Alli's pov
May nakita akong bakanteng upuan sa dulo kaya doon na ako dumeretso. Hinanap ko sa paligid si Aki at Anya pero wala sila.
"Nasan na mga 'yon? akala ko ba nandito na sila?" bulong ko.
Napansin ko na napatingin sakin 'yung katabi ko na lalaki. Infairness ha, pogi siya.
"Hi!" friendly ko na bati sa kaniya.
"Hello?" sagot niya.
"I'm Alli nga pala" pagpapakilala ko. "Grabe, ang bilis ng panahon noh? SHS na agad tayo HAHAHAHA" sabi ko, pero 'yung mukha niya nanatiling seryoso.
"Napakasersyoso mo naman! Ano name mo?"
"I'm Ethan" pagpapakilala nito.
"Hello Ethan!" masiglang bati ko dito. "Excited na ako sa mga subjects naten. Sana kayanin!"
"Anong subject ang pinaka-inaabangan mo? GenBio saken" natawa siya nang mahina dahil sa sinabi ko. Napatingin din saken 'yung ibang students na nakarinig.
"Huh? may nakakatawa ba?"
"Nothing" sagot niya pero nagpipigil paren ng tawa.
Baliw yata 'to eh. Ayaw ko na siya kausapin kaya nagphone nalang ulit ako.