CHAPTER 37

99 8 0
                                    

Angel's "POV"

Nakangiti akong nakatingin sa mga taong nandirito, ang mga babaeng naging asawa ng Datu at ang Ilan sa mga Tauhan nitong tuluyan ng sumuko, pagkatapos kase mamatay ng kanilang Datu kusa na silang sumuko.

"Ang saya natin ngayon ah," Tumabi sa akin si Barry na pareho kong nakatingin din sa mga babaeng nag-iiyakan kasama ang mga mahal nila sa buhay. "Kumusta naman ang kamuntikan ng magkaroon ng asawa?"

Umasim bigla ang mukha ko sa narinig, kahit kailan talaga napaka walang timing ng isang ito.

"Tse!" Inis kong sambit sakaniya natawa naman itong umakbay sa akin pero agad kong pina-ikot ang braso niya.


"Aray ko naman!" Reklamo nito pero inirapan ko nalang siya.  "Kahit kailan ka talaga Gellatin, napaka sadista mo. Naimpluwensyahan ka na ng Saliva na iyon," Umiling-iling pang sambit niya.

"Hoy! Narinig ko ang pangalan ko diyan ah!" Kita kong natigilan si Barry ng sumigaw si Sylvania mula sa mismong kinaroroonan ng mga babae, kahit kailan talaga napaka talas ng pandinig ng isang iyon sa tuwing napag-usapan siya. Natawa nalang akong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng tribo na hindi matapos-tapos sa pag-iiyakan.

"Salamat sa napaka tapang na binibini," Nagulat ako ng may lumapit sa aking binata, may histsura naman siya, matangkad at matipunong pangangatawan hindi rin naman kaputian at bumabagay sakanya ang kulot niyang buhok, nakangiti siya habang nakatingin sa akin kaya nailang akong ngumiti sakanya. Nakita ko pa mula sa aking peripheral vision ang pagtingin sa akin ni Barry at sa taong kaharap namin. "Isa ako sa anak ng mga naging asawa ng Datu, at labis ang pasasalamat ko sa'yo dahil sa katapangan mo nakalaya na ang aking Ina mula sa hayok na Datu." Dugtong niya sabay lahad sakanyang palad kaya taka ko itong tinignan, tumingin ako sa gawi ni Barry na ngayo'y nakangisi habang nakatingin sa lalaking kausap ko.


"A-h eh, hindi lang naman ako ang naging dahilan para mapalaya sila, saka isa pa kung wala ang mga kasama ko baka hindi rin ako naka survive. At isa pa kung hindi nagtiwala sa akin ang iyong Ina at ng iba pa baka hindi ko rin iyon nagawa, kaya wala kang dapat ipagpasalamat dahil ginawa ko lang iyon para makalaya din sa mismong  kamay ng manyak na Datu niyo!" Nakangiwing sambit ko sakanya, naalala ko pa ang ginawa ko kanina imbes na mandiri natawa pa ako sa kalokohan ko ganung paraan rin pala ang kahinaan ng manyak na Datung iyon, malakas siya inaamin ko pero haha shuta kakaiba namang estilong iyon para lang matalo siya.

"What are you thinking?" Kamuntikan ko ng masapak si Angelo dahil bigla-bigla kaseng lumapit at nagsalita sa tabi ko, kainis na lalakeng ito parang kabute.


"Ano ba!" Inis kong hinampas ang dibdib niyang matigas, "Nanggugulat ka ah!" Masungit kong sambit sakaniya pero natigilan ako ng marinig ang halakhak ni Barry sa kabilang tabi ko.

"What?" Kunot noong tanong niya pero sa kausap ko naman ang tingin. "what's with you man?" Tanong nito at wala man lang kakurap-kurap habang nakatingin sa taong kaharap namin.

Tumingin naman sakanya ang lalake at sa akin maging kay Barry, na para bang nagtatakang palipat-lipat ang tingin sa aming tatlo, ano ba naman iyan. "I'm sorry, nandito lang ako para magpasalamat sainyo at sa babaeng dahilan para makalaya ang mga babae dito. Ganun din sainyo, dahil sainyo tuluyan ng nakalaya ang tribo namin sa aming Datu," Ramdam ko na medyo nahihiya pa siya pero nagawa pa rin niyang magsalita sa harapan namin ng hindi nauutal.


The Tears Of The Lost Princess[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon