Sa isang madilim na silid, mayroong isang lalaking nakatingin sa litrato ng isang babae, hindi maiwasan sa kanyang mga mata ang mga matinding pagtingin sa litrato nito. Mapapansin ang nakalagay sa kanyang ID na may pangalang Mark Gonzales, ikatlong-baitang sa highschool, isang mag-aaral sa Unibesidad ng Pilipinas... Siya'y umiiyak, umiiyak ng umiiyak at nagsalita ang binata..
"Mahal kita..."
"Mahal na mahal kita....."
"Hanggang dito na nga lang ba?
"Mga salita nakaimbak sa utak ko."
"Hanggang dito na nga lang ba ito?"
"Pagmamahal na nasa isip at walang ginagawang pagbabago?
"Maiihahatid ko kaya ang nararamdaman ng aking puso?"
"Pusong tumitibok lamang ng dahil sa iyo?"
"Masakit man aminin na hindi ako ang gusto mo at mayroon ka ng gusto na iba."
"Ang nais ko lamang ay makarating ang pagmamahal ko sa iyo."
Makakarating kaya ang pagibig ni Mark para sa kanyang minamahal?
Sino nga ba si Mark at sino nga ba ang taong minamahal niya?
Abangan sa susunod na mga Chapters :)