"Gaga ka totoo?" Nanlalaking matang tanong ni Ellice isa sa mga kaibigan ko mula pa noong high school.
"Ewan nasabi lang ni Jenny sa'kin noong isang araw" kibit balikat naman na sabi ni Peter. binabae naman na kaibigan ko.
"Bakla ka, dapat sumagap kapa! Ang hina ng net ah!" Pagdadada pa ni Ellice na akala mo napaka big deal nung pinag-uusapan nila.
"Eh sa mahina ang connection. tsaka narinig nya lang din daw teka ang tagal ng babaitang yun ah. siya itong maraming nasagap eh" Peter said
"Ayan na sya oh! Bakla ka talaga"
"Hi everybadeyyyyyy" tamo 'to akala mo tambay lang eh.
"Hoy babae halika dito at ng makasagap ako ng chika tungkol sa love life ng isa dyan na kanina pa tahimik" ani Ellice na pinariringgan nanaman ako. Inirapan ko ito tsaka umayos ng upo.
"Tse! Akala mo hindi ko alam 'yang big dark secret mo huh! don't me marami akong mata" ani ko naman na ikinatahimik nya. basta talaga tungkol sa sikreto nya ay natatahimik sya.
"Hoy! anong secret 'yan huh!?" Pag sapaw ni Peter na mahilig sa chissmiss.
Si Jenny naman ay may kinukulikot sa kanyang cellphone at may kinakausap. Maya Maya pa ay tinago nito ang cellphone nya sa bag tsaka nagsalita.
"Anong latest sa buhay nyo?" Casual na tanong nito bago humigop sa kapeng inorder nya.
"Wala namang latest sa—"
"Hoy! Anong wala eh yung love life mo nga ang pinag-uusapan kanina" pagputol ni Peter sa'kin.
"Anong love life pinagsasabi mo nanaman pedro?" Aniko dito tsaka sya tinaasan ng kilay.
"Gaga si ano. Tsaka wag mo nga akong tawaging pedro, kadiri" sabi nito tsaka ako nandidiring inirapan.
Baklang tohh!!
Nag chikahan at nag kwentuhan pa kaming apat kahit na puro naman tungkol sa'kin or should I say sa LOVE LIFE ko kuno ang topic. Tsk. Ako talaga ang gustong gustong topic nang mga ito kahit kailan.
Nagkayayaan din kaming mag bar na apat kaya heto kami at puro sigawan na dahil sa lakas ng tugtog. Lasing nadin itong tatlo pero todo sayaw at lagok pa rin ng alak. Jusko mukang mag-uuwi ako nang tatlong pasaway na lasing.
"Stop that Ell. Lasing kana" ang hirap talaga sawayin kahit kailan. Kanina pa akong nakikipag-agawan sa iniinom nitong alak na ayaw nyang bitawan dahil hindi pa daw sya lasing. Yung dalawa naman ayun at bagsak na tulog na tulog.
Paano na'to lord. Send help please ang bibigat at papasaway pa naman ng mga kaibigan ko.
Dahan dahan kong iniangat at inakay si Jenny bago naglakad palabas ng bar. Agad kong ini-unlock ang sasakyan ko tsaka ito pabagsak na isinakay sa likod. Hayy! Two more to go. Binalikan ko 'yong dalawa sa loob at nakitang bagsak na din pati si Ellice. Ganon din ang ginawa ko dito hanggang sa maisakay ito sa sasakyan.
Naglalakad ulit ako papasok sa bar ng mabunggo ako sa isang lalaki na mukang lasing na base sa postura nito. Nag sorry nalang ako pero yung lalaki ay mukang Hindi ako narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nang makabalik ako sa pwesto namin kanina ay nakita kong wala na si Peter sa kaninang inuupuan nito kaya inilibot ko ang paningin ko. Nakita ko ito sa may bandang dance floor at may kasayaw na lalaki. Punyemas talaga itong baklang toh! Nagawa pang lumandi sa lagay nya.
