Chapter 2

18 1 0
                                    

*Brix POV*

Pagtapos ng praktis namin ng basketball para sa semi-finals dumiretso kagad ako sa klase ko. Pagdating ko sa tapat ng room nakita kong nasa loob na yung prof. namin. Dating gawi dumaan ako sa likod ng room namin dahan dahan akong naglakad buti na lang sa may bandang likod ako nakaupo.

Oh? Nandiyan ka na pala Mr. Brix.

Ano ba yan nakita pa ako ng matandang ito badtrip naman. -.-

Ah hehehehe. Badtrip talaga

Where have you been? mataray na tanong ni prof.

Nagpraktis po ng basketball para sa semi-finals

I don't care! ang ayoko sa lahat ay yung inuuna ang ibang bagay kaysa sa subject ko! At dahil diyan Mr. Brix. GET OUT! sigaw ni tanda

Hahahaha ayos yun wala akong first class makakapagpahinga ako ng 1 hour XD.

GET OUT NOW!

Yes sir! sigaw ko din sabay salute hahahaha

Kahit masaya ako dahil wala akong first class ngayon nababadtrip pa rin ako. Badtrip yung baklang prof na yun. Kung sigawan ako tagos to the bone di ba niya naaprecciate itong kagwapuhan ko.

Pero mas ayos na yun baka mamaya kung ano pa gawin nun sakin. Hays(bumuntong hininga) nakakapagod makapunta nga muna sa clinic makikitulog muna ako.

*Jane's POV*

Kanina pa nagdidiscuss yung prof. namin pero wala talagang pumapasok sa isip ko. -.- Badtrip naman kasi ngayon pa sumabay itong ulo kong ito di tuloy ako makapagconcentrate.
Aw! Ang sakit ano ba yan! Shetaks na buhay ito baka bumagsak ako sa quiz. Wrong timing :(

Hoy! Jane! tawag ni tintin

Ano?! mahina kong tanong

Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala at tahimik.Eh hindi ka naman ganyan.

Ang sakit kasi ng ulo ko

Ano ba yan. Kung kailan may quiz tsaka pa sumakit yang ulo mo. Paano na yan wala akong makokopyahan.

Badtrip din itong babaeng ito nasakit na nga ulo ko mas inuna pa yung napakababaw niyang problema. Pasalamat nga siya pinapakopya ko siya eh kung di ko lang talaga bestfriend itong babae na ito kanina ko pa ito nasabunutan -.-

Ok class I will give you 15 minutes para magreview para sa quiz. Tandaan niyo this is 30 percent of your grade kaya kailangan niyong ayusin. Your time starts now! sabi ni sir

Pinilit ko yung sarili kong magreview kahit hirapan ako pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Para bang lahat ng binabasa ko ay nagiging isang kasangkapan feeling ko kasi nilulugaw yung utak ko. 15 minutes past OMG wala pa rin pumasok sa utak ko! Bahala na si batman.

Fast Forward ====>>>

Sa wakas natapos na din. Buti na lang nakapasa kami ni tintin.

Buti na lang talaga nakapasa ako.

Oo, nakapasa ka ng dahil sa pangongopya.

Ano ka ba wag kang maingay baka may makarinig.

Pake ko! mataray kong sagot

Paglabas namin ng room sumalubong kagad ang punyetang init ng panuhan lalo tuloy sumakit ulo ko. Habang naglalakad kami pasakit ng pasakit ulo ko. Sobrang sakit nahihilo ako tapos yung paningin ko nagbublur na. Dahil sa sobrang sakit bigla akong napatigil sa paglalakad di ko na kaya feeling ko anytime babagsak na ako.

Bat ka tumigil jane? Ayos ka lang ba? Dalhin na kaya kita sa clinic. Mabuti pa nga baka mamaya bigla ka nalang mawalan ng malay eh.

Ano ka ba ayos lang ako tara na nga. pagaakit ko

Sigurado ka ba?

Oo wag ka ng makulit!

Magsisimula na sana ulit akong maglakad kaso bigla na lang nagdilim yung paningin ko and the last thing I knew ay nawalan na ako ng malay.

To be continued..

Hi readers JustVince-JV here thank you po sa mga nagbabasa at nagtitiyaga sa mga boring kong chapter XD. But i hope you like this. At kahit po wala masyadong nagbabasa dito eh itutuloy ko pa rin po ito para naman po maexperience ko na makagawa ng isang complete story. Pero sana naman po umabot yung reads ng story kong ito kahit 100+ lang masaya na po ako sa ganang kadaming reads because I was only a beginner. And sana po patuloy niyo ding basahin ang dalwa ko pang story. Yung WHAT IS LOVE? at NERD TRANSFORMATION. THANK YOU PO ULI :).

PUWEDE PO KAYONG MAGCOMMENT NG REACTION NIYO. YOU CAN ALSO VOTE AND YOU ARE FREE TO RECOMMEND THIS STORY TO OTHERS. AND ALSO SUGGEST SOME IDEAS PARA SA MGA NEXT CHAPTER. LASTLY I  AM WILLING TO DEDICATE MY NEXT CHAPTER KUNG SINO MAN ANG MAY GUSTONG MAGPADEDICATE JUST COMMENT YOUR WATTPAD ACCOUNT NAME.

THANK YOU AGAIN AND PASENSIYA NA SA NAPAKAHABA AT MALA- MMK KONG AUTHORS NOTE. ABANGAN NIYO PO NEXT UPDATE KO :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Nakalimutang Ala-ala"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon