang dito na lang talaga ako.
Pinunasan ko ang luha ko. "P-Pwede bang h-huwag mo sabihin kay Kevin ang tungkol dito?"
"Pero Miki—"Please Tito, ayokong masaktan si Kevin. Ayokong... makita siyang umiiyak at nahihirapan nang dahil sa akin..."
Huminga ng malalim si Tito Malvin sa akin at saka tumango. Alam kong mapapagkatiwalaan ko si tito pagdating sa bagay na ito. Alam niya kung gaano kaimportante sa buhay ko si Kevin. I didn't want to see him crying. Hangga't maaari ay gusto kong makita siyang masaya hanggang sa kahuli-hulihang hantungan ko.
"Kung iyan ang gusto mo ay pagbibigyan kita. Pero pinapaalala ko lang, hindi ko alam kung magagawa kong itago iyon sa kanya ng matagal. He loves you, Miki. Hindi madali sa akin ang magsinungaling sa kanya pero gagawin ko dahil iyon ang gusto mo."
"Thank you, Tito Malvin."
End of flashback
"Are you okay love? Namumutla ka." Umiling ako sa kanya at madaling hinalikan siya sa pisngi. "I'm fine."
"Are you sure?" Tumango-tango ako sa kanya. Pasimple akong tumingin sa kalendaryo at nakita ang nakabilog sa numero na ngayon ang petsa. Napangiti ako ng mapait. Isang buwan na lang ang natitira sa akin at habang tumatagal ay palala ng palala ang kagustuhan kong mabuhay pero katulad nga ng pinag-usapan namin ni tito, hindi na nagreresponde ang katawan ko sa gamot kahit ano pang gawin ko.
"Kevin," tawag ko sa kanya. Abala siya sa paghanda ng pagkain ko dahil oras na para kumain ako at uminom nan ang gamot.
Lumingon siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi maluha habang iniisip na hindi ko na muling mahahagkan ang lalaking nasa harap ko. Ang lalaking mahal na mahal ko.
"Mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
The Bucket List
General Fiction"Ayoko na mabuhay sa mundong 'to. Bakit ko pa papatagalin ang buhay ko kung alam ko naman na mamatay lang din ako?" - Aricia Miki Scott