Dali ko itong nilapitan at hinigit na ikinagulat nya. Hinampas pa ako neto dahil daw sinira ko ang moment nila ng future hubby nya.
Nyeta so kasalanan ko? Pagkarating sa tapat ng sasakyan ko ay kaagad ko itong pinasok sa likod at isiniksik sa tabi ng dalawa. Rinig ko pa ang reklamo ng mga ito ng maisara ko na ang pintuan ng kotse.
Akmang sasakay na ako sa drivers seat ay nahagip ng paningin ko yung lalaking nakabanggaan ko kanina na nakahiga sa tapat ng isang BMW mukang nakatulog ito. Naglakad ako palapit dito at doon ko lang na realize kung sino ito. Kaya pala...... Kaya pala muka syang pamilyar kanina. Kahit labag sa kalooban ko ay itinayo ko ito at inakay papasok sa passengers seat tsaka ako naglakad paikot sa drivers seat.
Sa daan ay panay ungot at reklamo ang naririnig ko sa tatlong kaibigan ko sa likuran. Kesyo masikip daw, kesyo ang babaho nila. Jusko bakit sa mayron akong kaibigang puro kagagahan? Ito namang isa ay kanina pa din bumubulong bulong tsaka sisigaw Kaya panay din ang reklamo ng tatlo dito.
"MAHAL NGA KASI KITA!!" Malakas na sigaw nito Kaya naman nagumpisa nanaman ang ingay ng tatlo. Ano ba naman toh.
"Kyung mahalsh mo tsalagash buntsishin mosh" bulol bulol at halos Hindi na maintindihang sabi ni Peter Kaya ang loko ay ngumisi.
"Tsama tshama, pagshuwi kosh byuntyishin ko sya" ano ba naman Tong pinagsasabi ng mga toh. Kung mahal mo mahal mo lang wala kaming pake. Ewan at kung kanina ay inis na ako ay mas naiinis pa ako ngayon.
Mahal nya pala eh. Tangina sya mabayagan sana sya habang naglalakad.
Na tahimik nalang silang lahat at mukang tulog na. Sakto naman na na nakarating na kami sa condo ko. Nagpatulong na din ako sa dalawang guard na nagbabantay para dahil itong mga toh sa taas. Nang maiakyat na ang tatlo ay ako na ang nag presintang magaakyat kay basta dahil Kaya ko naman.
"Sigurado ka ma'am Kaya mona?" Pag ulit pa na tanong ni kuyang guard.
"Opo kuya Kaya ko na 'to. Salamat po ulit" sabi ko at nginitian ang mga ito bago sumakay ng elevator. Pagkarating sa tapat ng room ko ay pahirapan pati ang pagpapapasok dito sa loob dahil gusto nya na daw matulog.
"Ano ba! Dyan ka matulog Hindi dun sa labas" inis na ani ko tsaka sya padarag na binitawan sa may sofa. Iniwan ko muna ito saglit tsaka kumuha ng kumot at unan. Pagbalik ko dito ay ayos na syang nakahiga at mukang tulog na tulog na. Tinanggal ko muna ang sapatos nito bago sya kumutan.
Nadako ang tingin ko sa muka nitong akala mo napaka inosente kung tignan. Nako kung Hindi ko lang siguro kilala ito ay naloko na ako ng mala anghel nya na muka.
Gwapo pero manloloko.
Ekis.
Akmang tatayo na Sana ako ay bigla ako nitong hinigit at niyakap na halos Hindi na ako makahinga.
"Ano ba bitaw bilis Hindi na ako makahinga" reklamo ko habang pilit na inilalayo ang sarili dito. Pero imbis na sundin ang sinabi ko ay nagsalita ito.
"I love you my........ Leyley"
----------
©𝐅 𝐋 𝐎 𝐖 𝐄 𝐑 𝐘 𝐆 𝐔 𝐈 𝐓 𝐀 𝐑