Prologue

4.7K 72 16
                                    

PROLOGUE

Thobias Christian Gutierrez


“Santino! Nasaan ang diaper na pinabibili ko sa'yo sa grocery? Bakit puro kalamansi ito?”

Bumalik ako kay Mama at tiningnan ang hawak niyang isang kilong kalamansi.

I frowned. “Sabi kasi ni—Sevirino!” sigaw ko at hinanap ang hinayupak. “Ma, si Sevi kasi ang sabi dayap. Nagtanong pa nga ako sa grocery store kung ano 'yon,” paliwanag ko.

“Ano ba kayong dalawa?! Hindi ba talaga kayo titigil sa kalokohan niyo? Ano ngayon ang ipapagamit ko sa kambal? Pag-uuntugin ko na talaga kayo.”

Napabuntonghininga ako sa inis. Ako pa talaga ang napagalitan. Nautusan lang naman ako dito. Nasaan na ba kasi ang bwisit na 'yon?!

“Sevirino! Bumaba ka nga dito!” Halos lumabas na ang litid ni Mama sa pagsigaw. Pero wala pa ring Sevi na lumalabas.

“Ma, baka nagbibingi-bingihan na naman 'yon,” sulsol ko habang tawang-tawa na sa isip ko. Kailangan kong bumawi. Hindi 'yong palaging ako na lang ang pinapagalitan.

“Sevirino! Huwag mong hintayin na ako ang umakyat diyan. Ibabalik talaga kita sa Nanay mo. Makikita mo!”

“Yes, love?! Nasa cr kasi ako kanina. May problema ba?”

Tumingala ako at nakita si Sevi na halos madapa na sa pagbaba ng hagdan. Mas lalo akong natawa nang makita ang itsura niya. Namumutla na yata siya sa takot. Deserve!

Umalis ako sa kinatatayuan ko at nagtungo sa sala. Sinalubong ko siya.

“Ano ba kasing sinabi mo?” mahinang tanong ni Sevi nang magkaharap na kami.

“Back to you...” pang-aasar ko na tawang-tawa pa rin sa kan'ya.

“Santi! Bumubulong ka pa talaga diyan. Bantayan mo mga kapatid mo sa itaas.”

Mabilis kong tinikom ang bibig ko at tumakbo sa hagdan. Simula nang manganak si Mama at magpakasal sila ni Sevi wala nang katahimikan dito sa bahay. Hindi naman sa nagrereklamo ako, hindi lang ako sanay na ganito kami.

Nasanay kasi ako na kami lang dalawa ni Mama at si Manang Linda. Andito rin naman palagi si Sevi pero hindi kami ganito kagulo. Pero kahit ganoon, gusto ko pa rin ang mga nangyayari.

Masaya si Mama at Sevi kaya masaya na rin ako para sa kanila.

Nagtungo ako sa kwarto nila Mama at Sevi para puntahan ang kambal. May sariling kwarto na naman sila pero dahil maliliit pa kaya sa kwarto na muna nila ito pinapatulog.

Pagpasok ng kwarto, bumungad agad sa akin ang family picture namin na kinuhaan noong kasal nila. Nasa itaas iyon ng headboard ng kama nila. Mayroon din ako niyan sa kwarto ko at pareho ang pinagkalalagyan.

Nakangiti kong tiningnan isa-isa ang mga nasa litrato.

I was there of course. Nasa gitna namin si Mama. Kalong ko si Dos habang kalong naman ni Sevi si Uno.

Masaya ako na kahit papaano unti-unti nang nabubuo ang pamilya namin na matagal kong pinangarap. At dahil iyon kay Sevi. He gave what my mother deserved. A complete family.

Sevi completes our family.

Pagkatapos kong tingnan ang litrato pinuntahan ko ang kambal sa kanilang crib. Mahimbing pa rin silang natutulog.

Bilib na talaga ako sa pagiging huwarang ama ni Sevi. Napatulog niya ang kambal nang mag-isa. Gising kasi ang mga ito kanina pag-alis ko.

“Tang ina ka, Santi! Anong gagawin mo sa dayap? Sabi ko sa'yo kanina diaper.” Nagulat ako nang hagisan niya pa ako ng unan.

SantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon