09

468 25 1
                                    

Ilang araw na ang lumipas at ngayong araw ko na balak sagutin si Teron. Ngayon din ang araw ng graduation ko, makikita ko naman siya mamaya dahil isa siya sa mga bisita.

"Anak, salamat ha!" Niyakap ako ni mama. Nandito pa kami sa dorm dahil inaayusan pa ako.

"Naku ma wala 'yon." Sabi ko at pinigilan ang luha. Nagmamake-up ako.

Simple lang ang ginawa kong pag-aayos, hindi naman kasi ako nagmamake-up. Kinulot ko ang buhok ko gamit ang hair curler, ganon din ako ginawa ko kay mama. Inayusan ko din ng kaunti.

Pagkatapos mag-ayos ay sinuot ko na ang white spaghetti dress ko at ang blue kong toga. Kasama ko ang pamilya ko papuntang school.

"Ate lalakarin lang natin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fritzy.

"Ayan lang oh!" Turo ko sa malaking building.

Hindi naman nagtagal ay dumating na kami, madami na din ang tao.

Nagsimula ang programa sa pambungad na panalangin at pagkanta ng pambansang awit. Nakita ko na rin si Teron sa stage, nakaupo silang tatlo nila Boss Sky at iba pang bisita. Mamaya pa kami tatawagin dahil sa kalagitnaan pa ang kurso namin.

Nagpaypay lang ako dahil maiinit, hindi naman boring dahil nag-uusap din kami ng mga katabi ko.

"Teh bakit ampogi nung mga bisita?" Natatawang sabi ng katabi ko.

"Oo nga!" Rinig kong sabi nung isa. May mga itsura naman talaga ang mga bisita eh lalo na ang baby ko. Charot!

Hindi nagtagal ay tinawag na kami para pumila. This is it. Eto na ang pinakahihintay ko sa buhay ko.

Nagsimula ng tawagin ang mga nasa pila namin. Kinakabahan naman ako habang katabi si mama.

"ALFORD, DANICA A. - CUM LAUDE with an average of 92%" Sabi ng host. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Teron mula sa hagdan ng stage. Kinakabahan talaga ako dahil ako na ang susunod.

"ALCARAZ, FRANCINE BEATRIEZ. - SUMMA CUM LAUDE with an average of 97%" Sabi ng host kaya umakyat na kami. Nakangiti naman sila boss sa amin pati si Teron. Nakipagkamay kami sakanila.

"Congrats baby." Bulong ni Teron kaya pinandilatan ko siya. Isinabit na sa akin ang medalya ko at nag picture. Bumaba na rin kami pagkatapos.

Apat na oras rin ang itinagal ng programa. Hindi pa kami umuwi para makapag picture. Nagulat ako ng lumapit si Teron sa akin. May dalang boquet ng bulaklak.

"Congrats my love." Bulong nito sa akin at niyakap ako.

"Anak! Teron picture kayo dali!" Sabi ni mama at pinicturan kami gamit ang instax ni Fritzy.

Hinawakan ako sa beywang ni Teron at humarap sa camera. Pagkatapos ay sinabi ko na ang kanina ko pa gustong sabihin.

"Teron." Tawag ko sakaniya.

"Yes baby?" Sagot nito habang tinitingnan ang picture namin na naka polaroid.

"Sinasagot na kita." Sabi ko na nagpahinto sakaniya sa ginawa. Hindi siya makapaniwala at niyakap ako.

"Really?" Masayang sabi niya at nakita ko naman na tumutulo ang luha nito.

"Hoy! Bakit ka naman umiiyak?" Sabi ko at hinampas siya.

"It was tears of joy love! Thankyou so much. I will always love you." Sabi nito at niyakap ako. Agaw pansin naman kami dahil may iilan pang tao. Nakatingin sa amin.

"Okay panindigan mo." Sabi ko at hinatak na siya. Kakain kami ngayon sa labas.

"Tita, i've already made a reservation in a restaurant." Sabi ni Teron kay mama.

"Huh? Baka mahal diyan anak." Reklamo ni mama.

"Treat ko po." Nakangiti si Teron habang sinasabi ito. Kapag talaga nagkaroon na ako ng permanenteng trabaho, hindi ko na hahayaang si Teron ang laging magbabayad.

Hindi na nakapagsalita si mama ng hatakin na din siya ni Teron. Sabay sabay kaming pumasok sa van na dala niya. Ang yaman talaga!

"Okay lang ba na sumakay kami anak?" Tanong sa akin ni mama.

"Yes mama, wag kang mahiya." Sabi ko at tumawa.

Pumunta kami sa restaurant na alam ni Teron at sabay sabay kumain. Ang ganda dahil malinis at maaliwalas ang kainan. Ihinatid namin sila mama pauwi pagkatapos.

"Love." Tawag sa akin ni Teron nang pauwi na kami.

"Yes?" Sagot ko at ngumiti.

"Saan mo gusto tumira?" Tanong niya.

"Hmmm, kahit saan ah basta may bahay." Sabi ko.

"I mean don't you have a dream place to live?" Tanong niyang muli.

"Meron naman, sa Canada. Pangarap ko na 'yon simula highschool palang ako." Pagkwe-kwento ko.

"Okay." Sabi niya.

"Tska Teron, kapag nagkaroon na ako ng trabaho ay hindi na kita papayagan sa "My treat" mo. Masyado na akong nagiging pabigat. Gusto ko sana kung sakaling may bibilhin tayo ay maghahati tayo sa lahat ng gastusin." Sabi ko.

"Never ka naging pabigat Chin. If that's what you want then okay. Kung gusto mong hati tayo palagi sa budget okay. Pero don't ever think again na naging pabigat ka sa akin Chin, i don't even care even if i buy your napkin." Sabi nito.

"Gago!" Sigaw ko sakaniya at tumawa kami pareho.

A/N : ANO NA KAYA ANG SUNOD??

ADMIRES HER PRESENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon