Chapter 1

2.4K 54 4
                                    

"Hi, pwede ulit sumabay?" humabol sakin 'yung babaeng tumabi sa'kin kanina.

She's a bit clingy but I don't know why I don't find her annoying kaya tumango na lang ulit ako sakanya. Lunchtime na at badtrip na badtrip ako sa natirang dalawang subject namin. E paano kasi, naka perfect na nga ako ulit sa quiz namin sa Oral Communication kaso naka perfect din siya. Naiinis ako tuwing ngumingiti siya sa mga papuri nila.

"You look pissed," sabi ni Courtney, 'yan ang narinig ko kanina pag introduce niya.

"I am."

She just chuckled. "Gusto mo ice cream tayo after lunch? Pampalamig lang ng ulo."

She looked hopeful as she stares at me. Ayoko naman sirain ang araw niya porket sira na ang araw ko kaya tumango nalang ulit ako. Iyon nga ang ginawa namin kumain kami sa canteen. Tahimik lang kaming kumakain, buti nalang hindi siya makulit. Pagkatapos ay bumili kami ng Cornetto sa 7/11 sa tapat ng school. We sat on the benches outside the store while eating our ice creams. Pareho kaming nakasandal at sabay pa ang mga paa namin na umuugoy.

"Ano okay ka na ba?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan namin. Paubos na ang ice cream ko ngunit parang hindi man lang nakain ang sakanya dahil buo pa iyon.

Tumango lang ako sakanya at pinagpatuloy ulit ang pagkain ko sa ice cream ko. Tumawa siya kaya napatingin ako sakanya at nagtataka.

"Ang mahal ng mga salita mo 'no?" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman siya mukhang galit dahil nakangiti siya sa'kin.

"Sorry, I just don't like talking that much," paliwanag ko sakanya.

"Ayos lang uy, ano ka ba. Hindi naman kita pinipilit sinasabi ko lang kasi napakatahimik mo. Kanina lang ay nakipag kulitan ka pa kay Yuan. Manliligaw mo ba 'yon?" ang haba naman ng mga sinasabi niya samantalang nalulusaw na 'yung ice cream niya hindi niya man lang nilantakan.

"Hindi. Loko loko lang talaga 'yun at ako ang paboritong tripan palagi."

"Sa tingin ko hindi," sabi niya at napatingin ako sakanya. "I think genuine talaga siya. What if gusto ka pala talaga niya? What if pagbigyan mo kaya siya?"

"Pass. Di ko siya type. Ayoko sa maiingay at makukulit."

Hindi na siya nagsalita kaya inubos ko na ang ice cream ko. Pabalik na kami sa classroom ay kakaubos niya palang ng ice cream niya. Agad na nagtama ang paningin namin ni Kier pagkapasok ko. Nanlilisik na tingin ang agad kong binato sakanya at nanatili naman siyang walang ekspresyon.

My whole afternoon was stressful. He keeps testing my patience. At alam kong sinasadya niya iyon dahil tuwing recitations ay sumusulyap siya sa akin sandali at ngingisi pagkatapos. Asar na asar na ako sakanya.

I hate him.

Laking pasasalamat ko nang pagkauwi ko ng bahay ay walang sinabi si Mama. Parang ang gaan pa ng aura niya. Well, someone's in a good mood. Pagkatapos kumain ay dumeretso na ako sa kwarto upang makapagbasa ng advance.

Kunot na kunot ang noo ko habang nagbabasa nang biglang sumagip sa isip ko si Kier. Bumalik na naman ang inis ko. Ang yabang niya. Nakaka asar pa 'yung mukha.

Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog iyon. Courtney sent me a friend request. Agad ko naman iyong in-accept. Kase why not? I'm quite comfortable din naman na sa kanya. I stalked her profile for awhile and noticed she's quite famous. Marami rin siyang mga kaibigan at iba't ibang circles pa. Puro tagged photos lang ang nasa kanyang timeline. I clicked her profile picture at hindi ko napigilan na mapuri ang kanyang ganda. She has natural wavy hair. Maputi, maganda ang hubog ng katawan, palangiti, at magagandang ngipin. She's almost perfect pero napansin ko parang wala siyang boyfriend. Or maybe there is pero pinili lang nilang magpaka lowkey?

Wreck Your WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon