Casket entry no. 02:
A Tiny Light from A Placid Solstice.
(2/3) Happy birthday, Sharreen.
(2/2) You have probably read Xack’s Draft before proceeding here, like you should.
[TDC] Trigger. Diode. Chimeric.
The following content contains explicitness. It may bring discomfort for anyone who will read it. It may cause triggers as what the warnings imply, read at your own risk. Nevertheless, these contents do not promote unlawful actions.
Everything is intended and has to be done for the building of each character of DIODE. Particularly Xack and Kast in these parts.
These contents are chimeric. It do not display proper procedures in law, medicine, academe, and etc.
[WRITTEN IN PAST TENSE]
[Content Warning : Trigger warning : Abuse and violence]
[Content Warning : R18 : Sex and sensuality]
[Korean : Tagalog]
It started when I was twelve years old. I was so innocent and naive back then, I never thought it would really happen to me. I didn’t know about those things, I wasn’t even aware those really exist.
“Sing hallelujah to the Lord…”
Simple. How I hope that I could just escape and go back to this kind of life, my old life.
“Sing hallelujah, sing hallelujah to the Lord.”
Magkasalikop ang mga palad ko habang kumakanta sa harap ng mga tao kasama ang mga kasamahan ko sa choir. Isa akong sakristan sa isang maliit na chapel dito sa maliit na bayan namin sa Heuksando Island.
Anim na taon pa lang ako nang magsimula akong magsanay upang maging sakristan. Kami ‘yung mga nakaputi na laging nakabuntot sa pari sa loob ng misa. Maliban doon, may kanya-kanya ring mga gawain na naka-toka sa’min. ‘Devoted’ kasi tawag do’n. Sabi ng pari.
Binagsak ko ang skateboard ko bago sakyan iyon at umarangkada na palayo sa simbahan oras na matapos ang misa.
“Ayel, ang uniporme mo!” Rinig kong sigaw ni father.
“Opo!” Sigaw ko pabalik at hinawakan ang laylayan ng uniporme ko “Makikiraan po!” Pasintabi ko kay manong na nagbubuhat ng dayami, muntik ko pa siyang masagasaan, buti na lang at nakaiwas ako kaagad. Ngumiti ako.
“Ikaw talagang bata ka!” Nakita ko pang kumamot ito sa ulo nang lingunin ko.
Ako si Ayel, o pwede rin namang Kast. Bahala kayo. Nakatira ako sa isang maliit na bayan sa Heuksando Island, Sinan County, Jeonnam. Ito lang naman ang pinakamagandang lugar sa buong Korea.