Alexa

369 8 7
                                    

Girl's Point of View

Ito na.

Hawak-hawak ko ngayon ang bulaklak at naglalakad papuntang altar. Suot ang puti at mahaba kong gown. Nagkatinginan tayo. At una kong napansin sayo ay ang masayang mukha mo. Ang ngiti mo.

Kaya napangiti na rin ako. Lalo na nung magtama yung mga mata natin.

Dahan-dahan akong naglakad - hindi iniaalis ang tingin ko sayo.

Saka ako lumiko para umupo.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at doon tumulo ang luha ko.

Ikakasal ka na.

Lumingon ako para tignan ang bride. Ang ganda niya talaga. At mula dito sa pwesto ko, nakita ko kung paano mo tignan ang mapapangasawa mo. Kitang-kita ang kislap ng mga mata mo.

Diba minsan mo na rin akong tinignan ng ganyan?

Iniabot mo na ang kamay niya. Nagngitian kayo at sabay na naglakad papunta sa altar.

Ito na.

Ito na ang pinakahihintay mo sa lahat. Kasi nga diba, gustong-gusto mong magpakasal? Gustong-gusto mong magkaroon ng sariling pamilya.

At ito. Nangyari na. Mangyayari na.

Sana maging masaya ka.

Napayuko ako at kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan pero sa bawat punas ko, may pumapatak na naman.

Kasi masakit. Sobrang sakit.

Sana pwede ko pang ibalik ang panahon. Sana ang buhay parang CD tape na kapag may gusto kang balikang alaala, pipindutin mo lang ang backward button ng remote at pwede mo na uli siyang balikan. Sana nga.

Napapikit ako at kasabay nun, naalala ko kung paano tayo nagsimula. Bilang magkaibigan. Ganoon naman, hindi ba?

Highschool. Dumating ka sa pinakamalungkot na kabanata ng buhay ko. Yun yung mga panahong namatay yung papa ko. Ikaw lang ang laging nasa tabi ko. Binigyan mo ng liwanag ang madilim na parte ng pagkatao ko.

Hanggang sa naging bestfriends tayo.

Bestfriends hanggang sa naging crush kita. At sa bawat araw na magkasama tayo, natutunan kitang mahalin. Mahalin sa paraang hindi lang basta bilang bestfriend.

Mas mahigit pa doon.

Isang beses nag-away tayo dahil doon sa nalaman kong may nililigawan ka na. At nasabi ko ang mga salitang hindi ko dapat sinabi. Dalawang salitang maaaring sumira sa pagkakaibigan natin.

Mahal kita.

Simula sa araw na yun, nagkailangan tayo. Hindi na tayo masyadong nagpapansinan. At dumating ang araw na hindi ko kailanma'y inaasahan.

Sinabi mo saking mahal mo rin ako.

Alam mo bang abot langit ang saya ko nun? Lalo na nung umabot ng dalawang taon ang relasyon natin. Hanggang sa naging college tayo. Nangako tayo sa isa't isa na walang magbabago.

Masaya naman ako dahil kahit masyado tayong busy, binibigyan pa rin natin ng oras ang isa't isa. Siguro nga kung kailan maayos ang lahat, saka may isang taong kailangang magpaalam.

Kailangan naming mag migrate ng Canada.

Limang taon.

At hindi ko makakalimutan ang mga huling salitang simabi mo sakin.

"Mahal na mahal kita. Maghihintay ako."

Kaya umasa ako. Umasa akong may babalikan pa ako. Wala tayong komunikasyon sa loob ng limang taon na yun. Ginawa kitang inspirasyon sa lahat ng bagay.

I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon