JEMA's POV'
Kanina pako naiinis dahil kahit saan ako pumunta ay ayaw akong tigilan ng Wong na to.
Habang hinihiwalay ko ang mga bulok na prutas ay naramdaman kona naman ang paglapit nito sa'kin.
Hindi ba talaga ako titigilan ng lalaking to.
Nakakairita na siya arghhh.
Uhm, di kapa ba napapagod? Tanong nito sa'kin
Lord onting pasensya pa po please..
Hinarap ko siya ng may halong inis.
Eh ikaw? Hindi kaba napapagod kaka-sunod sa'kin? Sarkastiko kong sabi dito
Napansin ko namang napa ngiwi ito.
Sungit. Rinig kong bulong nito.
Anong sabi mo? Tanong ko sa kanya
Umiling lang ito sa'kin at tipid na ngumiti.
Sabi ko aalis nako. Sabi pa nito
Tumango lang ako dito at itinuon na lang ang sarili sa pag tatrabaho.
Patuloy lang akong nag tatrabaho ng tawagin ako ni Ate Den.
Jema. Tawag nito sa akin
Tinigil ko naman saglit ang ginagawa ko at hinarap si Ate Den.
Bakit, Ate Den? Tanong ko sa kanya
Bago ito magsalita ay tiningnan muna nito saglit ang plastic bag na dala ko.
Marami na pala yan, tara daw muna sa kubo pahinga daw muna tayo. Sabi naman nito sa'kin
Sige Ate Den, susunod na lang ako don tapusin kona muna to onti na lang naman eh. Sabi ko naman sa kanya
Tumango lang naman ito sa'kin at nagpaalam ng umalis.
Nang makaalis si Ate Den, ay pinagpatuloy kona ang ginagawa ko.
Ilang minuto din ang lumipas ay natapos nako.
Nang matapos na ako ay pumunta narin ako agad sa kubo kung nasa saan sila.
Pagkarating ko doon ay napansin kong may mga nakahain ng pagkain.
Tanghali na pala..
Oh Jema, nanjan kana pala eh. Pag pansin sa'kin ni Jho
Tipid naman akong ngumiti dito at tumango.
Nakatapos kana? Tanong naman ni Ate Den sa'kin.
Kumuha muna ako ng tubig bago ko ito sagutin.
Oo Ate Den, tinapos kona ung banda doon sa dulo para naman dito na lang tayo sa bungad mamaya. Sagot ko naman dito
Napangiti naman ito at tumango tango na lang.
Sipag mo naman pala mareng Jema eh. Pagbibiro naman ni Kuya Alex sa'kin
Tipid din namang natawa ang mga kasama namin dito.
Konti na lang din naman kasi yon Kuya Alex. Sabi ko naman sa kanya
Oh, tara kain na. Sabi naman ni Tots
Naupo na kami at kanya kanyang kuha na ng pagkain.
YOU ARE READING
Unexpected You
Fanfictiongawong story. kaya mo bang gawin ang lahat para sa taong mahal mo??