Alex

280 10 5
                                    

Boy's Point of View

Ito na.

Nakatayo ako ngayon at pinapakinggan ang malalakas na huni ng mga ibon na nagsisilbing musika. Nagsisimula na ang seremonya at suot ko ngayon ang maitim kong tuxedo. Inilagay ko sa bulsa yung mga kamay ko at pag-angat ko ng ulo, nagkatinginan tayo. At una kong napansin sayo ay ang nakangiting mukha mo. Ang saya ng mga mata mo.

Kaya napangiti na rin ako. Lalo na nung magtama yung mga mata natin.

Dahan-dahan lang ang paglalakad mo. Na para bang minsan lang ito mangyayari sa buhay mo. At sa oras na ito, hiniling ko na sana umabot ang mga paa mo dito sa kinatatayuan ko.

Na sana may pag-asa pa ang pag-ikot ng mundo natin.

Sinundan kita ng tingin hanggang sa makaupo ka na at nakita ko ang ngiti mo. Mukhang masaya ka na. Mukhang tanggap mo na ring...

Ikakasal na ako.

Tumunog ang kampana at napatingin lahat ng tao sa simbahan kay Cheska.....pati ikaw.

Si Cheska.

Ang babaeng papakasalan ko.

Bago ko pa man kinuha ang kamay niya, napatingin ako sayo. Naisip ko kung ano ang tingin mo sa kasal ko. Pero ayun, nakayuko ka lang at mukhang malayo ang isip.

At kasabay ng pagkuha ko sa kamay niya at pagharap namin sa altar, nasabi ko na lang sa sarili ko na....

Ito na.

At oo, masaya ako. Sobrang saya ko. Napatingin ako kay Cheska saka siya nginitian. Sa mga ngiti niyang binigay sakin, alam kong magiging masaya ako sa kanya.

Hindi ko maiwasang isipin pero.... Paano kaya kung...

Ikaw ang kasama ko dito?

Sana ang pag-ibig ay parang switch. Pwede mong kontrolin kung kailan ka mahuhulog sa isang tao at kung kailan ka masasaktan. Simpleng pipindutin mo lang ang off at mawawala na lahat ng sakit.... at mapipigilan mo lahat ang feelings mo. Pipindutin mo lang ang on.. atsaka doon, pwede ka ng magmahal ulit at babalik na lahat sa dati. Sana nga.

Kasi kung ganoon, siguro nagkaroon pa tayo ng pag-asa.

Makokontrol ko pa ang nararamdaman ko kay Cheska.

Makokontrol ko pa lahat ng sakit na tiniis ko sa paghihintay sayo.

Habang tinitignan ko si Cheska, naaalala kita. Siguro kasi minsan ko na ring naisip na ikaw ang makakasama ko rito sa altar. Hindi pala minsan. Araw-araw. Kasi sabay tayong bumuo ng mga plano noon hanggang sa...eto... nasanay na ako na ikaw lagi ang iniisip kong makakasama ko sa hinaharap ko. Ganoon naman, hindi ba?

Highschool. Natatandaan ko, naging magkaibigan tayo simula nung makita kitang umiiyak sa may covered walk ng school. Una kong tingin sayo, crush na agad kita. Cute mo kasi eh. Pero crush lang yun na.... nacucute-an lang. Akala ko nga hanggang doon lang yun e.

Hanggang sa naging bestfriends tayo.

Bestfriend na crush. Pero sa bawat araw na lagi kitang nakikitang nakangiti, natutunan kitang mahalin. Mahalin sa paraang hindi lang basta bilang bestfriend, o kaya crush.

Mas mahigit pa doon.

Isang beses nag-away tayo dahil doon sa sinabi ko sayong may liligawan ako. At sa pag-aaway na yun, nasabi mo ang mga salitang hindi ko inaasahan. Dalawang salitang lubos na nagpasaya sakin.

Mahal kita.

Akala ko may magbabago. Pero wala. Hindi mo na ako pinapansin. Pero alam mo ba, hindi ka nawala sa isip ko nun? At dumating ang araw, hindi na ako nakatiis na sa bawat araw na nagkikita tayo, iniiwasan mo ako. Kaya...

I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon